Chapter 13 [2/2]: HALIK

159 7 2
                                    

~Buug!~ napalakas na sadyang umpog ng dalawang noo.

"What is that for?!" namimilipit sa sakit na tanong ni Ibe.

"Take that as my ganti." maging si Pipe ay nakahawak sa kaniyang kumikirot na noo, "Nasaktan din naman ako ah!" pabirong sambit nito.

Napangiti na lamang si Ibe kahit ramdam pa nito ang pananakit ng noo, "Okay! If that what makes you happy."

"Say "I love you" to me."

Nagulantang ang lahat sa hindi inaasahang bira ni Pipe. Maging ang kirot na nararamdaman ni Ibe ay kagyat na nawala dahil sa kaniyang sinambit.

Why?

Please! Just say it!

Why should I say that? Naguguluhan ako.

Wala kahit isang salita ang lumabas sa kanilang mga nakatikom na bibig at tila nagbabasahan lamang ng isip.

Sabihin mo na! Para matapos na lahat ng pagkukunwaring 'to! Ayaw ko na! Ayaw na kitang makita! Gusto ko ng lumayo sa'yo! Kaya please...sabihin mo na!

Matapos na matapos pa lamang ng huling salitang binanggit ni Pipe sa kaniyang isipan, kapagdaka na lamang nagdilim ang paligid at tila nagmistulang kulob na silid ngunit malinaw at maaliwalas niya pa ring nakikita si Ibe na nasa harapan.

Ginamos niya ang kaniyang mata sa pagbabakasakaling nananiginip lamang ito. Ngunit sa kaniyang pagmulat, nagulantang siya nang matanaw niya ang Dyosa ng Ikalawang Buhay na nasa likod ng walang kamalay-malay na si Ibe bitbit-bitbit ang napakaamo at tunay na mabining mukha.

"Hindi gagana ang ganiyang paraan Pipe!" sigaw ng nagliyab na Diyosa.

Muling umasta ng napakabanayad at ubod ng kahinhinan,"Kailangan na maramdaman niyo ang Koneksyon ng Pana bago ka tuluyang makawala sa sumpa." dahan-dahan na lumalakas ang kaniyang tinig kada titik, "At sa susunod na tratuhin mong laro lamang ang misyon na ito, hindi ako magdadalawang-isip na..." pabiglang ipinantay ng Diyosa ang kaniyang nakapormang patilos na kamay sa kaniyang leeg at umaktong tila hiniwa ang leeg.

Seryoso ang Diyosa sa kanilang muling pagkikita. Ngunit bago ito umalis, sinulyapan niya muna ang ang pagmumukha ni Ibe at nang makita niya ito, lumingon siyang muli kay Pipe at tinapik ng dalawang bese ang kanyang baba, nag-OK Sign habang nakangiti at nagniningning ang mga mata at nagwika ng walang tunog na "Jackpot!".

Nagmamadaling pumadyak ang Diyosa, hudyat para maglaho ngunit...

"Wait Deity!" pinigilan siya ni Pipe. "Anong...Koneksyon ng Pana?" balisang tanong ni Pipe.

Kinandatan lamang siya ng Diyosa ng Ikalawang Buhay at tuluyan na itong naglaho.

Bumalik na ng lahat sa normal ngunit nananatili pa ring nakatanaw sa likod at tulala si Pipe. Hanggang sa...

"I Lo..."

"Joke!" sinambit ng kabado at hindi angkop ang reaksiyon sa sinabing salita.

"Luh! Pipe nyo nagda-drugs ata." banggit ni Micah na ikinahalakhak ng magkakaibigan.

"Joke? How about your face? Mukha kang takot. Did I say something wrong?!" nagtatakang tanong ni Ibe.

Isang malutong na sapak mula kay Keith ang muling nakapagpagising sa natulirong Pipe.

"Wa...wala!" nauutal na banggit ni Pipe at mabilisabg nag-isip ng maaring ipalusot, "I mean...joke. Joke lang! Okay lang 'yon! Wala na 'yon. Ang mahalaga, I'm still here. Humihinga, bukas ang mata di'ba?" nilingunan niya ang kaniyang mga kaibigan at mariing sinenyasan na sumang-ayon sa kaniya.

"Ahhhh...Oo naman!" salo ni Yna.
"True girl!" puno ng enerhiyang tugon ni Micah.
"Oo. Sige." walang sikap na dugtong ni Keith.

"Oh, di'ba!" napa-palakpak na lamang si Pipe dahil walang kahirap-hirap niya itong nailusot, "Okay lang talaga." halata ang pilit na ngiti at tawa ni Pipe ngunit sa hindi bihasa ukol sa pagbasa ng mga kumpas ng kilos tulad ni Ibe, hindi niya ito pansin.

"Muntikan mo lang naman akong patayin!" nanggigil na bulong ni Pipe sa hangin.

"What's that?" tanong ni Ibe na ikinabigla ni Pipe.

"Wala...I said, You're Welcome!" sagot ni Pipe suot-suot pa rin ang pekeng ngiti.

"Pero...Hindi pa ako nagte-thank you."

Kagyat na nagtago ang ngiti ni Pipe, "Ayaw mo 'yon? Advance." napatawa na lamang siya sa sariling kamalian.

Itinalikod ni Pipe ang kaniyang ulo at nagwika ng walang boses sa hangin na, "Ang tanga mo, Pipe!" at muling nilingunan si Ibe ng huwad na ngiti.

Pasadyang Tala:
Huwag magsayang ng panahon. Maging mapagkumbaba at agad gumawa ng paraan.

Special Note:
Do not waste a single time. Fill yourself with humility and hurriedly make a way.

JEDZUUUHMATIC

I Need Your I Love You (BL Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon