Chapter 35

46 5 0
                                    

I am done with any bullshits in my life.

I am done playing. I am done resenting myself with things that was meant to happen. I am done being a worrier. I am done being a coward.

I should stand bold now. I need to get back my old self. Sawa na akong i-asa pa sa ibang tao ang paghahanap ng hustisya. Marahil ay panahon na para ako na mismo ang personal na kumilos. I heave a deep sigh before reading the newspaper’s headline.

36 terrorists  was killed by 1st IB’

The 1st infantry battalion took the glory. They covered what happened in Laguna at ipinalabas ito sa buong bansa na sila ang nakahanap ng kuta ng mga rebelde, without dragging my name. I folded the newspaper and slid it inside my bag.

Kinuha ko na ang panulat ko at inumpisahan ang pagbabasa at pagpipirma ng mga papeles na dapat ay kahapon ko pa natapos. Sinikap ko itong tapusin nang maaga hanggang sa makalipas ang dalawang oras saka ko tuluyang natapos ang lahat. I stretched my back together with my knuckles.

“Ma’am.” Zalysha landed a tea on my table, I nodded at her and mouthed thank you.

“Ma’am tumawag nga po pala kahapon ang taga-NBI,” wika n’ya na umantig sa interes ko.

“Ano’ng sinabi nila?”

“Umamin na raw po si Rafael iyong suspek.” Kusang kumawala ang mga ngiti ko dahil sa sinabi n’ya. Pero bakit ngayon pa?

“Who paid him Zal?” She grabbed her tablet and scanned some files.

“Lito Ambrosa daw po.” My smile fade the moment I heard the name. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot. Nagpatuloy sa pagbabasa si Zalysha pero hindi ko na nagawa iyong pagtuunan ng pansin dahil abala na ang isip ko.

“Base on their investigation, this Lito Ambrosa became Mr. Guanzon’s once rival in politics, and aside from that they have personal feud too.” So Lito Ambrosa was the one who paid this Rafael Bebida to sabotage the plane?

Is this an another failure again? Nagkamali na naman ba ako sa mga hinala ko? But I can’t be mistaken.I’m sure it was him who did all of these. But who the fvck is that Lito?

“Thanks,” maikling sagot ko sa kan’ya.

“By the way inform me Zal when it’s 10,” pahabol ko sa kan’ya. Nakakunot man ang noo ay tumango s’ya sa ‘kin.

“Wala po kayong gagawin ma’am?” She asked in confusion. I’m sure she know that somehow this case is important for me. And the idea of me not doing anything in that case is unbelievable.

Ngunit anong magagawa ko? I don’t want to make a move right away. I wanna know the very truth and answer all my questions first before giving a word. I don’t want to be impulsive again.

“I’ll let them handle that,” she nodded before heading her way outside my office. I immediately grabbed my laptop and took my first step in finding justice. I tracked all the records and history of Mr. Perez, I even hack all his social media accounts. After several minutes of finding something on it, I found none.

I glanced at my wristwatch only to see that it’s 8:24 in the morning. I still have 1 hour and 26 minutes. Mabilis akong muling nagtipa at nagbasa sa lahat ng mga detalye tungkol sa kan’ya at sa kan’yang pamilya. Hanggang sa sumagi sa isip ko ang isang ideya. I tracked all his IP addresses. And it leads me into several places in Manila, Laguna, Cebu and even in Davao.

The corner of my lips wrinkled forming into a smile of derision. I saved all the data and made sure that it is encrypted before closing my laptop and respond on Zalysha’s call.

“Ma’am it’s time. The chopper is ready, tayo na po,” I nodded in her as a reply. I fix myself first and grab my black denim jacket and place it on top of my white blouse.

There were 8 choppers on the line. Ang isa ang s’yang sasakyan namin. Habang ang natitirang pito ay ang s’yang magdadala ng mga relief goods at iba pang tulong.

Naging mabilis ang byahe namin sa himpapawid dahil na rin sa maaliwalas na panahon. Bago pa man lumapag ang chopper namin ay tinitigan ko na ang kabuuan ng Bicol region.

It was a total disaster. An aftermath of a perilous earthquake. Kung dito pa nga lang sa himpapawid ay nakikita ko na ang pinsala ng lindol paano na kaya kapag tuluyan na kaming lumapag?

We first landed in Albay, the most affected part of Bicol region. At kagaya nga nang inaasahan ko ay pagkalapag namin agad kaming sinalubong ng mga tao at mga sira-sirang imprastraktura. Bata man o matanda ay parehong naka-abang sa presensya ko.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at muli na namang gumuhit ang awa at lungkot sa puso ko. Ganito ba talaga kabagsik ang kalikasan? That there is no exact time duration if when it’ll strike? That there is no exact calculation of how atrocious it is? Indeed nature is adventitious...

The PSG encircled me to protect me from the attempt approach of the people. But when I saw a little boy and a little girl under their mother’s arms, I went near them.

Gula-gulanit ang mga damit nila pareho at ang kanilang mga mukha ay nababahiran ng dumi mula sa alikabok at lupa. Bahagya silang napa-iwas nang lumuhod ako sa harapan nila at akmang hahawakan sila.

“Ms. President,” Zalysha called me hesitantly.

“Just a moment Zal.” Ngumiti ako sa dalawang bata. Sa kanilang ‘itsura ay naaalala ko ang dalawa kong nakababatang kapatid.

Muling bumalik sa isipan ko ang hagikhik at tawa ng mga kapatid ko sa tuwing naglalaro kami noon. Katulad ng dalawang batang ito ay ganoon din ang ‘itsura ng mga kapatid ko noon. Gula-gulanit ang suot nilang mga damit, habang marumi ang kanilang mga mukha. Ang kanilang mabantot na mga amoy dahil sa maghapong kakalaro sa labas ay muli kong naalala.

Tila isang libro ang buhay ko na biglang inihip ng hangin ang mga pahina nito pabalik sa nakaraan. Sa mga pahinang natapos ko nang lakbayin, at napagtagumpayan.

“Ano ang pangalan n’yo?” Nakangiti kong tanong sa dalawang bata. Tila natatakot nilang isiniksik ang sarili nila sa bisig ng kanilang ina.

“Mga anak, kinakausap kayo ng Presidente. Pasensya na po ma’am,” wika ng kanilang ina. Nagtaas ako ng tingin sa kan’ya, ngumiti ako nang tipid saka marahang iniling ang ulo ko.

“Dear anong pangalan mo?” Tanong kong muli sa batang babae. Ngunit muli n’yang isiniksik ang sarili n’ya sa kan’yang ina. Kaya’t sa huli ay lumuhod ang kanilang ina at kinausap sila dahilan para ibaling nila ang tingin nila sa ‘kin.

Ang kanilang mga mata ay sumasalamin sa paghihirap na dinaranas ng lugar na ito. Ang kanilang inosenteng mga mata na nakasaksi kung gaano kahirap ang buhay at kung gaano kabangis ang kalikasan.

“Minoa...iyon po ang pangalan ko,” nahihiyang wika ng batang babae. Nginitian ko s’ya saka ginulo ang magulo na n’yang buhok. Sunod ay binalingan ko ng tingin ang batang lalake.

“Hulaan ko Mico ang pangalan mo?” Nagbibiro’ng wika ko sa batang lalake. Pero hindi s’ya tumawa at nanatili s’yang inosenteng nakatingin sa ‘kin. Tumikhim ako saka s’ya tinanong.

“Anong pangalan mo?”

“Nelo po,” nahihiyang sagot nito. Kagaya kanina ay nginitian ko s’ya at ginulo ang buhok n’ya.

“Alright. Minoa, Nelo pwede ko ba kayong makasabay sa paglalakad?” Nakangiting wika ko saka tumayo at ibinuka ang dalawang balikat ko. Hindi sila umimik o kumilos at nanatili silang nakatingin sa ‘kin. Ngunit nang bulongan sila ng nanay nila ay nahihiya silang lumapit sa ‘kin. Napakabagal niyon bago sila tuluyang dumating sa ilalim ng bisig ko.

I nodded in their mother before taking a step with the two kids under my arms. Nakapalibot sa ‘min ang mga tao taglay ang namamangha nilang mga tingin. Having these two kid under my arms feels like I’ve touched my younger sister and brother again.

Sinenyasan ko na ang mga tao ko saka sila nagsimulang mamigay ng pagkain sa mga tao habang nagpatuloy ako sa paglalakad at sinusuri ang paligid. I am still encircled with the PSG, while I’m walking together with the two kids.

“Minoa, kung pagbibigyan ka ng isang hiling ano ang hihilingin mo?” Tanong ko sa kan’ya habang hindi ko inaalis ang paningin sa paligid. Segundo ang lumipas ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kan’ya. Nagbaba ako ng tingin at nagulat ako matapos makitang nakatitig lang s’ya sa ‘kin. Ang mga mata ay binubuo ng hiya at pagkamangha. Muli kong inulit ang tanong ko sa kan’ya at sa pagkakataong ‘to lang s’ya sumagot.

“Ang maibalik po ang bahay namin.” Napatitig ako kay Minoa nang matagal. Para sa isang batang kagaya n’ya ay tila imposible para sa kan’ya ang humiling ng ganoon. Dahil pwede naman s’yang humiling ng mga laruan o kung anong mang bagay na gusto n’ya.

But I guess she have seen how hard life is, for her to be practical. I gently smiled at her before averting my eyes to Nelo. “Ikaw ano ang hiling mo?” Tumingin s’ya sa paligid n’ya bago sumagot sa tanong ko.

“Ang matupad po ang hiling ng kapatid ko,” namamangha akong ngumiti sa kan’ya. Ginulo ko ang buhok n’ya bago ako tumigil sa paglalakad at lumuhod sa harap nila.

“Minoa, Nelo. Alam n’yo? Naaalala ko ang dalawa kong kapatid sa inyo. Katulad n’yo rin sila. Praktikal at alam na ang reyalidad ng buhay,” nakangiti kong wika habang hinahaplos ang mukha nila.

“Asan na po sila?” Inosenteng tanong ni Minoa. Ibinaling ko ang tingin sa ibang direksyon bago sumagot sa tanong nila.

“Na sa heaven na sila. Naging anghel na sila,” mapait akong ngumiti sa kanila.

“At dahil mababait kayo ay tutuparin ko ang hiling n’yo,” pag-iiba ko agad sa usapan. They both beam into a smile and look at me with amusement.

“Talaga po?” Tumango ako sa kanila.

“Presidente po kayo hindi ba?” Tumango ako sa biglaang tanong ni Nelo.

“Oo at tungkulin ko ang pagsilbihan kayo,” sagot ko sa kan’ya. Agad na gumuhit ang pagtataka sa kan’yang ekspresyon.

“Po? Ang akala ko po ay kaming mahihirap iyong nagsisilbi sa inyo. Hindi po ba at mayaman na kayo? Dahil Presidente kayo?” Muli ay namangha ako sa sinabi n’ya. Sa tingin ko ay n asa sampu o labindalawa pa lang ang edad nila ngunit ang dami na nilang alam sa buhay. Umiling ako sa kan’ya saka hinawakan ang balikat n’ya.

“Ang pinuno ang nagsisilbi at nagpo-protekta sa mga nasasakupan n’ya. Kaya tungkulin ko ang pagsilbihan kayo dahil kayo ang nasasakupan ko,” kumunot ang kan’yang noo sa sinabi ko, ganoon din si Minoa.

“Balang araw ay maiintindihan n’yo rin. At ito ang tatandaan n’yo, na ang yaman ng tao ay narito,” itinuro ko ang kinalalagyan ng puso nila.

“At dito,” saka ko itinuro ang ulo nila.

“Hindi nababatay sa dami ng pera ang kayamanan ng tao, naiintindihan n’yo ba Nelo at Minoa?” Tumango sila sa sinabi ko.

“At kung ang ibig-sabihin mo Nelo na mayaman na ako kaya hindi ko na kailangang magbigay ng serbisyo ay nagkakamali ka. Hindi porke’t mataas na ang estado mo sa buhay ay hindi ka na tutulong sa iba. Ito ang lagi n’yong tandaan, ang pagbibigay ng serbisyo at tulong sa iba ay hindi nakabatay sa estado ng isang tao. Lahat tayo ay responsibilidad ang tumulong sa iba. Kaya’t kung may pagkakataon kayong tumulong ay gawin n’yo naiintindihan n’yo ba?” Ang kaninang nakakunot nilang noo ay unti-unting umaliwalas hanggang sa sabay silang tumango.

“Opo!” They vigorously answered. I smiled at them and patted their head as we began to continue on walking again. Nang marating namin ang pook kung saan halos nakatayo ang lahat ng tents katabi sa mga bagong bahay na ipinapagawa ng programa ko ay nanlumo ako sa nakita ko.

Sa loob ng isang tent ay nagsisiksikan ang higit sa dalawa hanggang tatlong pamilya. May mga bata, matanda at sanggol sa loob ng tent. Habang sa iba naman ay may nakaratay na mga taong may sakit. Nakakaawa ang sitwasyon nila.

“Iyon po ang bahay namin,” wika ni Minoa sabay turo sa isang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Katabi lamang ito ng mga tent. Bahagya itong nakahilig sa kanan na waring matutumba na. Ang ilang kahoy na dingding nito ay natutuklap na, habang ang bubong nito ay gawa lang sa pinagpatong-patong na butas na mga yero.

“Huwag kayong mag-aalala, papalitan natin ‘yan ng bago at gawa sa semento okay?” Sabay silang ngumiti saka tumango.

“Salamat po ma’am!” Umiling ako sa sinabi nila.

“Tawagin n’yo na lang akong ate okay? Ate Eury,” nakangiti kong wika.

“Po?” Nagugulahan nilang wika.

“Isipin n’yo na lang na nakatatandang kapatid n’yo ‘ko. Ayos ba ‘yon?” Nagugulahan man ay sabay na lang silang tumayo.

“Opo ate Eury.” My heart melt the moment I heard it. They’re voice were so sweet and gentle that it reminded me of my two younger siblings.

Ate Eury...

Kailan na nga ba noong huli kong narinig ang mga katagang iyon? Oh how I miss it. Ginawaran ko sila ng halik sa mga noo nila. Bagay na s’yang palagi kong ginagawa noon sa mga kapatid ko.

Iniwan ko na sila Minoa at Nelo sa bahay nila nang dumating ang nanay nila. Personal akong nag-abot ng pera sa nanay nila na mariin nitong tinanggihan noong una ngunit sa huli ay wala s’yang nagawa nang ipagpilitan ko.

“Zal who’s the engineer of these?” Tanong ko kay Zalysha sabay turo sa mga under construction na mga bahay.

“Si engineer Gilbert Servano po, that man over there,” sagot n’ya habang itinuturo ang isang lalake sa ‘di kalayuan na abala sa pagti-tingin-tingin sa pagkakagawa ng mga bahay. Ilang segundo lang ay lumingon ito sa ‘ming direksyon saka mabilis na naglakad.

A man in a blue polo and with a white hat in his head walk towards us. He looks like he’s on my age, judging from his muscular physique.

“Good morning Ms. President,” he greeted me with a smile.

“Good morning engineer how was it?” I asked directly.

“All good Ms. President,” he braggingly answered.

“Oh? So when will it be done?” I asked again with my arched left eyebrow.

“Hopefully within three months Ms. President,” tugon n’ya. Tumango ako bilang sagot saka naglakad papalapit sa mga ipinapagawang bahay. Sinuri ko ang kalidad nito maging ang tibay. And all I can say is he’s a good engineer.

“Keep up the good work engineer Servano,” I smiled in conserve. Sinuklian n’ya naman ako ng isang ngiti.

“Baby I’m here.” Tumaas ang balahibo ko sa batok nang marinig ang biglaang pagbulong ng pamilyar na boses. Kung na sa ibang sitwasyon lang kami ay baka nasuntok ko na s’ya. How did he make it near me without me noticing his presence?

“Oh so what’s with it General?” I asked trying to sound serious and nonchalant.

“It’s urgent ma’am, the people needs you.” Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi n’ya. Pilit kong hinuhuli ang ipinapahiwatig n’ya. And when I realized it I glared at him.

Is this his way of saying that I need to go and stop talking with this engineer right here because his jealous?

Oh jeez!

“I need to go engineer I just pass by to check your work,” I bid goodbye to him. Now I’m walking together with the green-eyed General with a grin on his face beside me towards the tent where medical supplies are held. Bakit ngayon lang s’ya nagpakita?

Hindi ba’t ang 1st IB ang nakatalagang tumulong ngayon sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga tao? Bago pa man namin marating ang tent ay isang umiiyak na ale ang humarang sa daanan namin. Pilit s’yang hindi pinapalapit nila Emman sa ‘kin.

“Let her,” I ordered with my voice full of authority.

“Ma’am tulungan n’yo po ako! Ang asawa ko po!” humahagulgol nitong wika.

“Ano po bang nangyari sa asawa n’yo?” I cupped her shoulders to support her weight.

“T-tulungan n’yo po ako!” Muli n’yang hagulgol na tila hindi man lang narinig ang sinabi ko.

“Opo tutulungan po namin kayo, sa ngayon po ay asan po ang asawa n’yo?” she smiled with her watery eyes. Hindi s’ya sumagot at bigla n’ya na lang akong hinila. Pilit s’yang pinipigilan nila Emmanuel pero ako na mismo ang nagpadala sa kan’ya. Styyx looked at me with a worried expression.

“I’m okay,” I mouthed causing him to heave a sigh.

Dinala kami ng ale sa isang tent, pagkapasok namin ay agad kaming sinalubong ng isang imahe ng isang lalakeng walang kasing-payat.  Ang kan’yang buto ay kitang-kita na dahil tanging balat na lang ang meron s’ya. Agad kong inutusan ang mga taga-PSG na kargahin na ang lalake. Dahil bukod sa nanghihina na ito ay nahihirapan na rin itong huminga.

“Ms. President we don’t have enough medical apparatus here to help him,” my fists balled after hearing the words from the head doctor.

“Use the chopper and bring him to a standard hospital immediately!” I ordered with my kind of voice that made everyone follow .

“Give him an oxygen Doc!” Mabilis na kumilos ang doktor at pumasok sa kanilang tent. Pagkabalik n’ya ay may dala na s’yang isang tank ng oxygen. With the man’s wife beside her the PSG carried the man up to the chopper until it took off. I heave a deep sigh.

“Hey, are you okay?” Styyx asked.

“Yes I am.”

“Zal can you please accompany the man in the hospital? Ikaw na ang umasikaso sa mga bayarin at sa mga kailangan n’ya. I’ll be the one to pay just make sure that he will be okay,” Zal looked at me with admiration and then nodded before walking away.

“You’re really beautiful baby,” Styyx commented. I just look at him with a blank expression and then continue my way.

Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay ang bawat mukha ng mga taong nahihirapan ang nasisilayan ko. Mga mukhang sumasalamin sa tunay na reyalidad at hirap ng buhay. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ko ang sentro ng pook. Doon ay may isang maliit na dampa na wari entablado, ang mga dingding nito ay natutuklap na.

“Go on baby,” bulong sa ‘kin ni Styyx. Tipid akong ngumiti at tumango sa kan’ya bago ipinagpatuloy ang paglalakad ko roon. When I reached it I let my hand grab the microphone and begin my words.

“7.5 magnitude of an earthquake. Hindi ba’t kay lakas nito? Ang s’yang lindol na s’yang kumuha sa iilang buhay at s’yang sumira ng mga imprastraktura at kabahayan dito sa Albay. Ang s’yang lindol na nakapagpabago sa buhay n’yo, sa buhay nating lahat,” unti-unti ay ibinaling ng mga tao ang kanilang atensyon sa ‘kin at sa mga susunod ko pang sasabihin.

“I know the pain that you’ve been suffering. Alam ko ang mga paghihirap na pinagdadaanan n’yo, dahil nakita at narinig ko mismo iyon sa sandaling naghimagsik ang kalikasan. I have heard your cries in agony. Alam ko ang pakiramdam nang mawalan. Because I’ve been there. Ngunit magpapatuloy na lang ba tayong ganito? Alam kong pakiramdam n’yo ngayon ay wala ng pag-asa ang lahat. Nawalan kayo ng mga mahal sa buhay at mga ari-arian,” my eyes landed in Styyx. He’s smiling at me with his proud look.

“But can’t you see the silver lining in this yet? Remember this. Pilipino ka, ikaw ako at tayo. We are Filipinos and Filipinos don’t know how to give up. Kilala tayo bilang matatapang at maaasahin sa mabuti.”

“We are Filipinos and we are born for survival. We are born as a fighter. Patuloy lang tayong lumaban dahil isang araw ay makikita rin natin ang sikat ng araw. And together we will rise as one. One courage, one strength and one country,” I said firmly. Sinulyapan ko ang mga tao sa paligid, At ang ilan sa kanila ay nakatingin sa ‘kin ng may paghanga, habang ang ilan naman ay tumatango-tango na para bang sang-ayon sila sa mga sinabi ko.

“Sabay-sabay tayong aahon. Sabay-sabay tayong aasa at lalaban. Sabay-sabay nating makakamtan ang kaluwalhatian. And together we will conquer this every tragedy. Together we will rise up for a new and hopeful tomorrow!”

|End of chapter 35|
•Please don't forget to vote and comment <3•

Pearl Of The East | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon