12 - Pauwi Nako

2.2K 130 108
                                    

Jema.

Traffic is heavy again this morning, this is not good to start my day huhu. Pwede kaya akong mag teleport na lang or lumipad? Kahit ang aga kong umalis ng bahay ay naipit pa rin ako sa kalsada.

Dahil ito siguro sa mga ginagawang daan sa ngayon, kaliwa't kanan ang project ng DPWH. Build, build, build nga raw. Unless na may accident na naman kaya buhol buhol na ang mga sasakyan. Ang aga aga para masira ang mood ko, hindi dapat. I released the handbrake of the car when the traffic slowly moved forward.

But guess what? I just made it on time, yay. I pulled up into the parking lot and jumped out of my car. I checked my appearance in the side view mirror and took big strides towards the future, charot.

My brown hair is in a tight bun. Bagong kulay ito kaya lang ayaw ko munang ipakita kaya nakatali ito. Mas type yata ni boss D pag ganito ang style ko pag nasa opisina, as she always compliments me pag nakikita nya na ganito ang hairdo ko.

Sabi nga ni Val sa akin, I look the part. Pang secretary daw talaga ang buhok na nakapusod with matching get up na blouse and skirt.

I hadn't had time to put on my make up so my face is bare. I'm going for the natural look today, mas natural, mas maganda di ba?

Wala ka lang time talaga kamo haha.

Pumasok na ako sa pamilyar na building. Yes, 2 weeks na akong nagtatrabaho dito. Ang bilis ng panahon. In three days time ay sasahod na ako. Nagpaparinig na nga ang dalawang panget kong kapatid na manlibre daw ako. So far, wala pa silang makitang mapapasukan na trabaho kaya triple ang pagtitipid namin. May mga tumawag naman na sa kanila kaso ang lalayo ng area. Kulang pa ang sahod nila sa magagastos papasok at pauwi plus pagkain pa. Ayaw ko naman na basta na lang sila tumanggap ng trabaho na ganun. Sabi ko mag tiyaga pa rin sila sa pag aapply.

Ililibre ko na lang siguro sila ng isaw at barbecue sa may kanto namin bwahaha. Tipid tipid muna pag may time.

Muntik na tuloy humalik ang mukha ko sa main door ng building dahil sa lumilipad ang utak ko. May palabas pala kaso hindi ko napansin. Natawa tuloy yung guard sa may gilid. Dedma kunwari ako at with poise na naglakad sa lobby.

Pagpasok ko pa lang ay binati na ako agad ni Nica, the receptionist. I smiled and waved at her.

"Good morning Ms. Jema. How are you today?" she asked.

"Good morning Nics, I'm fine thanks. Ikaw ba?" sagot ko.

"Same pa rin." sabi nya.

I waved bye na lang sa kanya and rushed to find my way to my desk. I only have 3 minutes left to spare whew. Buti na lang at wala pa si boss D. Nag relax na muna ako habang binubuksan ang aking computer.

Ngayon ang dating ni boss D from US. Excited akong makita sya today as I miss her na, charot. Hindi ko na kasi sya nakita o nakausap bago sya umalis. Valerie mentioned it to me na lang.

She left on my fourth day of working here. Biglaan ang biyahe nya, may auction daw na gagawin doon at nakasalang ang isang piece na gustong gusto nyang makuha.

Kung meron nga lang daw akong US visa ay baka naisama nya ako sa trip na ito, sabi ni Valerie sa akin. I don't know if it's true or binobola lang ako ng bruha.

Anyway, while boss D is not around, si Val ang lagi kong kasama at sya na rin ang nagturo sa akin ng mga dapat kung gawin na trabaho. Ang swerte ko dahil siya yung taong hindi madamot.  She shares all her professional experiences and knowledge to me. Lahat ng tanong ko ay sinasagot basta allowed na malaman ko.

Bongga di ba? Kumbaga, hands on talaga sya sa pagtuturo sa akin.

Kung naging vibes kami agad noon, mas lalong nagkapalagayan kami ng loob sa ngayon. She was good in mentoring me so I didn't find it hard to fully grasp my responsibilities here. Ang sabi naman nya ay madali akong turuan kaya ganun, feeling ko nagbobolahan na kami haha.

STRANGER Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon