Chapter 4

103 6 0
                                    

Maghapon akong nagpahinga nang magising ako. Bumangon lang ako nang marinig kong tumutunog ang aking tiyan. Noon ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain. Nang tingnan ko ang oras ay ala una na pala, pumunta ako sa kusina para magluto ng makakain, nang buksan ko ang ref, walang laman. Then it hit me, hindi nga pala ako nakapamili. Kaya sa halip na magluto ay lalabas na lang ako at sa malapit na restaurant na lang kakain. I wore my jacket, slippers and my cap and get my wallet, didiretso nadin ako sa grocery store.

Kumain ako sa Jollibee at nag take out ng fries, burger and spaghetti. Nilagay ko sa kotse ang dala ko at nagmaneho na papuntang grocery store.

Kumuha ako ng mga instant foods at pati nadin mga gulay. Nang matapos ako ay nagbayad na ako sa counter at nagpatulong na dalhin ang aking pinamili sa sasakyan. Pag-uwi ko naman ay inasikaso ko ang mga pinamili ko.

Dahil sa pagod ay nakatulog ako at nang magising ako ay madilim na, hindi na ako nakaluto kaya yung take out kanina ang kinain ko. Bukas na lang ako magluluto.

NGAYON ang araw ng pag-alis ng nobya ni Dale. Pilit kong tinatanggal ang mumunting pag-asang aking nararamdaman sa pag-alis ni Belle. Pag-asang makikita nya ako at magugustuhan. Ngayong araw na ito ay plano kong magpunta sa bar upang uminom saglit at makalimutan kahit panandalian ang aking nararamdaman. Bukas ay may trabaho na ulit ako. Bukod kasi sa pagiging PA ay nagtatrabaho din ako sa isang resto bilang chef. Kung tutuusin ay kaya naman na akong buhayin ng kita ko sa pagiging PA, gusto ko lang talaga na sa bawat araw na wala akong trabaho sa kanila ay may iba pa akong pinagkakaabalahan.

Ilang araw din akong hindi nakapasok dahil nga sa concert ng band. Mabuti na lang at mabait ang may ari sakin at kaibigan ko ito. Marami din naman ang pwedeng humalang sa akin, kaya okay lang kahit di ako pumasok, ako ata ang batas. Pero babalik na ako bukas dahil ayaw ko din namang abusuhin ang kabaitan nya. Wala pa din namang schedule para sa susunod na mga events si Dale. Bukod sa pagbabanda ay tumatanggap din si Dale ng commercials at modeling kaya talaga namang kilala sya at kailangan nya talaga ng PA.

Andito ako sa sala at nanunuod ng tv nang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag na si Jewel, the owner of the resto where I work.

"Hoy binibini, baka naman po pwede ka ng pumasok bukas, wala ka naman atang ibang work ngayon. Kailangan ko lang ang pinakamagaling na chef, hahaha," bungad nya pagkasagot ko ng tawag.

"Magandang gabi din sayo huh. Opo papasok ako bukas. Ano bang meron at kailangan mo ako madam," tanong ko sa kanya.

"May reservation kasi bukas yung family ng friend ko. Gusto ko lang na ikaw magluto. Hahaha, anyways, pasok ka na ha," tawa nya pa.

"Okay boss, sige bukas papasok ako. See you tommorow," paalam ko sa kanya at pinatay na ang tawag.

When the clock hits 7pm, I took a bath, put a dark make up on my face so no one would recognize me, and wore a black dress hugging my body and 2 inch heel. To make it complete I get my black purse and I'm ready to go. I went to the parking lot at nagmaneho papuntang bar. I called Jewel to come with me. Napagkasunduan namin na duon na magkita.

Minutes later, I arrived, Jewel's not there pa kaya pumasok na ako sa loob at doon na maghihintay sa kanya.

I was drinking my tequilla when she arrived.

"Beb ang aga pa, nagyayakag ka na agad maglasing," bungad nya sa akin ng makita.

"Haha, just wanna hang out with you beb," bati ko naman sa kanya. We've been friends for years.

"So kamusta naman ang pagiging PA mo kay Dale mo," pag-uusisa nya sa akin.

"Ayun umalis na yung girlfriend nya, LDR sila. Naku, kung ako ang girlfriend nya, hindi ko sya iiwanan. Dami-daming school dito lalayo pa sya. Napakaarte. Pero in my part, okay nadin yun. Malay mo, maghiwalay sila tapos pwede na kame or pwede din naman kahit sila tapos kame*evil smirk*," nang tingnan ko sya ay nakanganga sya, gulat na gulat na para bang alien language ang sinabi ko dahil hindi nya maintindihan.

"What my sinabi ba akong mali?" dugtong ko pa.

"Oh my god, malala ka na beb. Gagawin mo talaga yun? Think thrice beb. OMG, maloloka ako sayo," parang di makapaniwalang sabi nya.

I just glance, smile and wink at her.

We had fun and finish our last shots of tequilla.

After that umuwe na din kame dahil may work pa kame bukas.

I woke up early, prepare my breakfast, take a bath and wore my jeans and a blouse. A pair of flipflops would do. I'll just change sa resto. I have my uniform there.

Pagkatapos ay umalis nadin ako dahil kailangan ay maaga ako doon to prepare what I'll be needing for cooking later. Kapag kasi nagrequest si Jewel na ako ang magluto, ginagawa ko yun ng maaga at may iilan lamang na kasama. Our trusted friends din ang nakakasama kong magluto.

Pagdating ko doon ay agad akong binati ng mga kasama namin. Ganun din naman ang ginawa ko at agad na dumiretso sa kusina.

After hours of preparing and cooking, I'm done. Tamang tama naman na pagkatapos ko ay syang dating ng friend ni Jewel na nagpareserve at syang  pasok din ni Jewel sa kusina.

"Beb ready na ba yan lahat? Andito na sina Summer and her family," natutuwang sabi nya. "I told them na ang nagprepare ng food nila is the best chef. Hahaha," dugtong nya pa.

"What? Sinabi mo yun? Pano kung di nila magustuhan ang luto ko? Nakakahiya yun beb!" histerikal na sabi ko pa sa kanya. Kinabahan tuloy ako bigla.

"Kinakabahan ka beb? Dapat lang, alam mo kung sino ang Summer na tinutukoy ko?"

Nanlalaki ang aking mga matang napatingin sa kanya at sinabing, "Summer? Don't tell me that is Summer Buenavista? Oh God. Bakit hindi mo agad sinabi?" Lalo akong kinabahan dahil isa lang ang ibig sabihin nuon. Sya ang kapatid ni Dale, so andito din si Dale. GOSH.

"Then I won't tell you beb," pang-aasar nya pa.

Maya-maya ay inilabas na nila ang mga niluto kong pagkain. Kasabay nuon ay lumabas na din si Jewel para personal na ihatid ang mga pagkain. Pilit kong sinisilip kung magugustuhan nila kaya lang ay hindi ko sila makita.

Hanggang sa nailabas na nila lahat ng aking niluto. Ilang sandali pa ay pumasok ulit si Jewel at ang kanyang sinabi ay labis na nagpakaba sa akin.

"Pinatatawag ka niya beb. Hindi ata nagustuhan luto mo. Hahaha," nakakatawa ba yun. Nakakainis talaga itong babaeng ito. Ako naman ay inayos ang ilang hibla ng aking buhok at lumabas na din suot padin ang aking uniform.

"Hindi ba talaga nagustuhan beb?" paniniguro ko pa.

Ako naman ay tiningnan nya lang. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang lamesa nila. Hanggang sa makalapit na kami sa kanila, nandun pa din ang kabang nararamdaman ko na mas dumoble pa.

"Everyone, this is Krizza. My best chef," pakilala nya sa akin, habang ang aking paningin ay na kay Dale na busy pa din sa pagkain pero nangunot ang kanyang noo nang sabihin ni Jewel ang pangalan ko at bahagyang napatingin sa akin ng may pagkagulat.

"Hello po!" masayang bati ko sa kanila kahit sa loob loob ko ay kinakabahan ako.

"Hi, iha. Jewel is correct. You are very good. I like every single dish you cook. So mouth watering," papuri ng mommy nina Summer.

"Ate Louise? Ikaw ba yan? Nagwowork ka din dito, eh diba PA ka na ni kuya?" usisa ni Thunder.

"Kuya magkano ba salary ni ate sayo at bakit nagtatrabaho pa sya dito? Anliit lang siguro no?" dagdag pa niya na para bang inaalaska ang kanyang kuya. Ang pamilya naman nya ay nakatingin halos lahat sa kanya at tila ba nagtatanong ang mga matang nakatingin dito.

"Mom I don't know she's a chef. Why are you all looking at me like that?" si Dale naman ay nakakatuwang pagmasdan dahil may ganitong side pala sya. He look at me na para bang sinusuri nya ako.

What made me back to my senses is when he asked me a question that made my world stop.

"Louise, can you be my Personal Chef?"

☆abby☆

His Sweet Little SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon