Chapter 12
Napalingon ako ng bumukas ang glassdoor ng pastry at lumitaw si Eric na may dalang bouquet of red rose. Umalis ako sa may counter at agad na nilapitan siya na may ngiti sa labi.
Napansin ko ang nangingising aso ng mga staff ko.
"Good morning." nakangiting bati ni Eric bago inilahad sa akin iyong bulaklak.
Nangunot ang noo ko at bahagyang tumawa.
"Para saan 'to?"
"I missed your opening day. Hindi ako pinayagan mag leave."
Inamoy ko iyong bulaklak. Napangiti ako sa dami noon.
Nilingon ko si Eric na pinagmamasdan ako. Nakangiti ito.
"Did you like it?" tanong nya sa akin.
Tumango ako. "Andami nito, pwede kong ilagay sa vase."
Ngumisi lamang siya.
Inaya ko siya sa isang bakanteng table, ang ibang lamesa ay may mga nakaokupa na. Umaga palang ay marami na agad ang pumupunta dito.
"Mukhang malakas ang pastry mo, Nel." ani Eric na pinag mamasdan ang mga tao sa paligid.
"2nd day palang 'yan." proud kong sinabi at nag tawag ng isang staff para magpadala ng pagkain sa table namin. "Palagay na din nito sa office ko." sabi ko kay Ruby na ibinigay pa iyong bulaklak.
"Sorry, yesterday. I didn't come."
Nilingon ko si Eric. "Okay lang iyon, I know you have work too. Winish ko din talaga na wag kang payagang mag leave."
"Damn." tumawa ito kaya tumawa din ako.
"Seriously, It's fine. At least nakapunta ka ngayon."
"Pinagsisihan ko talaga ang hindi pag punta kahapon. Madami ka daw bisita sabi ni Ryan."
"Hindi naman, sakto lang."
"Humble 'yan." pang aasar niya kaya bahagya ko syang tinampal sa kamay niya.
Hindi pa man kami nakakatagal sa kwentuhan ay bumukas ulit iyong pintuan, natigilan ako ng matanaw ko si Drake, nag tama ang titig naming dalawa. Ramdam ko ang galit na namumuo roon.
Hindi nya ba talaga ako titigilan? Magkausap lamang kami kagabi, ngayon ay magpapakita na naman sya. Talagang sinunod niya iyong sinabi ni Mama.
Dumating iyong pagkain para kay Eric, pinagmamasdan ko si Drake na naupo sa isang table malapit sa pwesto namin. Nilapitan siya ni Eli na agad din akong nilingon.
"What's wrong Nel?" tanong ni Eric at nilingon ang direksyon na tinitignan ko. "Oh... Engineer." si Eric na agad tumayo at nilapitan si Drake.
Sinenyasan ko si Eli na umalis na muna, tumayo din ako at nilapitan ang dalawa.
"Binibisita mo ba si Chanel?" tanong ni Eric na nilingon ako sa gilid niya.
"Eric." saway ko dito.
"Yes, I'm visiting her. You, what are you doing here? May pinapatapos sa'yo si Mr. Mercado na design diba?" seryosong tanong ni Drake kay Eric.
"Tapos na Engineer."
Nilingon ko si Eric ng maramdaman ko ang inis sa boses niya. Kahit sino siguro ay maiinis sa naging tanong ni Drake. Parang pinapahiwatig sa tanong ni Drake na iyon, na dapat hindi nag punta dito si Eric.
"You want to join us?" tanong ni Eric na agad naging kalma ang boses.
Hinawakan ko sa braso si Eric para patigilin.
BINABASA MO ANG
Forever In Love (Book 2 Of AFIL, Love Back Series 1)
RomanceChanel confronted herself with the frightening truth of her past that unexpectedly resurfaced, grappling with the choice of facing her painful memories or simply surrendering by burying them in oblivion and not looking back. Ngunit paano kung ang al...