Tulad ng nakagawian ay nauna na bumaba ng bahay si Gabriella mula sa second floor pababa sa kusina. At doon ay naabutan na niya si ate Josephine na halos nagpalaki sa kanila. Binata pa raw ang kaniyang daddy nang manilbihan sa Kirkland si ate Josephine.
"Good morning!" ang kanyang sabi at isang ngiti ang ibinati rin nito sa kaniya.
"Good morning Gab," ang magiliw na bati nito sa kanya na Gab din ang tawag sa kanyang pangalan, dahil iyun ang ipinakiusap niya sa mga kasama nila sa bahay na itawag sa kanya. Ayaw niya na tinatawag siya na ma'am, minsan ay Miss Gabriella ang tinatawag sa kanya, lalo pa nang mga nagtatrabaho sa rancho.
"Tulungan ko na po kayo?" ang alok niya rito pero mabilis na umiling ang ulo nito at pinatay na nito ang switch ng kalan kung saan nakasalang ang sinangag na niluluto nito.
"Hindi na tapos na akong magluto, nasa lamesa na ang tapa at longganisa, may itlog na rin, tulad ng dati, kuha na lang kayo ng kape ninyo," ang sagot nito sa kanya na may ngiti sa mga labi.
"Salamat po," ang magiliw na sabi niya bago siya lumapit sa kitchen counter para kumuha ng mug at nagsalin na siya ng kape mula sa thermos na may lamang bagong laga na kape. Bitbit ang kanyang mug na may lamang umuusok na kape ay nagtungo siya sa dining ng bahay kung saan naroon na nga sa hapag ang kanilang almusal. Hindi pwede ang light breakfast sa kanila at pisikal ang trabaho sa rancho lalo na pagdating ng round-up kung saan abala ang lahat at nagluluto ang kanilang kusinera ng maraming pagkain para sa lahat ng trabahador at kung minsan naman ay nagdadala ng mga pagkain ang asawa o nanay ng mga nagtatrabaho sa rancho para pagsaluhan ng lahat.
Naupo siya sa nakagawian niyang pwesto sa harapan ng mahabang dining table at kasunod niya ang kasambahay na may dalang malaking bandehado ng mainit at bagong luto na sinangag.
"Salamat, kain na rin po kayo," ang alok niya rito at isang ngiti ang isinagot nito sa kanya.
"Mamaya na at magliligpit na muna ako sa kusina, uh oo nga pala malapit na ang tournament ng mga ranchers, sasali ako ulit sa cooking contest," ang masayang sabi nito sa kanya.
"Oo nga po pala, muntik nyo ng makuha ang grand prize last year sabi nina Alaric at Rauke, sana ngayon ay maipanalo niyo na," ang excited niyang sagot dito. Tumangu-tango ito sa kanya at ngumiti.
"Oo nga, baka swertehin na ako kasi sasali na rin kayo ngayon," ang sagot nito sa kanya at tumangu-tango siya.
"Sana nga po," ang masayang sagot niya at nagpaalam na ito para muling bumalik sa kusina at naiwan na naman siyang mag-isa. Iniangat niya ang mug at idinikit sa kanyang labi ang bibig nito para higupin ang masarap at mainit na kape.
Dahan-dahan niyang hinigop ang mainit na likido kasabay ng paglakbay muli ng kanyang diwa sa nangyari noong nakaraan na mga araw. Ang pagkakataon na kanyang hinintay na makausap si Seth at maipaliwanag ang side niya ay binigay na sa kanya ngunit mukhang hindi tinanggap ni Seth ang kanyang mga sinabi.
Inilapag ni Gabriella ang kanyang mug sa lamesa at pinagmasdan niya ang mainit at madilim na likido na laman nito. Ganun na rin ang usok na mula sa mainit na singaw ng kanyang inumin.
Hindi niya masisisi si Seth, batid niya ang malaking kasalanan niya rito, kaya naman tanggap niya kung naghiganti ito sa kanya ay kung pasakitan siya nito, ang sabi ng kanyang isipan habang ang mga palad niya ay umikot sa mainit na katawan ng kanyang kapihan.
Napatawad na niya si Seth sa kung anuman ang pasakit na ipinadama nito sa kanya, pero, hindi iyun nangangahulugan na hahayaan niyang patuloy siyang pasakitan ni Seth, lalo na at may ibang minamahal na ito, at iyun ang pinakamasakit sa lahat.
"Good morning!" ang bati ni Alaric sa kanya at pumasok na ito sa loob ng dining, may dala na rin itong mug na may laman na mainit na kape.
"Good morning," ang nakangiting bati niya rito pinagmasdan niya ito habang naupo ito sa nakagawian din nitong pwesto sa harapan ng lamesa. Naalala niya noong umuwi siya, paputok na ang araw nang datnan siya nito sa terminal ng bus nang tawagan niya ito na nakabalik na siya at nagpasundo siya sa kapatid.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981