Aminado si Gabrielle na kinakain na ng takot at pangamba ang buo niyang sistema pero kapag naalala niya ang nangyari sa kanyang Lola agad na napapalitan ng galit at determinasyon na maipaghiganti ang kanyang Lola mula sa mga halimaw na yun.
Oo. Wala siyang laban kung lakas lang ang usapan at tanging lakas ng loob at dasal lang ang armas niya. Hindi niya rin naman hahayaan na mag-isang harapin ni Hessah ang laban na alam naman nila na siya ang dahilan.
Siya ang kailangan ng mga halimaw na yun dahil sa baliw na stalker niya.
Gusto niya matapos na ang kabaliwan nito.
Malakas na singhap ang kumawala sa kanya ng may mabigat na bagay ang bumagsak sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit hinayaan ka ni Hessah na sumama,"mariin na sabi ni Amjad.
Shit!
Madilim ang buong paligid kaya nahihirapan siya. Pero paninindigan niya ang pagsama niya rito.
May galit sa mga mata nito na nakatingin sa kanya at bago pa siya makareak mabilis na nawala ito sa harapan niya.
Damn!
Natigilan siya ng makarinig ng yabag. Napahigpit ang hawak niya sa armas na binigay sa kanya ni Aquilles. Malamig sa palad ang armas na iyun pero ayon kay Aquilles nakakamatay yun at iyun ang kahinaan ng mga tulad nito.
Nakakamangha. Pakiramdam niya nasa isang pelikula siya.
Damn. Kailangan hindi pumalpak ang plano nila na mapasok ang malapalasyong na nasa harapan nila kung saan naroroon daw ang pakay nila.
Hindi sinabi ng mga ito kung ano ang balak ng mga ito dahil hanggan sa pagpasok lang ang binigay ng inpormasyon sa kanya ng mga ito.
Ngayon pa lang naiimagine na niya ang madugong labanan. Damn!
Nang makita ang bulto maliksi ang kilos niya na dinamba ito at itinarak sa dibdib nito ang hawak na maliit na patalim.
Nangisay ang katawan nito at unti-unti na naging abo. Namamanghang napatitig siya roon hanggan sa abo na ito nahulog sa sahig.
Damn!
That's so amazing!
He kill it! He can kill that monster!
Nagbubunyi ang kalooban niya. Nabawasan na isa sa mga halimaw.
"Who are you?!"
Marahas siya napalingon ng may sumulpot sa likuran niya.
"Shit!"mulagat niya.
Inatake siya nito at mabilis ang kilos na umilag siya at sinubukan na itarak rito ang hawak na patalim pero mas mabilis ang kilos nito kaya muntikan na siya mapasubsob sa sahig.
"Damn you!"nanggigil niyang bulalas.
Inatake siya nito at buong tapang na sinalubong niya ang pag-atake nito.
Nagbitaw siya ng suntok sa mukha nito pero hindi man lang ito natinag mula sa pagkakatayo maliban sa pagpaling lang ng mukha nito at nakangisi na ipinilig nito ang leeg na lumagutok pa.
"Nice try,human!"angil nito sabay labas ng mga pangil nito.
Mabagsik ang anyo nito na sinugod siya at tangkang sasakmalin siya at mabuti na lamang naisangga niya ang hawak na patalim at doon napakagat ang matutulis nitong mga ngipin.
Napaatras ang bampira at kita niya ang pag-usok niyun na siyang lalong kinaangil nito muli ito sumugod sa kanya at iniumang niya ang patalim rito kaya natigilan ito sa tangka nitong pagsugod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)
VampireHEAT. Hessah Eriz,isa sa pinakatagumpay na business-woman sa mundo ng mga tao. She's one of a kind. Sa mata ng mga tao isa lang siya kahangang-hanga babae,kinaiinggitan at pinagnanasahan pero hindi alam ng lahat ang tunay niya pagkatao. She's a Vamp...