Chapter Four: Captured In Her Eyes
Nagpatuloy sa pagpapatawa si Josh hanggang sa dumating na nga ang guro nila sa unang subject.
“Ehem.” Mahinang ubo ng kanilang professor.
“Ay! Ma’am kayo pala! Sorry po, good morning!” Patiling bati ni Josh na agad naming umupo sa pwesto niya.
Late ang Prof. nila ng halos 45 minutes. Umupo ito sa teacher’s table na naka pwesto sa gilid ng classroom. May edad na ito at katamtaman ang pangangatawan. Agad nanahimik ang buong klase at pumunta sa kani-kanilang upuan. Tinabihan ni Lyka si Meg, katabi naman ni Lyka sa kanan si Josh, ang dalawang upuan pa sa kanan ni Josh ay bakante.
“Nako wala pa sina Mai at Lorraine.” Bulong ni Meg kay Lyka.
“Oo nga eh, tulog pa siguro yung dalawang yon.” Sagot ni Lyka
“Sinabi mo pa!” Dagdag ni Josh.
Lima silang magkakabarkada sa klase. Sina Meg, Lyka, Josh, Mai at Rain. Bawat isa sa kanila ay iba ang ugali at hilig sa buhay. Si Meg, simple lang sa lahat ng bagay pero may pagka sopistikada. Siya ang pinaka mahinahon magsalita at ang negotiator kapag may namumuong alitan ang iba. Mataas kasi ang pag unawa nito at madaling pakisamahan. Oo, madaling pakisamahan pero mahirap ligawan, wala pa siyang nagiging karelasyon kahit na madami ang nag aatempt na manligaw sa kanya.
Si Lyka, kailangan pa bang i-describe ang babaing ito? Malandi, pasaway, mainitin ang ulo, basagulera, mapanlait, lahat na yata ng kaaayawan sa isang babae ay nasa kanya na. Pero ang nagustuhan sa kanya ng tropa ay ang pagiging totoong tao nito. Gawa ata siya sa lata, dahil ni minsan ay hindi nila nakitaan ng kaplastikan sa katawan.
Si Josh, ang joker ng grupo. Pero kahit na mukhang di mapagkakatiwalaan, deep inside, reponsable ang baklang ito. Hindi naman siya gagawing class president ng ganun ganon nalang, nakitaan kasi ito ng potensyal ng pagiging leader.
Si Mai, “Ayan na pala si Mai!” Mahinang sabi ni Meg habang nag tuturo ang kanilang boring na Prof. Agad itong umupo sa kanan ni Josh, tagaktak ang pawis at hinihingal.
“Whew! The elevator is not working! I have to use the stairs! How unfortunate is that!?” explain niya sa tatlong kaibigan kahit hindi naman siya tinatanong.
SHHHHHHH!
Sinuway siya ng iba nitong mga kaklase. Napalakas ata ang boses niya dahil napatigil din ang Prof. na kasalukuyang nagtuturo.
“Sorry Ma’am!”
Morena, matangkad, at maikli ang buhok nitong si Mai, naglabas siya ng panyo para punasan ang pawis. Hindi siya sanay magsalita ng tagalog dahil laking states ito, pero nakakaintindi naman siya ng mabuti dahil nagtatagalog pa rin daw ang kanyang ina sa bahay nila sa New York. May pagka maarte ito na madalas kainisan ni Lyka.
BINABASA MO ANG
Captured In Her Eyes
FantasíaPaano kung bigyan ni Tadhana ng twist ang buhay nila? Dumating ang pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon sa isang di inaasahang nilalang. Maiinlove siya sa isang Anghel. Maiinlove siya sa isang tao. Makakayanan kaya nila? Will they transcend the...