Kabanata 49

1K 66 8
                                    

Ang sarap sa pakiramdam. Napakagaan ng pakiramdam niya. Napakasarap sa tainga ang huni ng mga ibon at ang lagaslas ng tubig. Nang magmulat siya ng mga mata agad na bumungad sa kanya ang isang talon. Kay sarap pagmasdan ang pagbagsak ng tubig mula sa itaas ng talon.

Lumapit siya sa gilid sa may batohan at tila crystal ang tubig sa sobrang linaw niyun. Naengganyo siya na tikman iyun at pakiramdam nga niya bigla siya nauhaw. Sumalok siya ng tubig gamit ang pinagdikit niya mga palad at tinikman ang tubig.

Masarap ang tubig at malinis. Napangiti siya. Nasa paraiso siya.

"Nagustuhan mo ba dito?"

Marahas siya napabaling sa pinagmulan ng boses na iyun. Agad na napatayo siya mula sa pagkakaluhod niya at humarap rito.

Ngumiti ang may-ari ng boses na iyun. Isang magandang babae.

Pamilyar sa kanya ang mukha nito pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

"Sino ka?"tanong niya rito.

"Napakaganda dito,hindi ba?"tugon nito sa kanya na patanong din.

Pinakiramdaman niya ito habang tumatagal na pagtitig niya rito naalala niya ang kanyang ina.

Humakbang ang babae at humarap sa talon. Nangniningning ang mga mata nito habang nakatitig sa pagbagsak ng tubig.

"Madalas kami dito tumambay. Kapag may oras siya dito ko siya inaaya para kamustahin kapag binibisita niya ko,"saad nito na may nakapaskil na ngiti sa mga labi niya.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito at hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito.

"Ahm,pasensya na..pero sino ka ba?"untag niya rito.

Pumihit paharap sa kanya ang babae.

Tama siya. Nahahawig ito sa kanyang ina.

Salubong ang mga kilay na nakatitig sa maganda nito mukha. Umawang ang mga labi niya ng dumapo sa pisngi niya ang mainit nitong palad.

"Bumalik ka sa kanya at maging masaya. Hindi pa oras para manatili ka sa magandang lugar na ito..isa siyang napakabuting nilalang kahit hindi man natin siya kauri,"masuyo at madamdamin nitong sabi.

Mas lalo siya naguluhan sa pinapahiwatig nito.

"Pasensya na..pero hindi kita maintindihan,"aniya.

Ngumiti ang babae at unti-unti nagbago ang anyo nito na kinalaki ng mga mata niya.

"L-lola...?"maang niyang saad.

"Lumaban ka. Naghihintay sila sayo...naghihintay sa iyo ang pinakamamahal kong kaibigan si Hessah, "anas nito at bigla na lamang siya nakaramdam ng sakit.

Walang maririnig sa pagsigaw niya. Bigla nagbago ang paligid niya. Napakadilim at malamig.

Masakit. Ang sakit ng pakiramdam niya.

"Gabrielle! Anak ko!"lumuluhang saad ni Geneva habang nakikita ang pakikipaglaban ng anak kay kamatayan.

Nakaalalay rito si Derik na mababakas ang pag-aalala para sa inaanak nito.

"H-hanggang kailan magiging ganyan ang anak ko?! Sabihin niyo mabubuhay pa ba siya?!"malakas na saad ni Geneva habang lumuluha.

Nanatiling kalmante ang nakapaligid sa binata.

"May dalawampu't-apat na oras na lamang siya para labanan at makaya niya ang kumakalat na Venom sa katawan niya at kung hindi siya magigising...imposible na mabuhay pa siya,"walang emosyon na saad ni Amjad.

Hot Fangs Trilogy : Hessah Eriz by CallmeAngge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon