Tara takutan tayo! (One-shot)

822 14 8
                                    

9:00 PM

November 1, 2012, nagkita-kita ang magkakabarkada sa bahay nila Shiela..

"Guys, ano gusto nyong gawin natin ngayong halloween?" Tanong ni Shiela.

"Hmm... Alam ko na! May naisip akong nakaka-excite. Hihihi." Sagot ni Hanna.

"Ano nanaman yan? Spirit of the glass? korni yan.." Dagdag naman ni Mikael.

"Hindi! mananakot tayo.." Sagot ni Hanna.

"Sino naman ang tatakutin natin?" Tanong ni Renz.

"Si Lea! Kasi hindi pa sya pumupunta dito, pa-VIP ang bruha!" Mabilis na tugon ni Hanna.

"Naku! na-iinggit ka kasi sa kanya eh!" Tukso ni Shiela kay Hanna.

"Sipain kita dyan e! Okay ba sa inyo ung gagawin natin guys? Basta walang KJ!" Tanong ni Hanna sa buong barkada.

"Sige.. Oo nalang." Sagot ni Renz.

"Ganito ang plano, itext natin si Lea na kunwari ay mag-iinuman tayo dito sa bahay nyo Shiela, tapos takutin natin, itext uli nating hindi na tuloy pagdating nya rito." Pagpapaliwanag ni Hanna.

"Tss.. Sure ka bang matatakot yun?" Kunot-noong tanong ni Mikael.

"Edi gawin nating realistic! Okay na okay itong theme ng bahay niyo Shiela, mukhang haunted house, haha" Biro ni Hanna.

"Shunga ka girl! Sa bahay pa kasi ng lola ko 'to! Sige itetext ko na si Lea, bahala na kayong gumawa ng mga props nyo!" - Shiela

Nagmadali nang nagbihis at nag ayos ang magkakabarkada sa bahay nila Shiela.

Lumipas ang ilang oras ay may tumawag sa telepono.

*Ring*

"Ano ba naman yan, gabing gabi na tumatawag pa!" Angal ni Hanna

Sinagot nya ito pero static lang ang naririnig niya sa kabilang linya..

"Peste! Prank caller lang!"

Maya maya'y nagring nanaman ito..

"Kung wala kang maga----" Napahinto sa pagsasalita si Hanna.

[Hahahahahaha....]

[Papatayin ko na rin kayo.. Malapit na ko..]

Naibagsak ni Hanna ang telepono sa sobrang takot. May tinig ng babae na tila galing sa ilalim ng balon ang sumagot sa kanya sa kabilang linya.

"O anong nangyari sa'yo dyan Hanna? Para kang nakakita ng multo a!" Udyok ni Shiela kay Hanna na nanginginig pa rin sa takot.

"W-Wala! Baliw lang yun! Baliw lang!" Palusot na sagot ni Hanna.

Pagkasagot ni Hanna ay biglang tumunog ang cellphone ni Shiela.

"Ayun. Nagreply na.. Malapit na raw sya! ready na ba guys?" Mahinang sabi ni Shiela sa barkada.

"Oo, patayin mo na yung ilaw."  Sagot ni Renz.

Di nagtagal ay may kumatok na sa bahay nila Shiela, bumukas ng kusa ang pinto.

"Nasan na kayo guys?... Nandito na ko..." Mahinang tawag ni Lea.

Biglang nagpatay-sindi ang ilaw at may pumatak na dugo sa sahig, nagpakita naman si Shiela na nagsuot ng kulay puting damit at gulo-gulo ang buhok. Nagbukas-sara ang aparador at nagsi-ugaan naman ang lamesa at kagamitan sa salas.

Sinundan naman si Hanna na nakasuot ng nakakatakot na maskara at kasuotan.

"Handa ka na bang mamatay?..." Pananakot ni Hanna.

..

Tumahimik ng ilang saglit ang paligid..

Binuksan nila ang ilaw at...

"Surprise!!! Haha!! Nagu----" Sigaw ni Hanna.

Biglang nawala si Lea..

"Nasan na yun?!?" Takot na tanong ni Shiela.

"Guys, ano bang nangya----" Biglang nanlumo si Hanna ng bumalik sya sa pinagtataguan nila kanina..

Hiwalay-hiwalay ang katawan nila Renz at Mikael na halos lumabas lahat ng laman loob. Kitang kita ang pag-agos ng dugo sa mga mata nilang nakabulagta.

"AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!"  Halos mabaliw si Hanna sa kanyang nakitang kagimbal-gimbal.

"Bakit?!? Anong Nangyari?!" Tarantang tanong ni Shiela.

Halos masuka sya sa kanyang nakita.. Pareho silang nanginginig sa takot..

Lumakas ang ihip ng hangin, nabuksan ang mga bintana at nagpatay-sindi ang mga ilaw.

Nagulantang sila nang may naramdamang pumatak na dugo sa kanila mula sa itaas.

"Pasensya na kung natagalan ako kanina.... Tatawid kasi ako papunta dito nang may dumaang 10 wheeler truck na hindi ko namalayan at nasagasaan ako.."

"Handa na rin ba kayong mamatay?" Nakita nila si Lea na nakalutang at ngumisi ang kanyang mukhang wasak-wasak.

---------------------------------

♥ Vote! ♥ Comment! ♥ Be a Fan!

Pumasok lang yan sa aking malikot na isipan! Salamat po sa pagbasa! :D

♥ Chocolate_Mint ♥

Tara takutan tayo! (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon