Hindi naman talaga Shembot Girls ang gusto namin na itawag sa amin ng mga tao. Ewan namin, bigla na lang umusbong yang katawagan na yan. Hindi namin alam kung anong magandang pangalan para sa amin... kung anong maisip, yun na yun. Hahaha.
Magkakakilala na kami noon pa nung PNK days pa lang namin, matagal na panahon na ang nakalipas. Mga nene pa. Hindi naman kami magkaka-close noon. Magkakasama lang talaga kami sa PNK - mga Mang-aawit kasi kami. Hindi kami magkakaparehas ng dako na kinalalagyan. Iba ang mga kaibigan nila, iba ang kaibigan ko, iba ang kaibigan niya.
Hindi rin namin alam eh... Tapos nagkasama-sama na lang kami. Nabuo na yung friendship. Kahit hindi kami magkakasing-edad... nagkakaunawaan naman.
Sa ngayon, ang tawag namin sa amin ay ShaiyiMaeJuKaDhelLea. Kung bakit? Pinagtagpi-tagping syllables na kinuha sa bawat pangalan namin.
Maraming natutuwa sa amin... Iba't ibang dahilan. Kasi masaya kaming kasama, mga joker, maraming kwentong naibabahagi, creative daw kami...
Ganun pa man... alam namin na meron ding mga naiinis. Di naman mawawala yun. Hahaha. Pero di na namin pinapansin. Mga inggitera, mga walang sariling buhay. Hahahaha. Hindi kasi nila kami kilala.
Juriesdae Capati
Yan ang pinaka-maingay sa amin. Pinaka-madada. Maikli ang pasensya. PERO, maganda yan. Chicks. Haha. Panlaban yan sa mga pagandahan at kung anu-ano pang pageant. Naalala ko nung lumaban yan sa U.N., todo support kami tapos di naman nanalo. Hahaha. Pero ayos lang, maganda pa din. Hahaha. Di naman siya totally natalo, nakapasok naman siya sa mga huling bibitayin na contestants. Haha.
May mga bagay na ayaw namin kay Juries. Masyadong papalit-palit ng crush, di makuntento. Gusto niya pag crush niya, crush din siya (totoo naman i ba Juries? Haha) kaya nga pag sobra na, pinapagalitan na namin yan.
Mas active yan sa school kaysa sa kapisanan. Nakakainis. Haha. Pero ganun pa man, mabait yan, nanlilibre kapag may pera. Hindi madamot.
Glydhel Dimacali
Masarap yan awayin kasi ampanget mag-react. Hahaha. Masipag yan, pero tamad sa pag-gawa ng ulatan sa kapisanan. Haha.
Matagal yan bago maka-move on sa isang tao (Ooops. Haha) Kahit sabihin niya na ok na, pero hindi pa pala.
Naalala ko dati nung mga panahong nagmu-move on yan kay *****, umiiyak pa yan hahaha.
Mabait yan. Hindi rin madamot. Minsan nga lang manlibre. Hahaha. Ang gusto ko kay Glydz, eh pinapahalagahan niya yung kahit mga simpleng bagay. Kabisado nga niya lahat ng birthday namin eh hahah. Tapos monthsary, etc. Dati ayaw namin sa ugali niya kasi ambilis magtampo, pero buti nagbago na siya. Hahaha.
Shairalyn Ramos
Isa pang maingay to eh. Hahaha. Pag yan may kaaway, kaaway niya talaga. Hahahah.
Bigo yan. Haha lahat ng taong nagugustuhan niya eh umaalis (as in umaalis ng bansa, ng city... Haha) ayun, kapag umalis, hanap ulet ng bago. Haha
Ka-tandem ko kapag may labana per purok. Kami kasi yung bida sa purok namin eh. Haha famous. Kapag gagawa ng poster, invitation.. o kahit ano basta ipanlalaban sa ibang purok... Yan lagi kasama ko. Kapag pupunta din sa ibang lokal... Haha ganun ba talaga pag magka-pangalan? Partners inc crime?
Once in a blue moon lang yan manlibre at magpa-load. Hahaha. Magpapaload yan tapos itetext yung crush haha. Magfe-facebook yan kasi icha-chat yung crush. Hahaha.
Lea Manzano
Tahimik lang yan. DATI. Haha ewan ba namin kung anong hangin o utot ang nasagap nyan, bigla na lang naging maingay tapos ang galing pa sa pick-up lines. Hahaha.
Walang love life yan (wala nga ba? Hahah) Pero may nagkaka-crush sa kanya (di ko na babanggitin haha)
Simple lang... Masipag yan mag-aral... Kinarir na rin niya pagiging kalihim kahit na biglaan lang naman siya naging kalihim haha.
Ayaw niya ng kinukulit siya sa pang-aasar. Maiinis lang yan sayo. Haha.
Karoline Ferrer
Magtatatlong taon na yan naghihintay kay Lester Dy. Hahaha. Di na kailangan ilihim yan, alam naman na yan ng lahat eh haha.
Tapos, minsan sinasabi niya, di niya na daw crush si Lester pero bukambibig naman. Haha.
Minsan (minsan nga ba?) O.A. yan mag-react. Haha. Tapos tawa ng tawa. Wagas teh.
Kahit huwebes, straight yan tumutupad minsan, basta hindi pa sumamba si Lester ng umaga, kaya aabangan niya sa pagsamba sa gabi. Haha joke lang. Malakas boses nyan, kaya nga yan ang ginawa naming vocalist ng banda eh.
Shaira Mae Barcarse
Ako yung pinaka-matanda, kaya ako ang huli. Haha. Magkakasing-edad lang kami nila Karoline t Lea... mas matanda lang ako ng buwan sa kanila.
Ako ang author, kaya yung limang nasa itaas na yan ang bahalang magbigay ng description sakin. Haha.
Ayan kami. Hindi kami perpekto, pero at least magaganda. (Hahaha ano konek?!)
Salamat sa pagbabasa! :))