Chapter 11

400 17 0
                                    

Belle's POV

Agad akong sumakay ng kotse ng nakita ko siya.

"Kumain ka na?" tanong niya. Umiling ako.

"Not in the mood. Uwi na lang tayo." Sabi ko. Tutulungan niya sana akong ikabit yung seatbelt ko pero binawi ko yun. Nagkatinginan naman kami at nakakunot ang noo niya. "What? I can manage." Sabi ko. Tumango na lang siya at nagsimulang mag drive.

Tumingin na lang ako sa bintana at kunwaring natutulog. Nung nakita ko yun picture kanina, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang gusto kong manabunot and at the same time manakal. And this is not good. Nagiging brutal na yata ako.

Ayoko siyang i - confront dahil wala naman akong lakas ng loob. Baka mamaya kung ano pa ang ibig sabihin non masaktan pa ako. I know I am being so stupid pero wala pa naman akong nakikita na masama to the point na matatawag ko na talagang 'cheating'. Subukan lang talaga ni Vincent kundi puputulin ko talaga yun ano niya.

Yung kamay niya.

Nakarating kami ng bahay ng hindi nag - uusap. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ko ng pinto dahil bumaba na kaagad ako. Sabay din naman kaming pumasok ng pinto dahil nagmadali siya. Sumalubong naman kaagad yung maid namin na may dalang dalawang envelope. "Ma'am, sir, may nagpadala po nito kanina. Para daw po sa inyong dalawa." Nagtaka naman ako. Wala naman akong hinihintay na kahit anong files or kahit delivery. Kinuha ko yung akin at ganun din si Vincent. Umalis din kaagad yung katulong namin.

Nagkatinginan muna kami bago namin buksan ang envelope.

Crap.

Nahigit ko ang hininga ko dahil sa laman ng envelope.

Yung picture na naman na yun. Pero ngayon may kasama na itong iba. Mukhang kaninang umaga pa yung iba. Picture nilang dalawa mula sa coffee shop, pabalik sa isang branch, lunch time. At sa lahat ng yun ay nakangiti si Vincent.

"Belle ano yang- " huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya.

"Ewan ko Vincent. Ano nga ba 'to?" sabi ko sabay tulak sa kanya ng mga pictures at envelope. Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya umakyat na ko. Tinatawag niya ako pero hindi ako lumingon.

Damn him.

Don't tell me he's acting like that because he is planning to make a surprise for me. Oh please, that's too cliché.

Ibabagsak ko na sana ang pinto ng harangan niya yun. "Let's talk." Sabi niya sabay hawak sa braso ko.

"Talk? Talk to my ass. Tabi nga." Sabi ko sabay hila ng braso ko. Oh please Belle, relax.

Nag deretso ako sa bathroom para maghanda ng bathtub. I have to relax or else mag aaway lang kami. Ayoko na rin naman kasi pagod na ko. Nabigla na nga yung sistema ko sa trabaho tapos ganto pa? I sighed and put myself on the tub.

***

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako dahil sa napakalakas ng katok ni Vincent. "God damn it Isabelle. Open this damn freaking door." Sigaw niya. Napairap naman ako. Tinignan ko ang cell phone ko at 10: 30 na pala. I suddenly felt hungry. Tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto ng c.r. "Kanina pa ko-" napatigil siya.

"Go out Vincent. Pati ba naman sa c.r.?" parang napahiya siya kaya lumabas na siya. Nagbanlaw na lang ako at nagpalit na rin ng pantulog.

When a Gangster Becomes a Real One Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon