CHAPTER 34

1.4K 61 1
                                    

Jessel

"Ano?! Nandiyan si Zack?!"

Nailayo ko ng wala sa oras ang aking selpon sa lakas ng boses ni Blaice. Mas malakas pa yata yung boses niya kaysa sa emcee ng mga party. Kala ko naman ang layo-layo ng kausap. Well, literally. Pero haler? Tinatawagan ko siya dahil sa bagay na yun.

Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya dahil buong akala ko ay bibisitahin niya ako dito. Kaso hindi natuloy. Busy kasi silang dalawa ni David sa kani-kanilang trabaho. Kaya napagdesisyonan ko nalang na tawagan siya para sabihin ang tungkol sa pananatili ni Zack dito.

Ibinalik ko muli ang selpon sa aking tainga para makausap siya. "Required bang sumigaw ka kapag nagugulat? Ang sakit ng tainga ko sa sigaw mo. Tsaka oo. Mag-iisang linggo na dito si Zack para suyuin raw ako." Pumaikot pa ang mga mata ko habang idinidiin ang salitang suyuin.

Ilang beses na ba niyang sinubukang magkausap kami ng matagal para lang makapagpaliwanag siya? Maliban sa eksenang yun sa banyo, hindi na ulit kami nakapag-usap ng matagal.

Hindi ko pa siya kayang pakinggan. O sadyang ayaw ko lang siyang pakinggan? Natatakot akong malaman. O sadyang takot lang talaga ako sa katotohanan? Hindi ko alam. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya na para bang pati siya ay may problema.

"Kahit isang beses ba.. sinubukan mong pakinggan ang eksplenasyon niya?"

My lips thinned on what she have said. Kapagkuwan ay napakagat labi. "Para saan pa, Blaice? Malinaw na malinaw sa akin ang lahat. Na simula't sapul, pinaniwala at niloko lang niya ako."

"Pero diba sabi mo lahat ng bagay na nangyayari dito sa mundo ay may dahilan? Jessel, kilala kita. Pinapagana mo rin yang utak mo kapag may gusto lang malaman. Wag mong hayaan na ang galit diyan sa puso mo ang siyang lalamon sayo ng buo. Isipin mo nga, hindi ka ba naawa kung ano ang mararamdaman ng mga anak mo kapag wala silang alam tungkol sa kanilang Ama? Isipin mo Jessel. Hindi nalang sarili ang mo ang kailangan mong pagdesisyonan ngayon. Magkakaanak kana. Magiging ama na si Zack."

Napabuka-sara ang bibig ko sa lahat ng kanyang sinabi dahil pulos tama ito. Para itong kutsilyo na bumaon sa ikalaliman ng puso ko. Kumikirot ito at naapektuhan ako.

At oo, alam na din niya ang tungkol sa kambal kong anak. Pero hindi ko na yun magawang mas isipin pa dahil hindi ko maintindihan kung bakit parang mas kinakampihan niya si Zack.

"Teka nga, bakit parang may mas alam ka pa sa ating dalawa?" Kunot ang noong tanong ko sa kanya.

Ayokong magalit o kaya mainis kay Blaice dahil nung panahong walang-wala ako, siya ang naging takbuhan ko. Kaya ayokong magalit sa kanya. Malaki ang naitulong niya sa akin at ni David. Pero akala ko ba naiintindihan niya ako? Bakit parang mas naging pabor pa siya kay Zack?

"Hindi naman ganun, Jessel. Ang ibig ko lang sabihin, bakit hindi mo siya magawang pakinggan. Isipin mo nga, bakit siya nandiyan ngayon? Sabi mo, magkakapamilya na si Zack. Pero bakit nandiyan siya ngayon at ginagawa ang lahat para bumalik ka lang sa kanya? Sa tingin mo, bakit niya yan ginagawa kahit ilang ulit mo na siyang pinagtabuyan? Kahit ipaalam mo nga lang sa kanya na siya ang ama ng mga anak mo, hindi mo magawa. Don't you think you're selfish? Sa tingin mo hindi din siya nasasaktan?"

Mas lalong nangunot ang noo ko at unt-unti ng nakakaramdam ng inis. Hindi dahil kay Blaice kundi dahil sa sarili ko. Nagiging selfish na nga ba ako? Mali na ba itong ginagawa ko? Nasaktan ba talaga siya dahil sa kanyang ginawa?

Hindi ko alam. Pero habang tumatagal, gusto kong paniwalaan at gawin ang sinabi ni Blaice. Ngunit pinapangunahan ako ng takot. Takot na malaman ang totoo at takot sa kung ano ang maging reaksyon niya na may anak kami.

Black Mafia 10: Zack Allego [Published Under LLP]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon