TEN

138 13 8
                                    

Siya si Chittaphon Leechaiyapornkul, tawag ng karamihan? Ten.

Isa siyang Thailander--Thai I mean.

Siya 'yung lalaking hard masyado.

Hard?

Hindi lang sa matigas ang pangangatawan nito, pero iba ang uri ng tigas nito, as in hard na hard.

Pero hindi naman 'yung hard na iniisip niyo.

Hard, kumbaga. Hard, kasi hard na hard siyang makipagtitigan. Kaya ka niyang titigan ng mahabang oras. Minsan, di ko kinaya at bigla na lang akong namumula dahil sa hiya.

Hard siya sa lahat, napakasarkastiko.

Ten Leechaiyapornkul is hard-headed too. Madalas absent, sa school activities at sa klase niya.

Wala namang kagaguhan at kabugokan, wala siyang ginagawang masama, talagang ayaw niya lang pumasok, siguro kapag nagka mood siya, ganun lang.

He's a nice guy...for me?

Pero kahit ganoon, crush ko siya.

Gwapo? Sobra.

Kasing ganda ba ng babae? Sobra pa sa oo.

Maganda kapag nakangiti? Oo, talo pa ang babae.

Perfect set of white teeth ika nga. Pero minsan ko lang iyon nasisilayan.

Lagi kasi itong pokerface kapag nakasakubong mo. Masyadong straight ang pananaw katulad ng straight na pagmamahal ko sa kanya.

Isa, dalawa...limang taon ko na siyang nakikita dito sa school at ni minsan hindi ako nagtangkang guluhin ang buhay niya.

Bakit nga ba?

Masyadong seryoso.

Ten Chittaphon Leechaiyapornkul is a very serious guy when he's all alone. Kung tutuusin, ang sarap niyang tabihan sa bench at gustong-gusto ko siyang makakwentuhan.

Masiyahin kasi ako pero yung crush ko, hindi. Bihira lang kung ngumiti kaya paminsan-minsan lang gumagaan ang pakiramdam ko kapag nandiyan ang mga kaibigan niya, sila lang yata ang nagpapasaya sa kanya.

But unfortunately, Ten Leechaiyapornkul was not their classmate. Nasa ibang klase siya kaya minsan napapaisip nalang ako, ito kaya ang dahilan kung bakit malungkot siya? Ang sarap niyang kausapin, but I have no guts to do so. Masyado akong malayo sa kanya, hindi literal ito dahil lagi ko naman siyang nakakasalubong tuwing Flag Ceremony dahil katabi ng section namin ang kanila.

Napakasarap niyang samahan kapag naglalakad siya mag-isa.

Siguro masasabi ko talagang, namimili lang siya ng mga kaibigan niya. Wala mi isang estudyanteng nagtangkang kumausap sa hard na lalaking ito, except sa barkada niyang laging present sa mga
school activities.

Tuwing break time, lagi lang akong nakabuntot sa kanya, pero sinisigurado kong tatlong metrong layo ako sa kanya para hindi niya ako mapansin.

Naiinis kasi siya kapag may nakasunod sa kanya at lalo na kapag hindi niya kilala.

Laging banta niya, "Sampung bilang lang, kapag nakasunod ka pa, humanda ka."

Natatakot ang mga estudyanteng bully sa kanya, ganun kasi ang banta niya, 2 years ago. Nagulat nga ako nun kasi 3 meters away ako sa kanya tapos natumba nalang ako bigla dahil nagsitakbuhan na yung tatlong ugok na nakabuntot sa kanya matapos siyang nagbanta, naapakan pa tuloy ang kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT: Seen ZoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon