UL - Chapter 7

29 4 0
                                    

Natupad na nga ang pangarap kong mapasa akin si Anie. Sobrang saya ko at nagpapasalamat ako sa Panginoon at sa mga sumoporta sa akin mas lalo na mga kaibigan ko na sila Avee, Aldrin, Marlon at Vin. Ngayon, hindi ko alam kung pano ko sila mapapasalamatan dahil malapit na din kami maghihiwalay nang landas. Ilang araw na lang aalis na kami sa school na ito. Sinusulit na namin ang isa't-isa kaya araw-araw na kami magkasama ng mga kaibigan ko, mas lalo na ang napaka-special na tao sa buhay ko, si Anie.

Di tulad ng dati na nagkikita lang kami sa daan. Ngayon kahit kelan naming gustong magkasama, gagawin namin. Minsan nasa barkada ko kami, minsan naman sa barkada niya. Naging close ko din ang dalawang kaibigan ni Anie na si Eve at Chris. Hipag at bayaw mga tawag ko sa kanila dahil tinuturing nilang kapatid si Anie. Si Eve ay kababayan din ni Anie at Chris naman ang kababayan ko.

Paminsan-minsan naman hinahayaan lang kami ng mga barkada namin para magkaroon kami ng moment ni Anie. Habang nakaupo kami sa silong ng mangga, napag-usapan namin ang mga pangarap namin. Nabanggit na namin sa isa't-isa ang gusto naming bansang pupuntahan.

"Mhine, kapag pumunta na ako ng Italy babalik ako sa graduation mo. Gusto ko ikaw ang Cumlaude ha?", sabi ko kay Anie.

"Sige ba Mhine. Gagawin ko lahat matupad ko lang to sayo. Aasahan kita sa graduation ko ha?", palambing na sagot ni Anie sa akin.

"Sabi mo yan ha. Aasahan ko yan",

"Alam mo ba Mhine, may anim akong pangarap", sambit ni Anie.

"Ano naman yun Mhine?", tanong ko.

"Una, ang makapagpatayo ng sarili naming bahay. Pangalawa, matulungan ko ang parents ko. Pangatlo, ang mapag-aral ko mga kapatid ko ................ at Pang-anim, IKAW ...... ang pakasalan ka", sabay tingin sa mga mata ko.

Sobrang saya ko sa narinig ko mula sa bibig ng mahal ko. Di ko akalaing isa ako sa mga pangarap niya. 

"Gagawin natin lahat yan Mhine, tutuparin nating pareho mga pangarap mo", sagot ko sa kanya.

"Eh ikaw Mhine, ano pangarap mo?", tanong niya sa akin.

"Simple lang Mhine, ang mapakasalan ka at mamuhay ng masaya kasama ka", tingin ko sa mata niya na nakahawak sa kamay niya habang sinasabi ko ito.

Kita ko sa mata ni Anie ang kaligayahang nadarama sa mga pangarap naming gusto namin para sa isa't-isa at hindi ko mapagkakaila na ganun din nadarama ko sa mga oras na ito. Lumilipas ang oras, araw at linggo at papalapit na papalapit na ang graduation namin. Ako lang ata ang hindi excited sa aming magkakaklase sa darating naming graduation dahil may maiiwan ako, ang puso ko, ang buhay ko at ang pangarap ko. Pero pinangako ko kay Anie na dadalaw ako sa kanya dito sa school para makita ko siya at para makuha ko rin ang mga kelangan ko pang kunin tulad ng Certificate ko, grades ko at ang year book ko.

Dumating ang ate ko na galing sa Italy, ang pang-apat sa aming magkakapatid. Umalis siya ng Pilipinas nung nag-aral ako, dalawang taon ang nakakalipas. Umuwi siya para dumalo sa aming fiesta pati na rin ang graduation day ko. Huling bilin niya sa akin nung umalis siya na mag-aaral akong mabuti, sa awa ng diyos, natupad ko yun sa kanya.

Balak namin ni Anie na ipakilala ang isa't-isa sa aming mga magulang pero dahil sa wala ang mga magulang at kapatid niya dito, sa tito at tita na lang niya na nag-aalaga sa kanya. Malaki naman ang kumpyansa kong matatanggap ako ng tito niya dahil nga gusto niya ako para kay Anie, pero sa tita niya ako nag-aalala dahil ayaw niya ako at si Lance ang gusto. Hindi ko na lang inintindi yun.

Gabi-gabing sumasama si Anie sa tito niya para magtrabaho sa negosyo nila at gabi-gabi din kaming nagkakasama at nagkakausap. Mabait ang tito ni Anie sa akin. pinapaupo niya ako sa kanilang upuan kahit na nabulagta mga kita nila magdamag. May tiwala sa akin ang tito at mga kasamahan nila kaya hinahayaan lang kami ni Anie na mag-usap dun.

Undying LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon