--- KRISSANDRA--
LIBRARY
Wala kaming teacher ngayon dahil may urgent na lakad si Mr. Ocampo, kaya nag iwan na lang siya ng Library works.
Nagtungo naman akong book shelves para maghanap ng books na kakailanganin ko.
" Gotcha" sabi ko nang mahanap ko yung librong hinahanap ko, medyo mataas yun kaya napa stretch ako ng full force, nagulat naman ako ng may biglang kumuha rin ng librong hinahanap ko, saka inilagay yun sa mas mataas na bahagi ng book shelves.
" Tsskk.. Hoy baliw, ansama mo " sabi ko naman sa kanya.
Serysoso naman itong nakakatitig sa akin, yung mukhang walang ka emosyon, medyo matangkad siya kaya nakatanga naman ako sa kanya.
" Bakit di mo sinasagot yung mga tawag ko" sabi niya habang paalis.
Napaisip naman ako sandali...
Ommayy,,,nakalimutan ko, sabay dapat kaming mag rerecess.
Agad ko namang kinuha yung phone ko then I check kung tumawag talaga siya.
12 missed calls... my gawwddd..
Sinundan ko naman siya sa paglalakad patungo sa bakanteng mesa..." Ano kasi, naka silent yung phone ko, kaya hindi ko namalayan na tumatawag ka pala" pagdadahilan ko,, pero totoo naman naka silent talaga yun.
Tahimik naman siyang umupo saka nagbasa ng librong nasa table niya.
suplado naman..
" Alam mo bang naka 12 missed call ako" sabi niya habang abala sa pag t-turn ng pages ng libro.
" Oo" sagot ko naman habang napatango ng ilang beses.
" Oo?" napatigil naman siya sa t-turn ng pages ng libro saka napatitig sa akin.
" Oo" muli kung sagot.
" Hayyss, Fine" sabi naman niya saka napailing, bigla naman siyang tumayo saka niligpit ang mga gamit niya.
" Teka, san ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
" Tapos na ako, ayan baka kailangan mo ng libro" iniabot niya sa akin yung librong binabasa niya kanina.
Hindi naman ako nakapagsalita pa, nakatayo lang akong parang ewan.
" Fine, baka di mo na kailangan, isasauli ko na lang " sabi niya, maglalakad na sana siya, nang bigla ko siyang pigilan.
" Sandali, akin na yan" hinablot ko yung librong hawak niya.
" Okay, mauna na ako" sabi niya sabay labas ng library.
acting so strange,,anyare,??
Hangang sa klase ay hindi pa rin siya namamansin, di naman bago yun sa akin ganun naman siya dati e.
Hanggang sa uwian tahimik parin siya at hindi nagsasalita, magkatabi kaming nakaupo ngayon sa bus stop at nag aantay sa pagdating ng bus, nagbabasa lang siya ng libro, kaya brainy talaga yan ang sipag kasi mag aral di tulad ko na puro love story ang laman ng utak ko.
" Sandra!"
" Lance, di ka pa uuwi" tanong ko naman kay Lance na kakarating lang.
" Hindi pa may lakad kami ni Josh e"
" ganun ba" tipid kong sagot.
YOU ARE READING
Love You from the START and BACK.
РазноеMarami talagang bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag, tulad ng PAGIBIG, hindi natin alam kung kailan darating, hindi natin alam kung ano ang pinagmulan at nagsimula ang lahat at ang masaklap hindi natin alam kung hanggang kailan, minsan magigis...