---KRISSANDRA---
New Years Eve.
Abala kami ngayon ni Mama sa paghahanda ng mga foods sa table, ilang minutes nalang at magbabagong taon na..
10...9...8..7..6..5..4..3..2..1
HAPPY NEW YEAR!!!!!
kasabay ng mga paputok at mga nag iingay na turutot...
Pagkatapos namin ni Mama kumain ay nagtungo kami sa labas upang abangan ang fireworks display. Habang nag eenjoy kami sa panonood ay biglang nag ring yung phone ko.
OLLOVER CALLING...
agad ko namang sinagot yun.
" Hello. Ollie Happy New Year!" masayang bati ko sa kanya.
[ Happy New Year din Sandra]
" Tumawag ka ba para batiin ako ng Happy New Year?"
[ Parang ganun na nga, hehehe.....
natahimik naman ang kabilang linya,
" Hello, Ollie? nandiyan ka pa ba?"
[ Sandra, may gusto sana akong sabihin]
" Ano naman yun?"
[ a,kasi ,kasi, ano sana wag kang magalit, sa sasabihin ko]
" Oo na, di ako magaglit ano ba yun?"
[ Amm..I.. I Love You Krissandra]
I love you Krissandra
I love You Krissandra
I love You Krissandra
Pag eecho ng boses na yun sa tenga ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ako makapagsalita sa narinig ko, parang napalundag bigla ang puso ko, at hindi ko kinaya yun kaya bigla akong natumba at nahimatay.
Bogggss,,,plakk.
" Krissandra anak gising, Krissandra" inalog alog ni mama ang katawan ko.
" Sandra ano ba, kanina pa kita ginigising, malalate ka na, lintik na bata to!" sigaw ni mama sa loob ng kwarto.
PANAGINIP...PANAGINIP LANG YUN WHAT DAAA,,,
" Ma, ano ba, nakakabadtrip ka" sabi ko saka napatulakbong ng kumot.
matulog ka ulit,,,panaginip i continue mo yung storya please.
" malalate ka na! ayaw mo pa talagang magising, asan yung tsinelas at papaluin kitang bata ka ha!" sigaw naman ni Mama habang hinahanap yung tsinelas.
Pak! Pak!Pak!
" O ano ha ayaw mo pa talagang magising" pinalo na ako ni mama ng tsinelas.
" Aray ma, ansakit" reklamo ko pa.
" a mag rereklamo ka pa, ang aga aga pinapahirapan mo na akong bata ka! " sigaw ulit ni mama, habang pinag papalo ako ng tsinelas.
" Ma tama na, babangon na po" sabi ko saka umiwas iwas sa mga palo ni mama.
" O sya, bumangon ka na at maligo" sabay turo ng daan patungong banyo.
Dali dali akong tumakbo papasok ng banyo, hirap na baka mapalo pa ako uli, pagkatapos ay bumaba na rin ako para magbreakfast.
" Pasok ka hijo, nasa taas pa si Sandra, naku kakagising lang, tulog mantika kasi yun" narinig kung sabi ni mama habang pababa akong hagdan.
YOU ARE READING
Love You from the START and BACK.
RandomMarami talagang bagay sa mundo na hindi natin mapaliwanag, tulad ng PAGIBIG, hindi natin alam kung kailan darating, hindi natin alam kung ano ang pinagmulan at nagsimula ang lahat at ang masaklap hindi natin alam kung hanggang kailan, minsan magigis...