(Cassandra /Khendra's Pov.)
It's been a week simula ng una akong mapunta sa mundong toh, pero hanggang ngayon ay hindi na ulit nagpapakita sa akin si Angela. Wala man lang tuloy akong idea kung anong misyon ang sinasabi niya.
Btw, i am now walking going to my room, kahit papaano ay nasasanay na rin ako sa mundong toh lalu na sa mga tingin sa akin ng mga tao. Tsk, as if i care.
Paliko na sana ako sa kabilang hallway kung saan ang direksyon ng silid aralan namin nang sa hindi inaasahan ay may kung anong nahagip ang mga mata ko. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o ano, pero pakiramdam ko ay siya yun, ang lalaking nakita ko sa garden nung nakaraan.
Pareho nung una ko itong makita ay nakahood rin sya ng itim ngunit ngayon ay mukhang papaalis na siya. Kaya naman, hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis ko siyang hinabol.
Mabuti nalang talaga at maliit lang yung bag ko at kakaunti pa ang laman kaya mabilis akong tumakbo. Habol lang ako ng habol sa kaniya hanggang sa namalayan ko nalang na hinahabol ko na siya patungo sa isang masukal na lugar dito sa Academy kung saan ko rin siya nasilayan nuon.
Katabi kasi ng garden ay may mga nakaharang patungo sa isang masukal na kagubatan kaya wala ni isa ang nagpupunta ruon. Maliban sa sabi nila'y nakakatakot daw duon ay marami rin daw mga mababangis na nilalang duon.
Pero ano bang pake ko? Tsk, pake ko kung may mababangis na hayop dun.
Takbo lang kami ng takbo at hindi ko na alam kung nasaang parte na kami ng gubat. Saglit muna akong tumigil habang habol ang hininga. Napatukod rin ako ng kamay ko sa tuhod dahil sa subrang kapaguran, mukhang hindi sanay sa takbuhan ang katawan nitong si Khendra.
Nagpalinga-linga muna ako sa paligid para hanapin siya, pero damn! Wala na siya!
Ang bilis naman niya, sinasabi ko na nga ba at mukhang may lahing bampira yung isang yun eh. O baka naman mabilis lang siyang tumakbo?Napabuntong hininga na lamang ako at syaka tumalikod para sana maglakad na pabalik, pero hindi ko inaasahan ang sasalubong sa akin.
Mabilis akong napaatras at syaka ko madaling dinampot ang isang matulis na sanga mula sa pwesto ko at walang pag-aalinlangang itinutok ito sa lalaking kaharap ko. Pinaningkitan ko ito ng mata at syaka mas tinutok sa leeg niya ang sanga.
"Sino ka? Anong kailangan mo?" Malamig na tanong ko rito habang pilit na inaaninag ang kaniyang mukha.
Nakayuko kasi ito at natatakluban pa ng sumbrero ng hood ang ulo niya kaya hindi ko makita ang itsura nito. Napakuyom na lamang ako ng kabilang kamao nang hindi man lamang ito umimik at nanatili paring nakayuko.
'Is he deaf or what? Mukhang nang-aasar tong bwesit na toh ah'
"I SAID WHAT DO YOU NEED!?"
Hindi ko na napigilan pa at nilakasan ko na ang boses ko habang malamig na nakatingin sa kaniya. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung tinatanong ko pero hindi naman ako sinasaagot. Nagmumukha akong tanga!
Bigla naman akong natauhan sa narinig ko nang maalala kong hindi nga pala uso ang english rito at tanging Royalty lamang ang mga tinuturoan. At sa kalagayan ngayon, ay mukhang hindi pa rin natuturoan ang ibang Royalty dahil wala pa sila sa tamang edad.
I was about to take back what i have said nang bigla nalamang itong mag-angat ng tingin na siyang ikinapako ko sa aking kinatatayuan.
His hair is black highlighted by the color bloody red. May suot itong kwentas na may itim na tali at may pendat na pangil. Ngunit hindi iyon ang pinaka nakaagaw ng pansin ko kung hindi ang kaniyang mukhan. Kung titingnan ay napakagwapo niya, napaka puti rin nito na nagmukha ng pinaliguan ang arina.
BINABASA MO ANG
When The Assassin Reincarnate As 'The Loser Princess'
Acak-She's an assassin She's strong She can bring you down Everyone adore her She's genius She's beautiful Yet, Dangerous. -She's a princess She's weak She's a loser No one want her She's stupid She's pretty but it's hidden She's an Unwanted Princ...