Chapter 32: Sports Festival

57 2 0
                                    

Chapter 32: Sports Festival



Dia's POV


Maaga akong nakarating sa school ng Riandorr kung saan gaganapin ang sport festival. Maraming sumalubong at bumati sa akin bago pa ako makarating sa gate ng school, as usual hindi mawawala ang media at paparazzi kaya abala ang anim na bodyguard ko maging si Mr. Yong na nasa tabi ko.


Luminga linga ako upang hanapin si Shaine at si Jeyya na silang nauna dito.


"Mr. Yong nakita niyo na po ba si Lady Carson?"


"I'm sorry your highness but right now she's busy with the director and she can't be around for a moment."


"Ganun po ba?"

Maya maya pa ay pinagbuksan ako ni Mr. Yong ng pinto upang makalabas sa sasakyan. Pagkalabas ay sumalubong ang mga hiyawan ng mga tao kasabay ang mga flash na nagmumula sa mga camera ng media.

"Please this way your highness." Sinunod ko lang ang sinabi ni Mr. Yong na pumasok sa isang building, tumango ako at maingat na inihakbang ang paa paakyat sa hagdan ng gusali.



"Princess Dia, what can you say about Riandorr?!"



"Princess, are you ready for the coronation?!"



"Your highness, are you aware with the public votes for the incoming coronation?!"


"Your highness!"


Hindi ko pinansin ang mga tanong na narinig ko sa halip ay nagpatuloy sa pag-akyat. Pero tumatak sa akin ang huling tanong na narinig ko mula sa lalaking reporter na nakasuot ng black frame eyeglasses.


.

.

.

"Mr. Yong, may public votes po ba na magaganap?" Nacurious kasi ako sa tanong ng isa sa mga reporter.


"Don't mind it your highness, nakasettle na po ang lahat kaya hindi niyo kailangan alalahanin ang bagay na iyon."



"Hindi po ba maapektuhan nito ang pagtatalaga sa akin bilang Prinsesa ng bansang ito?"




"Princess Dia you're here. Prepare yourself and we're about to go in arena." Tumayo ako at sinalubong ang Tita ko na nakangiti sa akin. Ibinaling ko ang tingin kay Mr. Yong ngunit nakatango lang siya sa amin ng Duchess.



"Are you ready?"




"Yes your grace."

Sa pagpasok namin ng Duchess ay sumalubong ang malawak na field, ilang libong estudyante mula sa iba't-ibang paaralan maging ang mga mamamayan ng Riandorr at ang labing dalawang kabayo na nasa gitna ng field.


"Welcome to our students, other students from different schools, as well as to our guest, her royal highness, her grace and his grace, as well as to the media and especially to the director and Lady Carson who are busy for setting up every need on the first day of this sports festival. As a tradition and tribute from our very first ever Emperor, King Geeno Wayler. Equestrian is well known here in the country of Rallnedia and also the national game of this country."


"In 1868 when the king's law included the equestrian, it became only a national game after he passed the throne to his son King George Lamber Wayler in 1870. From then until now the annual celebration of this game here in the country has been a tradition, and this year we will be led by one of the granddaughter of King Geeno Wayler, none other than Lady Carson, Countess of Cratemia, and this year will also be the first to present the heir to the throne left by King Louise Achelles Wayler to his one and only daughter. Princess Gissela Dialaldi Wayler, welcome her highness." Nang marinig ko iyon ay tumayo na rin ako sa aking kinauupuan upang kumuway sa madla. Nakangiti akong kumukuway sa karamihan maging sa mga camera na nakatutok sa akin, may dalawang malaking screen sa gitnang itaas na bahagi ng arena kung saan nakikita ko ang sarili ko na nakangiti.

Unexpected RoyalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon