"Good morning self," bati ko sa sarili ko nang magising ako kinabukasan habang nakaharap sa salamin ng nakangiti. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos at magtoothbrush.
Inihanda ko naman ang mga kakailanganin para sa pagluluto ng babaunin namin sa photo shoot. I just do a light but nutritious meal dahil hindi sya pwedeng kumain ng heavy meals lalo na at ganitong may photo shoot. Kaya nga minsan nakakapagtakang mahilig syang kumain pero hindi siya tumataba. Siguro naggigym siya.
Pasado alas singko ng umaga nang matapos akong magluto kaya naman naligo na ako at kumuha ng damit na karaniwan kong sinusuot.
Nagmaneho ako papuntang condo ni Dale dahil kailangan ko pang ayusin ang kaniyang dadalhin para sa photo shoot.
Alas siyete na kami nakarating sa studio. Tanghali na kaya nagtanghalian na muna yung mga natapos na sa shoot. Si Dale naman ang isinalang.
Ako naman ay napatanga sa kanya dahil ito ang unang beses na napanuod ko siya sa larangang ito. Napakagaling niya at talaga namang napakaganda ng katawan na meron siya. Kaakit-akit. Napakasarap titigan.
"Hayy ang gwapo niya talaga," napalingon ako sa aking katabi nang sabihin nya iyon ng may paghanga. Ako naman ay tumatangong sumang-ayon lamang sa kaniya.
"Ang swerte mo naman, ikaw ang PA niya diba," tanong niya sa akin kaya naman muli ko syang nilingon.
"Napakaswerte ko nga," nakangiting sabi ko sa kaniya habang nakatingin na uli kay Dale. Mabilis nyang nagawa ang lahat ng instruction na pinapagawa sa kanya kaya madali lang siyang natapos. Nagpalit na siya at nag-aya ng kumain dahil gutom na daw siya kanina pa.
Naabutan pa namin ang iba na kumakain. Ang ilan sa kanila ay hindi pa tapos sa shoot. Dahil marami naman ang aking niluto ay pinagsalu-saluhan namin ito hanggang sa maubos. Panay naman ang puri ng iba sa pagkain na aming dala dahil napakasarap nito.
Si Dale naman ay tuwang-tuwa at pinagmamalaki na ako ang nagluto noon.
Looks like he's proud of me. It feels so good. Not until may makapansin sa akin.
"You know what, I think papasa kang model. Familiar ka nga eh, haven't you tried modeling?" ako naman ay nabigla sa tanong niya.
"Ah, matagal na," sagot ko naman. Ayaw ko ng pahabain ang usapan tungkol doon kaya naman tumayo na ako at kumuha ng inumin.
Niligpit ko na ang kinainan namin. Nagpaalam na din kami at umuwi.
Nasa byahe na kami nang magsalita sya.
"Shiela is right you could be a model," sabi nya. Tinutukoy ang babaeng nagsabi kanina na papasa akong model."I am. I just stopped," sya naman ay nabigla sa sinabi ko. At nagtanong kung bakit. Hindi ko naman alam kung paanong sasagutin ang kanyang tanong. Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanya na kaya PA nya ako ngayon ay dahil tinakasan ko si mommy at ang mga plano nya para sa akin dahil hindi ako sang-ayon sa mga gusto nyang mangyari.
"It's nothing you need to know," sagot ko sa kanya nang makahuma na ako. Siya naman ay tumahimik na at nagtuloy sa pagmamaneho.
Maya-maya pa ay nandito na kami sa may parking lot kaya naman nagpaalam na ako at pumunta na kaagad sa aking kotse.
Umuwi na ako at nahiga na. Mabilis akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.
Mabilis na lumipas ang araw. Kung minsan ay may commercial shoots sya. Minsan naggogrocery kami at minsan naman ay nagpapractice ang buong banda. Katulad ngayon. Andito ako sa condo ni Dale dahil nga ako ang nagluluto para sa kanila. Andito din lahat ng gamit nila para sa practice.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...