Gangster mo mukha mo!: Chapter 42 - 2 Become 1: The Sweetest Thing!

659 3 0
                                    

[SPG: Sekswal - Patnubay ng sarili ang kailangan. Lol.

Walang kuwentang Erotic Chapter 'to. Napaikli ng bed scene at bitin. Kahit ako, walang naramdaman eh. Lol. Kaya 'wag mag-expect, dahil first time kong magsulat ng ganito. Dapat nga hindi ko na ipaprivate kasi ang super light lang ng eksena, pero gusto ko lang kasi talangang mag-ingat, baka burahin ng Wattpad ang story dahil lang sa isang chapter. Paalala, wala akong balak magpa-follow, okay? Kaya nga may "public" version nito sa account kong KuMoKoMiKs. Hehe. Maraming salamat sa lahat ng readers. Enjoy reading! :)]

29 of September | 1 more day to go before Azineth's Birthday!

Chapter 42 - 2 Become 1: The Sweetest Thing!

3rd person's POV

"Max? Max?" ang nanginginig na boses ni Sonaya. Unti-unting iminulat ni Max ang mga mata at malabo n'yang nakikita ang dalaga. "Max? Ayos ka na ba? Max, magsalita ka! Anong nararamdaman mo?"

Nakahiga sa sofa si Max at nakaupo naman sa silya ang dalaga, sa tabi. Bumangon s'ya at napahawak sa kan'yang noo. Muli s'yang tumingin kay Sonaya at malinaw na n'ya itong nakikita. "Anong nangyari?"

"Hindi mo maalala? Bigla ka na lang nagsisigaw kanina. At parang puputulin mo na 'yung ulo mo. Tapos.. tapos.. nahimatay ka." Mabilis na niyakap ni Sonaya ang binata. Umiiyak s'ya sa sobrang pag-alala sa nangyari kanina. "Natakot talaga ako kanina. Akala ko.. akala ko--"

Hinawakan ni Max sa magkabilang balikat ang dalaga, at kumalas s'ya sa pagkakayakap nito. Hinaplos n'ya ang pares ng pisngi nito at pinahid ang mga luha. "Akala mo ano? Akala mo mamamatay na ako? Ikaw talaga. Nasalo mo naman ako, 'di ba?" nakangiti n'yang sabi.

"Ha? Paano mo nalaman na nasalo kita?" hikbi ni Sonaya. Mahina n'yang sinuntok si Max sa dibdib. "H'wag mong sabihin naghimatay-himatayan ka lang kanina?" nguso nito.

"Ano ka ba. Hindi ah." Hinimas-himas ni Max ang sariling mga braso, maging ang ulo n'ya at hinawak-hawakan pa n'ya. "Eh kasi naman.. walang masakit sa 'kin o. Wala man lang akong bukol sa ulo o kaya gasgas sa likod. Walang masakit sa katawan ko. Kaya nagpapasalamat ako at hindi mo ako hinayaan mahulog."

Namula si Sonaya nang inagawan s'ya ng halik ni Max. Natameme s'ya at sandaling hindi nakakilos.

Natawa si Max at nagkaroon s'ya ng pagkakataong umalis sa sofa. Naiwan lang si Sonaya sa silya. "Ikaw? Bakit mo ako ninakawan ng kiss?"

Tumalikod lang si Max at naglakad patungo sa lamesa. "Tara na. Ipaghahain kita. Pasensya na kanina. Umarte ako ng hindi naaayon sa itsura ko. Feeling pogi kasi ako kanina." natatawang sabi pa n'ya na parang walang nangyari.

"Bumalik ka dito, kinakausap pa kita!" Tumayo si Sonaya at sinundan sa likod ang binata.

Biglang hinarap ni Max ang dalaga at mabilis na inakbayan. "Huli ka!" nakangiting nakakaloko n'ya. Halos ikulong na n'ya sa braso n'ya ang ulo ng dalaga. "Nanakawan kita ng halik, kung kailan ko gusto."

Nagkulay pula ang mukha ni Sonaya nang tadtarin s'ya ng halik nito sa kaliwang pisngi. Kahit anong pilit n'yang alisin ang ulo n'ya sa pagkakaakbay ng binata ay wala s'yang magawa. "T-Teka. Nasasakal ako! Lagot ka talaga kapag nakawala ako sa 'yo!"

Hindi pinakinggan ni Max ang atungal ng dalaga, sa halip ay hinawakan pa n'ya ito sa baba at ilang ulit kinintalan ng halik sa labi. "Anong lagot? Ikaw ang lagot sa 'kin-- Aray!"

Tinapakan ni Sonaya ang paa ng binata at napasigaw ito sa matinding sakit—nakayapak pa naman ito. "Ayan ang napala mo, Manyak!"

Nakayukong namimilipit sa sakit si Max at hawak pa n'ya ang paang pakiramdam n'ya'y nadurog ang mga buto sa daliri. "Taragis. Namiss ko lang ang matatamis mong mga labi eh!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EROTIKABANATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon