Chapter 21

2.7K 127 96
                                    

Tila umakyat ang puso ni Seth sa kanyang lalamunan nang makita niyang unti-unti na dumudulas si Gabriella mula sa pagkakasaklang nito sa likuran ng itim at nagwawala na kabayo. Mas mataas pa sa sarili nitong laki ang iniaangat ng pwetan nito sa tuwing sisipa ang mga paa nito sa likuran at ganun naman ang sa harapan na mga binti nito na mataas ang bawat pagtalon kaya naman literal na iwinawasiwas si Gabriella ng nanggagalit na itim na kabayo at sa sandali na iyun pagkatawag niya sa pangalan nito ay nag-umpisa nang dumulas si Gabriella mula sa pagkaka-upo sa kabayo.

Narinig din niya ang alalang pagsigaw ng pangalan ni Gabriella at hindi na niya malaman kung kanino iyun nanggaling, nakita na lamang niya na nagsipagtalunan na ang mga nanunuod mula sa pagkakaupo ng mga ito sa ibabaw ng kahoy na bakuran at mabilis ang mga ito na lumapit sa nagwawalang kabayo. At hindi niya namalayan na isa na rin pala siya sa mga nagmamadali na lumapit kay Gabriella.

Hindi na niya alam kung paanong tumalon siya mula sa kabila ng bakuran patungo sa loob at tumakbo siya palapit sa gumugulong na si Gabriella sa lupa. Sinadya nito ang gumulong, papalayo sa mga paa ng itim na kabayo na parang sinapian ng demonyo sa pagwawala nito.

At napagtanto niya kung gaano ka-dalikado ang ginawa ni Gabriella, at sa labis na pag-aalala at galit ay mabigat ang bawat hakbang niyang lumapit sa nakahiga sa lupa na si Gabriella. Nakapikit ang mga mata nito habang nakangiwi ang mga labi dahil sa sakit ng pagkakahulog nito mula sa kabayo. Naisip niya na marami na ang namatay o nabalda dahil sa aksidenteng pagkakahulog sa kabayo.

Inihakbang niya ang kanyang mga paa at nasa pagitan ng kanyang mga paa ang dalawang binti ni Gabriella na nakalatag sa lupa, habang nakatayo siya sa harapan nito at nakababa ang kanyang mga tingin kay Gabriella na nakapikit pa rin hanggang sa sandali na iyun.

Pero mukhang napansin na nito ang kanyang presensiya nang matakpan na niya ang liwanag ng araw na direktang tumatama sa mukha nito. At ang kanyang presensiya ay nagbigay ng lilim sa mukha nito kaya naman agad din itong dumilat at tumingin ito sa kanyang nanggagalit na mukha.

Nakapamewang siyang nakatayo sa harapan nito habang naniningkit pareho ang kanilang mga mata. Si Gabriella dahil sa liwanag ng kalangitan, at siya ay dahil sa labis na galit na kanyang nadarama.

“Gusto mo ba diyan na matulog?” ang sarkastikong tanong niya rito habang nakatungo siya.

“Tatayo ako umalis ka sa harapan ko!” ang galit na sagot ni Gabriella sa kanya, at naalala niya noon ang katapangan na ipinakita sa kanya nito, noong unang gabi na sila ay nagkita.

Inilahad niya ang kanyang kamay rito para abutin ni Gabriella at tulungan ito na makatayo pero tiningan lang iyun ni Gabriella.

“Di ko kailangan ng tulong mo, hey!” ang hiyaw na lang nito nang dumukwang siya at inilagay niya ang kanyang mga braso sa ilalim ng magkabilang kili-kili nito para hilahin ito patayo. At hinila niya si Gabriella hanggang sa nakatayo ito sa kanyang harapan at ang mga palad nito ay nakalapat sa kanyang mga dibdib. Habang ang kanyang mga braso mula sa ilalim ng mga kili-kili nito ay bumaba at lumapat ang kanyang mga palad sa likuran nito.

At sandaling nagtama at napako ang kanilang mga mata, at muling nadama ni Seth ang pagtibok ng kanyang puso, katulad noong siyang bente-ayos pa lamang. Pero, ang pagkakapako ng kanilang mga mata ay mabilis na naputol nang itulak siya ni Gabriella, para makalayo ito sa kanya. Umatras ang mga paa nito kasabay ng pagtulak nito sa sarili, palayo mula sa mga palad niyang nakalapat sa likod nito.

“What do you think you’re doing?” ang galit na tanong niya kay Gabriella na nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay nang tumuon ang mga kulay del-Carmen nitong mga mata sa kanya na may pagka-inis.

“Are you blind?”! Ang inis na balik-tanong nito sa kanya, tinalikuran siya nito at nag-umpisa na itong maglakad papalayo sa kanya ang mga kamay nito ay nasa tagiliran nito habang padabog ang bawat hakbang ng mga paa nitong may sapin na boots.

The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon