CHAPTER 2: RAPUNZEL KA GHORL?

11 2 0
                                    

Jackie's Point Of View

Today is another day.

Panibagong araw na kasama ko parin ang dalawang pinagpalang nilalang na nabalot ng kalandian.

Napangiti nalang ako bigla habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.

May appointment ako ngayong araw, kaya naman nag ayos ako ng bongga. Joke. Yung tamang ayos lang naman.

Nang matapos ako ay nagpasya na 'kong lumabas sa kwarto ko.

And there's Sean and Chad na kapwa nakatingin sa'kin na para bang inalisan ng kaluluwa.

"Huy! Nyare sa inyo?" tanong ko.

"Bark, masyado kang maganda dyan sa suot mo. Gusto kitang itago, baka maagaw ka ng iba." sambit ni Sean na nakapagpanganga sa'kin.

"Can you just stay here with me, babun? Ayokong malapitan ka ng iba." sambit naman ni Chad.

See the kalandian level, everyone?

Napairap nalang ako sa kanilang dalawa. Pilit kong pinipigilan ang karupukan na tinatago ko, kaya naman hanggat kaya ng mata kong umirap, iirap ako.

"Tigilan niyo 'kong dalawa ha? Ikaw pating! Baka gusto mong ibalik kita sa dagat?" sambit ko dahilan para matawa si Chad.

Kala mo di ka kasali?

"Ikaw naman kuneho! Baka gusto mong carrots nalang ang makain mo habang buhay?" this time, si Sean naman ang natawa.

Mga loko. Matapang ako kaya hindi pa 'to rurupok sa inyo. Duh.

Aalis na sana ako nang may biglang humawak sa magkabilang kamay ko. Sa kanan si Sean, at sa kaliwa naman si Chad.

Ano nanamang pakulo ito???

"Kaya mo bang gawin 'yon bark?" nakangising tanong ni Sean.

"Alam kong hindi mo 'ko matitiis, babun." sambit naman ni Chad sabay kindat.

Hindi na 'ko nakasagot nang dahan dahan nilang iangat ang mga kamay ko. And the next thing I know...

Sabay na nilang hinalikan ito.

Sh*t. Oxygen. Please!

"Shall we?"

Hawak parin nila ang dalawang kamay ko hanggang sa makalabas kami ng bahay.

Pareho nila akong inalalayan sa pagsakay sa van bago sila sumunod.

Jackie, kapit lang.

Wag kang bibigay.

Habang nasa biyahe kami ay bigla nalamang nagplay sa radiyo ang isang kantang para bang nang-aasar.

"Puso ko'y nalilito ~ (nalilito) kung sino sa inyo oh ~ oh ~ "

What the heck???

Nananadiya???!

"Myghad! Can you just turn off that radio???"" inis kong sabi.

Napatingin silang dalawa sa'kin bago bumunghalit ng tawa.

Paligsahan pa sila.

"HAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAH"

Kabagan sana kayo.

Bwiset!

Hinatid nila akong dalawa sa meeting place namin.

Bago pa man ako makababa, hinila na 'ko ni Sean at bigla nalang akong hinalikan sa noo.

"Goodluck kiss, from your pating." sambit niya sabay kindat.

Sean, Jackie and ChadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon