Chapter 5

2.9K 141 13
                                    

Lennox

"Mommy. Do you think Mommy Kee's happy right now?"

Nagsindi siya ng kandila pagkalatag niya ng bulaklak sa puntod ni Keegan.

"I dont know baby." Hinaplos niya ang pangalan nitong nakaukit sa marmol.

"Do you miss her?"

Lumingon siya rito saka ngumiti ng sobrang lungkot. "I miss her every single day."

Tumitig ito sa puntod. "Mommy Kee wouldnt be happy if she knew you're still hurting because of her, Mommy."

"I'm not-"

"I could hear you some nights, you're crying Mommy. I dont want to hear you cry but I dont know how to help."

Lumapit siya rito at saka hinawakan ang maliliit nitong mga kamay. Hindi niya alam na naririnig pala nito ang kanyang pag-iyak sa gabi. She couldnt help herself at siguro dahil sa sobrang sakit at kalungkotan. Hindi niya namamalayang nakikinig pala ito sa kanyang pag-iyak because she was too focus on her own emotions that is consuming her.

"I'm ok baby. Hindi lang maiwasan ni Mommy ang ma-miss ng sobra ang Mommy mo ok?" Tumango naman ito. "I always wished she's still here with us. We planned so many things, we dreamed a lot pero lahat ng iyon ay nawala ng mawala siya sa atin. I'm still thankful kasi kahit wala na siya, atleast nandito ka pa rin. Hindi ko lang talaga siya basta basta makakalimutan. She have my whole heart and she took it with her."

Her eyes became teary.

"Alam ko bata ka pa, Karleex. And you wouldnt understand what Mommy's feeling right now dahil iba't iba ang klase ng pagmamahal. But when you grow up, thats when you'll know and understand about it. I just hope you wouldnt go through like what I'm dealing right now kasi ang hirap."

Nagsimulang umagos ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi at pinahid iyon ni Karleex. Kahit minsan lang ay hahayaan niya ang kanyang sariling maging mahina sa harapan ng anak niya. Kahit isang beses lang ay hahayaan niyang maging malaya, mapakawalan ang mga damdaming nananakit at nagpapabigat sa dibdib niya kahit parang wala ng katapusan iyon para sa kanya.

Kinuha niya ulit ang mga kamay ni Karleex at doon siya umiyak.

"I want her back. Thats what I want. I want her beside me. I want to see her smile. Want to hear her laugh, her gentle voice when she's telling me that she love me. I cant move on. I cant forget her. Everything I see was her, her memories were haunting me. Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula dahil hanggang ngayon nabubuhay pa rin ako sa kahapon. I cant go on with my future without her kasi siya lang. Si Keegan lang ang bumuo ng kahapon ko at siyang dapat ang bubuo sa hinaharap ko."

Yumakap siya ng tuluyan sa anak niya't siniksik ang kanyang mukha sa leeg nito.

"Mommy, I'm sorry."

Umiling siya rito. "Wala kang kasalanan baby. Nagpapasalamat nga ako't ibinigay ka niya sa akin kasi kung wala ka. Matagal na akong sumuko."

Humiwalay siya rito saka inilabas ang kanyang panyo at pinunasan ang kanyang mukhang hilam na sa luha. Tumitig siyang muli rito at kitang kita din niya ang lungkot sa mga mata nito ngayon. She gently tapped her chin.

"Smile baby. Mommy's ok now." Ngumiti naman ito ng pilit.

"Hindi ko maipapangakong hindi na ako masasaktan, na hindi na ako iiyak at hindi na rin ako malulungkot. Pero gusto ko lang malaman mong hinding hindi kita tatalikuran o susukoan. I might not be the best Mom you have but I will make-"

Natigil siya sa pagsasalita ng ilapat nito ang maliit nitong hintuturo sa mga labi niya.

"You're the best Mom, Mommy. And I cant ask for more than anyone except you. I love you Mommy just like how I love Mommy Kee."

Hinalikan niya ang pisngi nito. "Thank you but I'm still sorry for being weak-"

"When you're weak, it doesnt mean that you're a bad Mother, Mommy. And Teacher Vien said, being weak means being stronger. It's just a proof that you cant let go of some things that was so important for you so as long as you can, you have to hold that on even if you already know it's hopeless." Karleex pressed her right palm in her chest. "And she said, what's inside is more beautiful. Dont let it weaken you but she said to make it as an inspiration."

Nakatitig na lang siya ngayon rito. How could her seven years old daughter be so smart for her to understand about those things?

"Life is beautiful and worthy Mommy."

Tama ito. Magandang mabuhay pero hindi sa paraang mawawala ang mahal mo sa buhay. Sabi nga nila, kailangan mo ng katuwang sa buhay. Paano niyan? Si Keegan lang ang gusto niya pero agad naman itong kinuha sa kanya.

"Life's unfair." She whispered.

"What Mommy?"

Napangiti siya rito bago napailing. Mabuti na lang at hindi nito iyon narinig. Mahaluan pa ng negativity niya ang pagiging positibo nito sa buhay.

"Wala baby. Sabi ko it's time to say goodbye to Mommy Kee. Babalik ulit tayo."

She stood up and stared at Keegan's tombstone. Naninikip palagi ang dibdib niya sa tuwing nakikita ang pangalan nitong nandon. Hindi ito nababagay doon. Dapat ay sa tabi lang niya.

"Mommy Kee. We're going and we will visit you again. Please comfort Mommy and make her happy. We dont want her sad, right? I love you Mommy Kee."

Pumikit siya't umusal ng panalangin para dito. Ng matapos siya ay nagpaalam na rin siya dito. Atleast iyong naipong sama ng kanyang loob ay nailabas na naman niya. Hindi niya alam kung hanggang kelan siya magiging ganun. Siguro habang buhay na dahil alam niya sa sarili niyang hindi na siya magmamahal pa ng iba. Si Keegan Hadlee Jentero lang.

I know you dont want to see me unhappy Kee but can you blame me? Ang daya mo kasi iniwan mo ako, iniwan mo kami ni Karleex. We promised that we wouldnt leave each others side kahit na anong mangyari kaya hindi ko akalaing mangyayari sayo ang bagay na ito ng ganun kaaga. I'm still missing you so bad, Kee. All the time, everytime. I love you today, I love you tomorrow like how I love you yesterday. It didnt change. It never did.

She stared at the clear blue sky.






I miss you so much Kee.

Why Keegan? A New Journey.. Part 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon