42

2.2K 79 27
                                    

-Krystal-

"Christine Mendoza, kayo na po" I informed the woman sitted on the waiting area. Napabuntong hininga na lang ako, wala akong nagawa kung hindi sundin ang utos ni doktora pero pabor din naman sa 'kin. Hindi ko na kailangang tumakas.

Pinagbuksan ko ng pintuan ang pasyente at sumunod sakanya papasok. Tumayo lang ako sa gilid para maghintay ng iuutos sa 'kin ni Dean.

Lagi na lang babae ang pasyente niya kaya hindi ko nalang talaga alam kung hindi kami mag-aaway ngayon. Ang Immature ko naman kung ganon. Buti nalang hindi OB-Gyn ang kinuha niya, kung hindi laging may gera sa bahay namin.


"Wife can you hand me the Aneroid BP Sphygmomanometer?" Linahad niya ang kamay niya kaya kinuha ko kaagad 'yon sa mga gamit niya at binigay sakanya. Hindi man lang nurse ang tawag niya sa 'kin huh? Ang unprofessional naman but I like it that way.

Pinagmasdan ko lang sila habang tinatanong siya ni Dean tungkol sa kalagayan niya. Mukhang matagal na niyang pasyente.

I escorted the woman outside and called another patient to enter. Babae na naman ang pasyente ay hindi makatakas sa 'kin ang makahulugang pagtingin niya sa asawa ko. Bakit kasi napakagwapo niya?

Diretso lang akong nakatingin kay Dean. Nakapatong ang siko niya sa armrest ng swiveling chair at pinaglalaruan ang labi niya gamit ang daliri habang bahagyang iniikot ang swiveling chair. He is too damn attractive!

"Love, paki kuhanan ng dugo" Utos ni Dean kaya hinanda ko ang injection at ang mga gagamitin bago lumapit sa pasyente.

Umupo ako sa harapan nito at itinali ang tourniquet sa bandang itaas ng siko niya bago dinisinfect. Ramdam ko ang titig sa'kin ni Dean habang kinukuhanan ko ng dugo ang pasyente kaya hindi ako makapag focus! Buti nalang nakuha ko ng maayos yung dugo ng pasyente.

Linagay ko ang tray sa mahabang lamesa habang kinakausap pa ni Dean ang pasyente roon. Nakaramdam ako ng biglaang pagkahilo, masusuka na ata ako. Dahil siguro sa rami ng kinain ko kanina.

"Come back after three days. Just avoid eating fats and-" hindi natuloy ni Dean ang sinasabi niya nang masagi ko ang isang metal tray kaya naglikha 'yon nang ingay. Napahawak ako sa gilid ng lamesa at ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa ulo ko.

Tumayo kaagad si Dean nang makita ako at nag-aalalang lumapit sa 'kin.

"Hey,, what happened? Are you okay?" sunod sunod na tanong niya. Nawala naman kaagad ang sakit ng ulo ko, mukhang sumumpong lang.

"I'm fine hubby" I smiled at him to assure him. Mukhang hindi siya naniniwala sa 'kin.

"Rest first, we'll go and see a doctor for a check up later" he kissed my forehead before returning to his swiveling chair.

Pagkatapos niyang kausapin ang pasyente, tumayo na 'ko para tawagin ang susunod.

"Just sit there babe"  utos ni Dean pero umiling ako, kaya ko naman e.

Himala at lalaki ang susunod na pasyente. Tinawag ko 'yon at pinasunod sa 'kin, pagkatapos ay tumayo na 'ko sa gilid at sumandal sa cabinet bilang suporta habang tinignan ko sila.

Nginitian ko yung lalaki nang magtama ang mata namin kaya nginitian niya ako pabalik. Napatingin ako kay Dean nang iharang niya ang folder sa mukha ng lalaki para hindi namin makita ang isa't isa.

"Nakikinig kaba Mr. Flores?"  pinagtaasan niya ito ng kilay kaya napailing ako.

Nanahimik na lang ako at tumingin sa ibang direksyon kahit na nararamdaman ko minsan na tumitingin sa gawi ko ang pasyente.

Let's Change Our Fate (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon