Chapter 2: Traitors

5 2 0
                                    

Yvaine's P.O.V.

Nandito kami ngayon sa isa sa Inn na ang pangalan ay Lilac Inn, mag-gagabi na ng makarating kami dito, kaya dito na kami magpapalipas ng gabi. Di ko pa nga pala napapakilala ang aking sarili. Ako nga pala si Yvaine Gomez...mali, ako si Yvaine Ravenhurst, ayun daw ang totoong pangalan ko. I have a black coloured hair and dark brown eye color.

May kumatok sa pinto. "Yvaine, natutulog ka na ba?" Tanong ng boses ng matured na babae. Binuksan ko ang pinto at pinapasok si mama.

"Ma, ano pong kelangan niyo sakin?" Tanong ko sa kanya. Di niya ko sinagot at dumeretso siya sa bintana kaharap ng pinto. Tumingin din ako sa kalangitan kung saan siya nakatingin, nakita ko ang dalawang buwan at ang Earth. Sabi ni mama ay hindi  nakikita ng normal na tao ang mundong ito, kahit gumamit pa sila ng telescope.

May kumatok ulit sa pinto, pinagbuksan ko na ito agad. Pinapasok ko si papa sa kwarto.

"Yvaine, anak, siguradong may mangyayaring masama, kaya mag-iinga—" napatigil si papa sa sinasabi niya ng may marinig kaming pagsabog sa labas. Dali-dali kaming lumabas ng kwarto, nakita namin si mr. Black.

"Mr. Black, ano pong nangyayari?!" Tanong ni papa kay mr. Black. Tumingin samin si mr. Black mula sa baba ng Inn.

"May umaatake satin. sa ngayon kelangan nating umalis dito." Sabi ni mr. Black. Tinignan ko si papa at mama, tumingin din sila sakin.

"Dali! Kelangan nating umalis dito!" Sabi ni papa. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at kinuha ko agad ang suitcase ko. Lumabas agad ako ng kwarto, nakita ko sila papa at mama na kinakausap si mr. Black, pinuntahan ko sila.

"Nandiyan kana po pala, ms. Yvaine." Sabi ni mr. Black, tumango ako. "Kailangan na nating maka-alis dito agad." Dumaan kami sa likod ng Inn, paglabas namin sa Inn ay may naghihintay nang kotse samin, isang Jeep ang naghihintay samin, kulay puting kotse na sinasakyan kapag pumupunta sa mga lugar na mahirap daanan ng normal na sasakyan sa ibang bansa sa Earth. Sumakay kami agad, pagtapos namin ilagay lahat ng bagahe namin.  pina-andar agad ni mr. Black ang sasakyan, para makalayo kami agad sa lugar na yon.

  Di pa naman kami nakakalayo ay may humarang sa aming dadaanan na tatlong naka-cloak na tao, nakasuot ng hood kaya di makita ang kanilang mga mukha. Hininto ni mr. Black ang sasakyan, hinihintay namin na magsalita sila.

"Bumaba kayo ng sasakyan!" Sigaw ng nasa gitna at pinakamatangkad sa kanila at may hawak na dagger. Sinunod namin ang sinabi niya, bumaba kami ng sasakyan.

Lumapit ang nasa kanan na lalaki, siya ang pinaka maliit sa kanilang tatlo at may hawak na baril. Tinutukan niya si mr. Black ng baril.

"Run." Sabi ni papa sa isip ko, ginamit niya ang ability niya. Humarang sila ni mama sakin. Pinalapit ng may hawak ng baril sa kanila si mr. Black. Humarap samin si mr. Black ng nakangiti, menacing smile.

Nagtataka ko kung bakit siya nakangiti, pero natakot ako sa sinabi niya, "kill them." Naghanda agad si mama at papa sa pakikipaglaban. May lumabas sa mga kamay nilang weapons.

"Tumakbo kana, Yvaine. Umalis kana dito." Sabi ni mama na may hawak sa kaliwa niyang kamay na shield at sword sa kanan. "P–pero—" nagsalita si papa kaya napatigil ako sa sasabihin ko. "Umalis kana, Yvaine. Ikaw ang gusto nila. Pipigilan namin sila, kaya umalis kana dito." May hawak siyang crossbow with an infinite arrows. Unti unti akong umaatras palayo sa kanila. Tumakbo ako ng sumugod na ang mga kalaban. May isang papunta sakin kaso hinarangan siya ni mama, tinulak niya gamit ang shield niya. Napatalsik niya ang may hawak ng sword. Tumakbo ako palayo, ang huli kong narinig na sinabi ni mr. Black ay, "ako na ang bahala sa kanya, tapusin niyo na ang dalawang yan."

     ▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

Nandito ako ngayon sa isang gubat, madilim dito dahil gabi na. Hindi ako masyado makakita. Umiiyak ako habang tumatakbo. Tumigil ako ng sa tingin ko ay malayo na ko.

"Tired of running?" Nagulat ako sa nagsalita. Di ko siya makita, pero kilala ko ang boses na yon.

"Mr. Black, bakit mo 'to ginagawa?" Tanong ko sa kanya, habang hinahanap ko kung nasan siya.

"I'll tell you the reasons, since you're going to die tonight." Sabi niya. Di ko pa din siya makita kung nasan siya. "You are a hindrance to our plan." Our? May kasama pa siya.

"Where are you?" Sigaw ko kahit natatakot ako. "I'm here" pagkasabi niya non ay lumabas siya sa dilim sa harapan ko.

Merong dumating sa tabi niya na naka-cloak na sugatan. "Are you done?" Tanong ni mr. Black sa taong naka-cloak.

"Yes, master." Sagot ng naka-cloak sa kanya. Natalo nila si papa at mama? Naiyak ako sa naisip kong yun

"Ms. Yvaine, paano ba yan? Wala nang makakatulong sayo. Kill her." Utos niya sa naka-cloak. May lumabas na sword sa kanang kamay niya. He tried to cut me, luckily I dodge it. Nagkasugat ako sa kanang braso, I screamed in pain. Kahit masakit ang braso ko kelangan kong tumakbo palayo sa kanila. Mangiyak-ngiyak akong tumakbo palayo sa kanila

"You can't escape!" Sigaw ni mr. Black, at bigla nagdilim ang paligid. Wala akong makita. Is this his ability? Someone cut me at my back, nadapa ako. I screamed in pain, naiiyak na ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Di ako makatakas. Lumiwanag na ulit ang paligid, nakikita ko na ang paligid, nakita ko yung nakacloak at sasaksakin niya na ko. Pinikit ko na lang ang aking mata, narinig kong sinabi niya "goodbye." Hinintay kong dumikit sa balat ko yung espada.

"What happened?" Rinig kong sinabi ni mr. Black. "Is that a teleportation amulet?" Dinilat ko ang aking mata, may nakakasilaw na liwanag na nanggagaling sa kwintas ko.

"Kill her before it's too late!" Utos ni mr. Black sa naka-cloak. Sumugod siya sakin kaso, huli na ang lahat. Nabalot na ko ng liwanag.

Nawala na ang bumalot saking liwanag. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Wala na ako sa gubat, asan na sila? Bakit nandito ako sa gitna ng daan? Naalala ko bigla ang sinabi ni mr. Black bago ako sugudin ng kasama niya, is that a teleportation amulet? Kinapa ko ang leeg ko, wala na dun ang kwintas na binigay sakin ni mama nung nasa Inn pa lang kami.

Naramdaman ko ulit ang sakit sa kanang braso ko at sa likod ko. Nagkagalos din ako sa buo kong katawan, dahil sa mga sanga ng puno. May nakita kong papalapit na sasakyan. Tumayo ako, tatakbo na sana ako, kaso natumba ko. Bumagsak ako sa lupa, wala nang lakas ang mga binti ko. Lumalabo na ang paligid, nakita kong huminto ang sasakyan, lumabas ang sakay nito, at nagmamadali siyang  pumunta sakin. Isang babae na nakasuot ng kulay purple na witch robe. Kinandong niya ang ulo ko sa hita niya, nakita ko ang mata niya sky blue, at ang buhok niya na blue.

Narinig ko pa siya magsalita bago ako mawalan ng malay. "Miss, anong nangyari sayo? Manong Rommel, tulungan moko buhatin..." Yan ang huli niyang sinabi bago ako mawalan ng malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Venatores AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon