Sakdal

1 0 0
                                    

Kailan ka ba magiging malaya
Kapag nalimutan mo na ang sakit,
O kapag may lakas ka nang sabihing nasaktan ka?
Siguro, unan na lang ang makapagsasabi
Kung paano nalustay sa luha ang pagdaramdam
Paghihimutok, paghihinayang
Marahil nasasaktan tayo para masulit natin
Ang mga panahong tayo ay maligaya
At ang tunay na kalayaan ay mababatid
Kapag hindi na tayo takot masaktan.


Camille Pissarro, "Rabbit Warren at Pontoise, Snow"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Camille Pissarro, "Rabbit Warren at Pontoise, Snow"

FrailWhere stories live. Discover now