"Argh!Ano ba to?Kulang nalang mag hubad ako!"reklamo ko sa ipinasusuot sakin ni Hazel na fitted dress na ubod ng ikli at halos lumuwa na ang aking hinaharap.Mabuti nalang at hindi siya nag-mamalaki."Gusto mo?Pag-huhubarin talaga kita"hamon niya sakin.
"Iinom lang ng alak kailangan ganito pa suot?Bakit?Maganda naman yung suot ko kanina ah?"
"Alin,Camila?Yung leather pants at long sleeves mo?Eh pano ka makaka-magnet ng--"
"OH!"batok ko kay Hazel. "Dyan ka magaling eh!Iinom nga lang ako!"
"Kaya ang lungkot ng buhay mo eh..."iling niya na parang katapusan na ng mundo.
"Palibhasa ikaw,iba ibang tao nakikita kong kasama mo kada linggo!Tsaka bente palang ako,hindi ako mauubusan noh!"pagpapa-lakas ko ng loob sa sarili ko.
"Ewan ko sayo!Bilisan mo na dyan!Ikaw pag-drivin ko eh!"aniya tsaka padabog na kinuha ang susi ng kotse at saka maarteng nag lakad palayo.
Hinanap ko ang blazer ko ngunit hindi ko makita.Tinago nanaman ata ng bruha.
"Hoy babae!Saang lupalop nanaman ng mundo mo tinago yung blazer ko ha?"at pabalibag kong sinara ang pinto ng maka-upo ako sa shotgun seat.Ngunit hindi ako naka-tanggap ng sagot at nag-umpisa na siyang mag-maneho.
Pumasok kami sa loob ng isang mamahaling bar.Halata namang mamahalin dahil sa labas palang ay ang garbo na.Hanggang sa pag-pasok mo sa loob ay hindi mo mapag-kakailang mamahalin.Ang mga taong nasa loob ay talagang may ibubuga at syempre,mahal ang mga bilihin.
Hindi ako madalas mag-bar,pero hindi din layo ang loob ko sa alak.Hindi ako maya't maya uminom,pero kapag may inuman,hindi rin naman ako tumatanggi lalo na't mataas naman ang alcohol tolerance ko.
"Psst,uy!"siko sakin ni Hazel.Sinumangutan ko naman siya agad ng tingin. "Alam mo na ah?"
"Ang alin nanaman?Dami mong alam!"singhal ko.
"Ano ba?Yung tinuro ko sayo!"lalong nangunot ang noo ko ng maalala ang ibig niyang sabihin.Kagabi ay tinuruan niya ko ng 'basic' tips kung paano lumandi ng hindi nagmumukang malandi.
"Tsk!Kung makapag sabing tinuro 'mo',akala mo naman sayo talaga galing,eh nakuha lang naman natin sa tiktak app yun!"irap ko sakanya.
"Ganun narin yun!Kung hindi ko dinemo sayo ay hindi mo din malalaman yun!"aniya at inirapan ko naman siya. "Oh basta ah?Dapat ngayong gabi hindi mo sasayangin ang libre ko sayo...oo na,wag mokong tignan ng ganyan!Libre ko na yung mga iinumin mo.Wag mo lang masyadong damihan."aniya tsaka pumunta sa bar counter.
Pagka kuha niya ng inumin niya ay dumiretso siya sa dance floor at ilang saglit lang ay may lumalapit na sa kanya para makipag sayaw.Tumayo ako upang umorder din ng iinumin ko.I ordered a light drink,wala akong planong magpaka lango.
Naka-dalawang bote na ako ng bumalik si Hazel mula sa pag-sasayaw at pag-iikot sa buong bar.Akala mo nangangampanya!
"Oh?Ano yan,Camie?"singhal ni Hazel at naka-pamewang pa ang dalawang kamay. "Edi sana hindi ka na sumama at dun ka nalang sa bahay uminom kung uupo ka nalang mag-damag!"
"Tsk!Tigilan mo nga ako!Kung ako lang hindi ko naman talaga gustong sumama dito!"
"Ayaw mo talagang lumandi?"pangungulit ni Hazel sakin,naririndi na ko kaya inalis ko ang paningin ko sakanya at iginala ang paningin ko habang tumutungga sa inumin ko.Tumatango nalang ako ng tumatango sa bawat sinasabi niya."Final na talaga?Sure na?"
BINABASA MO ANG
45 Calibre
RandomShe's living, and it feels like she's in debt. Blind by an owe, she does dirty work. It's giving it all in like she already forgot who she really is or what she's not. (c)Pinterest(story cover)