Chapter 22

2.6K 132 93
                                    

Nanakit man ang katawan at wala nang nagawa si Gabriella kundi ang bumaba ng second floor at magtungo sa dining para sabayan ang mga kapatid na maghapunan. Nakagawian na nila iyun na magkakapatid at kahit pagod ay pinipilit nila na magsabay na kumain ng hapunan.

Pagbaba niya ay nakita niyang nakaupo na sa harapan ng lamesa sina Alaric, Rauke, at Seth, na nakapolo shirt na kulay puti at maong na pantalon. At agad na tiningan siya nito nang makita siyang nakatayo sa entry ng dining.

“Gab, halika na at maupo ka na rito,” ang pagyaya sa kanya ni Rauke, papalapit na siya nang mapansin niyang tila kulang pa ang nakahain sa lamesa, kumpleto na ang mga kubyertos pero wala pa ang mismong pagkain.

“Uh sige, puntahan ko muna si ate Josephine, tulungan ko na siyang maghain,” ang sagot niya sa kapatid.

“Tulungan na kita,” ang alok ng kapatid pero mabilis siyang umiling.

“Huwag na, ako na lang,” ang sagot niya sa kapatid at saka siyang naglakad patungo sa kusina at nakasalubong niya si ate Josephine na patungo naman ng dining area habang bitbit ang isang tray na may laman na pritong isda at isang bandehado ng mainit na kanin.

“Gab, maaari mo ba akong tulungan? Pakidala na lamang yung iba pang ulam na nakapatong sa lamesa, ay yung ginataan ko na baboy na maraming sili, nagmantika na, pakipatay mo na lamang ang apoy ng kalan at pwede nang ihain iyun,” ang pakiusap sa kanya ng kanilang kusinera na si ate Josephine. Mabilis naman siyang tumangu-tango, matagal na niya itong ginagawa at hindi niya ikinasasama ang pakiusap na tulong ng kanilang mga kasama sa bahay.

“Sige po ate, ako na po ang bahala,” ang nakangiti niyang sagot at nagtungo na siya palapit sa lamesa kung saan nakapatong ang mga nakahanda nang ulam. Kanya ring pinatay ang apoy ng kalan kung saan nakasalang ang nagmantika nang ginataan na baboy. Pinasadahan ng tingin ni Gabriella ang mga nakalatag na pagkain sa lamesa, bukod sa pritong isda na paborito ni Rauke, may ensalada at bistek tagalog na nakahanda na sa mga malalaking bandehado.

Tumayo siya sa tabi ng lamesa at sa kanyang nakita ay wala ang mga pagkain na pinapaluto niyang ayaw ni Seth. Walang maasim na ulam, walang may bagoong, at walang hipon.

Hmmm, mabait kasi si ate Josephine at hindi niya ito masisisi, isa itong cook, at kahit kailan ay di nito ilalagay sa peligro ang mga kakain ng luto nito, ang sabi ng isipan ni Gabriella. Bigla siyang napasulyap sa malaking kawali na nakapatong sa kalan, at naningkit ang kanyang mga mata. Naalala niya ang mga sugat at pasa niya sa katawan, pero higit pa roon naalala niya ang babae na kahalikan nito sa exhibit.

Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya at dali-dali siyang lumapit sa refrigerator para buksan iyun at kunin ang bote ng lutong alamang. Napasulyap pa siya sa kanyang likuran para tingnan kung may tao bago siya dali-dali na lumapit sa kalan at inalis niya ang takip ng kawali at bumati sa kanya ang masarap na amoy ng ginataan na baboy. At sa kanyang tingin ay wala itong halo na alamang. Kumulo ang kanyang tiyan dahil sa sarap ng amoy nito at dahil sa gutom, kumuha siya ng kutsara at kumutsara siya ng luto nang alamang sa loob ng bote at saka niya inihalo sa nagmamantikang ulam.

Hmm sarap nito, ang sabi ni Gabriella sa sarili.

“Kailangan mo ba ng tulong?” ang biglang tanong ni Seth mula sa kanyang likuran at nagitla siya at muntik pa niyang mabitiwan ang hawak niyang bote ng alamang. Napakagat-labi siya at mabilis siyang lumingon para hindi ito lumapit sa kanya at makita ang kanyang ginawa.

“Uh, oo, yung mga ulam diyan sa lamesa paki dala na sa dining, salamat,” ang sagot niya kay Seth at muli siyang tumalikod dito.

“Wow, ang bango niyan ah, ginataan ba iyan?” ang narinig niyang sabi ni Seth at mabilis siyang lumingon para tingnan ito.

The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon