DR 30

3.7K 138 4
                                    

Tatlong gays ang pumasok sa hotel room na okupado ko. May dala ang mga ito ng make-ups, dresses at iba pa. It's already 3PM and the party will start at 6PM

The date today is October 29, our 21st birthday.

Abala ang lahat sa paghahanda. Balita ko ay iba't-ibang kasosyo sa negosyo ang dadalo at mayroon ding media. Nandito na din si Lola, Sandy at Naomi kagabi pa. Sa bahay ko na sila pinatulog at katulad ko ay nag-aayos na din sila para sa party mamaya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nalaman ko lang na maraming dadalo na hindi ko mga kilala, nanlamig na bigla ang mga kamay ko. I'm not used on interacting with other people, most especially when the people around me is a big time business tycoons.

"Ang ganda-ganda mo naman, Miss. Why don't you try modeling?" Tanong sa akin ni Ate Diva. Yun kasi ang pinakilala nya sa akin kanina bago nya ako ayusan.

"Ay, wala po sa plano ko yan e," nahihiyang tugon ko.

Ngayon nga ay tapos na ako sa lahat, naghahanda nalang ako para sa pagbaba ko mamaya. Isang oras at kalahati ang ginugol nila sa pag-aayos sa akin at mayroon pa akong natitirang oras para maipakalma ko ang sarili mula sa pagiging kabado.

"Omg! Ang ganda mo, girl!" Biglang dumating si Sandy at kasunod nito si Lola at Naomi.

"You look fabulous," Si Naomi naman ang sumunod na pumuna sa akin.

Lumapit naman sa akin si Lola na naiiyak na at hinagkan ako. "Ang apo ko..."

Naiiyak na din tuloy akong yumakap sa kanya.

"Lola naman eh, wag na po tayong mag-iyakan dito. Masisira yung make-up natin eh," nagbibirong saway ko.

"Ikaw talagang bata ka, oo. Natutuwa lang naman ako sa mga nangyayari sayo ngayon. Alam ko kung gaano ka nangungulila sa magulang mo. Alam ko din na gusto mong maranasan magkaroon ng kapatid. Lahat ng yun, dininig ng Diyos, apo. Binigay nya yun sayo dahil alam nyang napakabuti mong tao,"

Tuluyan na sana akong iiyak nang makarinig ako ng singhot sa gilid ko kaya nilingon ko yon at nakita ko ang dalawang kaibigan ko na naiiyak na din. Mga peste, bakit nag-iiyakan mga 'to?! Hindi naman ako aalis o mamatay! Birthday ko kaya 'to!

"The two of you, please stop crying!"

"Ang epal mo! Bakit kasi umiiyak ka?! Naiiyak na din tuloy kami!" Sagot ni Sandy sabay singhot.

Maya-maya lang ay umalis na si Lola at nauna ng bumaba. 20 minutes before the party starts and now, my hands are getting cold and trembling. Nanlalamig nanaman ito dahil sa sobrang kaba. Tapos ang dalawang kasama ko ay hindi pa nakakatulong dahil panay pa ang pang-aasar sa akin.

"Ano kaya itsura ni Ally," Sabi ni Naomi.

"Edi katulad ng itsura ni Adi! Tanga neto, kambal nga sila diba?!" Sagot naman ni Sandy.

Hindi ko tuloy napigilang matawa. Kita ko kung gaano kasama ngayon ng tingin ni Naomi sa kanya.

"Mas tanga ka! What I mean is yung suot! Epal 'to, dyan ka nga!" Sabi ni Naomi sabay tulak kay Sandy. "Ikaw naman! Wag kang gagawa ng kalokohan mamaya ah? Mapapahiya magulang mo nyan!"

"Baliw kaba?! Sinong tanga ang gagawa ng kalokohan sa party mismo na para sa kanya?! Naku Naomi umalis kana nga!" Naiinis kong singhal.

Humagalpak ng tawa ang dalawa. Wow, kanina lang nagbabangayan ang mga 'to tapos ngayon nagkakasundo na sa pang-aasar sa akin!

"Grabe, ang pikon mo!" Natatawa paring ani ni Naomi.

———

"May I have your all attentions, please?"

Deepest RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon