" Nakakabagot nmn dito. Wala man lang akong makausap!" Bulong ng sirena habang nakadapa sa isang malaking bato.
Nasa loob sya ng kwebang ito, ito na ang naging tirahan nya mula ng lisanin nya ang totoong tirahan.
Hindi namn nya masisi ang sarili dahil kailangan rin nya iyong gawin para hindi sya makapanakit ng ibang nilalang sa ilalim ng dagat.
Gustuhin man nyang bumalik ay hindi na rin pwde dahil sa Hindi na sya pwding bumalik doon.
Napabuntong hininga na lamang siya habang pinaglalaroan ang dulo ng buhok nito.
" Pumunta kaya ako sa ibabaw ng dagat, siguro hindi ko nmn masasaktan ang mga nilalang doon dahil hind pa namn ako nakakapunta roon. " Pagkausap nya sa sarili
Napangiti nmn syang bigla sa kanyang naiisip.
Dali-dali syang tumayo sa pagkakadapa sa bato at sumisid papalabas sa kuwebang tinitirahan nya medyo my kadiliman ang kuwebang ito kaya walang mga sirenang nagbabalak na pasukin ito.
Sya lang talaga ang nakatiis sa my kadilimang lugar na ito. Dahil sa takot na makita sya ng ibang sirena kapag nasa labas sya.
Gabi na nga lang sya naghahanap ng makakain para Wala na syang makasalubong na sirena sa daan.
Ilang taon na rin mula ng tumira sya rito pero nasasanay nmn na syang magisa.
My pagkakataon paring nalulungkot sya, dahil gusto nyang makita ang ina. Pero Wala syang ibang pagpipilian.
Ayaw niyang mawala ang kanyang ina, titiisin nya kahit labag man sa kanya iyon.
Parusa sa kanya iyon, ngunit Wala syang ginawang kasalanan.
Binabay-bay nya ang daan palabas ng kanyang tirahan medyo my kalayuan ang pinto nito sa kanyang tulugan.
Ng nakalabas na sya ay bumungad sa kanya medyo my kadiliman ng paligid .
Nagsisimula ng lumubog ang araw sa langit kaya dumidilim na rin sa ilalim ng dagat.
Pero hindi iyon naging hadlang para pigilan ang kanyang planong pumaibabaw sa dagat.
Imbis na maghanap ng pakain ay sumisid sya pataas.
Nakangiti sya habang kinakampay ang itim nyang buntot.
Nakatingin lamang sya sa itaas.
" Sa wakas makakarating na rin ako sa ibabaw ng dagat,!" Bulalas nito habang tinatanaw itaas.
Hanggang sa nakaahon na sya sa ilalim.
Malapad ang pagkakangiti ng sirena ng masilayan ang araw na papalubog.
" Napakaganda na sinag na iyon" bulong nya sa kanyang sarili habang nakatanaw sa langit.
Ng magsawa sa pagtitig sa langit ay nailibot nito ang tingin sa kinaroroonan.
Bigla na lamang nawala ang kanyang ngite ng Wala syang makitang kahit ano kundi Puro tubig lamang.
Pero hindi sya nawalan ng pag-asa, lumangoy ulit sya.
Hanggang sa napadpad siya sa isang isla kong saan walang naninirahang tao.
Hindi nya napigilan ang pag kasabik sa kanyang nakikita.
Agad nyang binilisan ang paglangoy patungo sa islang nakita nya.
Manghang-mangha sya sa buhangin na ngayon ay inuupuan niya.
" Napakasarap manirahan dito!" Bulalas nya habang pinaglalaruan ang buhangin sa kanyang kamay.
Bigla syang natigilan ng makarinig siya ng kaluskus hind kalayuan sa kanya dahil sya ay isang sirena ay malakas ang kanyang pandinig.
Agad nmn syang naging alerto.
Sumingkit ang kanyang mga mata para makita ang kong sinong nilalang ang nasa likod ng mga halaman.
Pero wala na siyang maramdam na kong anong nilalang ang nasa malapit sa kanya.
Hind na lamang nya ito pinansin, agad na bumaling ang tingin nya sa buhangin ng my makapa syang bagay.
Tinititigan nya ito na para bang ngayon lng nya nahawakan ang kakaibang bagay.
"Anong uri kaya itong bagay?" Bulong nya sa sarili.
Ilalapit nya Sana ito sa kanyang mukha ng my isang bato ang tumama sa ulo nya, bigla nyang nabitawan ang bagay na hawak nya.
Lilingon na Sana sya sa nilalang na may gawa ng pagdurugo ng noo nya.
Ngunit natigilan sya ng magsalita ito.
" Ibigay mo ang kuwentas na yan!" Saad ng baretunong boses.
Hind sya lumingon dito, pero kinuha nya ang bagay na hawak lang nya kanina.
" Ito ba ang tinutukoy nya?" Bulong nya sa sarili.
Pero wala na din nmn syang ibang bagay na nakikita maliban sa hawak nya.
Walang pagaalinlangan ay hinagis nya ito sa nilalang na nakaharap sa kanya ngayon.
Hind na sya umimik at dali daling gumapang papuntang dagat.
Gustohin man nyang makita ang nilalang na iyon ay Wala syang magagawa dahil mapapahamak lang ito.
" Sandali aalis kana agad hind pa nga ako nakakapagsorry sa ginawa ko sayo!" Sigaw ng lalaking bumato sa kanya.
Hind na lamang sya umimik at nagpatuloy, hanggang sa na lubog na ang kanyang katawan sa tubig.
" Anong pangalan mo? At salamat na binalik yong kuwentas ko.!" Sigaw ulit nito.
Hindi nya malaman ang dahilan pero napangiti sya.
" Amara!" Bulalas nya na alam nyang sapat na iyon upang marinig ng lalaki.
" Amara ang ganda ng pangalan mo, pasensya na sa ginawa ko, pwde kong gamutin ang noo mo para makabawi man lang ako sa kasalanan ko!" Mahabang litanya nito.
Pero imbis na makinig ay hind na lamang nya ito pinansin ay nyang mapahamak ito, mas gugustuhin na lamang nya na sya na lang ang saktan wag lang syang makapanakit ng iba.
Sumisid na sya pailalim at hind na sya muling magagambala sa ibang nilalang.
YOU ARE READING
The dangerous Mermaid
FantasyWala na yatang mas sasakit pa kapag ang lalaking Mahal mo ay unti-unting namamatay sa harap mo. Pero mas masakit pa doon na ikaw mismo ang dahilan kong bakit unti-unti syang namamatay. Ang serinang isinumpa dahil sa kalandian ng kanyang ama. Wala ma...