Stephen's P.O.V"Hay nako, Stephen. Mag-o-overtime ka na naman? Ilang araw ka nang ganyan ah! Wag kang masyadong magpayaman! Baka bukas makalawa, di mo na kami kilala dahil dyan sa pagiging milyonaryo mo." sutil sakin ni Harvey saka tumawa. Siya yung babaeng nagbigay sakin ng phone noong baguhan palang ulit ako sa kompanya. Siya rin yung bagong kapalit ko na employer noon dito nang mawala ako na parang bula. Mabait din naman siya sakin, maganda rin at seksi. Kaso ilap minsan ang mga lalaki sa kanya dahil sa kakaibang ugali nia. Ugali niya na ako lang ata ang nakakatagal.
"Sinasabi mo dyan, baliw. 'Di no!" natatawang tanggi ko naman na hindi na siya tinatapunan pa ng tingin.
Diretso lang din ang mga mata ko sa sandamakmak na papel ulit sa mesa ko. Mas pinakamarami pa nga ata ang ngayon. Ginagawa ko na kasi ang mga reports na dapat ay bukas ko palang gagawin. Kaso naisipan kong ngayon ko na tapusin lahat para may dahilan ako para mag-off bukas. May kailangan kasi akong puntahan. At siguradong kilala nio na kung sino yun.
"Hindi raw. Bakit ba gustong gusto mong magpaiwan rito ng mag isa? Hindi ka ba natatakot na baka may magparamdam na multo sayo rito? Anong oras ka na kaya umuuwi, mga 12: 30 na ng hating gabi- ay este- umaga pala."
"Hindi naman ako matatakutin kagaya mo. Tsaka swerte ko naman kung may multo nga na magparamdam sakin dito. 'Di tulad sa boyfriend mong di na kailanman nagpakita sayo matapos mong sigaw sigawan dito."
Paano, eh pumunta rito sa opisina yung lalaking yun na nag-iskandalo. Inakala niyang niloloko daw siya ni Harvey nang isang araw na makita niya kaming magkasama sa mall. Eh, nagpasama lang naman siya sakin na bumili sana ng regalo para sa boyfriend nia dahil anniversarry nila. Nagpaturo sakin kung ano daw ang magandang regalo sa lalaki, na kesyo lalaki din daw ako kaya alam ko kung ano ang mga magugustuhan ng mga lalaki na ibibigay niya sa boyfriend niya. So, ayun nag away sila and nagsigawan rito mismo. Na naging usap usapan rin siya ng ilang linggo. Pasalamat nga si Harvey, di siya natanggal rito kung hindi lang ako nangialam.
"Hahahahaha. Gago talaga yun no? Sana ikaw na lang ang naging boyfriend ko."
Eh?
"Alam mo Harvey, wag ka nang umasa sa lalaking yan." napalingon naman kami ng sabay sa likuran namin nang may biglang nagsalita. "Nandito naman ako eh." sabi pa nito sabay kindat pa kay Harvey.
"Alam mo rin Kian, wag ka nang umasa sakin. Matagal na kitang binusted kaya pwede? Shoo~shoo~! Wala kang mapapala sakin kahit na uminom ka pa ng dugo diyan." pagtataboy ni Harvey sa kanya.
Napangiti ako. Prangka talaga tong babaeng to.
"Ang sama talaga ng ugali mong impakta ka. Kaya walang tumatagal sayo dahil dyan sa kalaspagan ng ugali mo."
"Ang sama rin ng ugali mo. Kasing pangit mo! Kaya walang nagkakagusto sayo. Tumanda ka sanang binata."
"Aba! Ang tapang nito ah. Kung makapagsalita ka parang tong lalaking tong matagal mo nang tinataguan ng feelings ay may gusto rin sayo! Para sa kaalaman mo, hindi kayo talo!"
Nagulat ako sa sinabi niya. May gusto sakin si Harvey? Napalingon ako sa kanya pero napaiwas lang siya ng tingin sakin.
"S-sinasabi mo dyan?"
"Bwahahahahahahah! Wow. Grabe! Matagal mo na siyang lihim na gusto pero wala ka pa atang alam tungkol sa kanya."
Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Mukhang gets ko na pero..paano nia nalaman?
"Yang si Stephen MO?" diin na diin na sambit niya sa huling salita habang nakaturo pa ang daliri nia sakin pero nakatingin kay Harvey. "Nakita ko lang naman isang gabi na may kasama siyang lalaki at ang sweet pa nila. At yung lalaking yun ang dahilan kung bakit nag-o-OT siya't nagpapahuli sa trabaho gabi gabi. Dahil yung lalaking yun ang sumusundo sa kanya dito sa opisina. Ibig sabihin, boyfriend niya yung lalaking yun at ayaw lang niyang malaman natin kaya gabi gabi lang silang nagkikita. Tama ba ako?"
BINABASA MO ANG
THE OBSESSION: I'M YOURS - SEQUEL OF TP:YM [COMPLETED]
Random[UNEDITED] I'm now content. I'm now free. After three years, my agony from the past is over, from the hands of the one who owned me and made me his world. I am aware that love is painful. I once again embraced him because of his justifications. But...