Gabby
Hahaha.
Ilang araw na ang nakalipas simula noong nangyari yung "incident" na yun sa school (Sorry, ayoko na kasing banggitin pa!) At masasabi kong isa yun sa pinakamalalang disaster ng buhay ko.
Simula kasi noong araw na yon, pakiramdam ko nawala na ako sa katinuan.
Nitong mga nakaraang araw kasi, ang daming kabaliwan na ang nangyayari sa akin, at pagsinabi kong kabaliwan, feeling ko talaga kailangan ko ng dalhin sa mental hospital.
Kasi ba naman madalas na akong nakakakita ng mga lesbian couple. Dati never silang nahahagip ng beautiful eyes ko, ngayon kahit saan ako tumingin may les couple na magkaholding hands at nagchuchuchu!
Tapos dati pag nakakakita ako ng magandang babae, wala akong pake, kasi alam ko sa sarili ko na maganda din ako, pero ngayon, OMFG!!! Di ko mapigilan ang sarili ko na hindi titigan yung babae saka pag may dumaan na sexy, packing tape lang! Napapalingon ako!
Ang pinaka malala pa nito, minsan di ko namamalayan ang sarili ko na nakatingin na pala ako sa dibdib o pwet ng mga babae. Jesus in heaven! ANO PO BANG NANGYAYARI SA AKIN???!
Kasalanan talaga to nung Princess na yun eh!
Di kaya nakulam ako nun? Baka kinulam niya ako kasi binasted ko siya! Mukha pa naman siyang may lahi ng mangkukulam kasi kulot siya eh. Ay teka kulot nga din pala ako.
Speaker of her, mukhang okay naman na siya, mukhang mabilis din siyang naka-move on sa akin. Siguro kasi natanggap na din niya na hindi ako pumapatol sa mga tulad niya.
Pero ako, ewan ko ba. 2 subject kami magkaklase at during that time, naiilang ako pag nasusulyapan ko na nakatingin siya sa akin at seriously hindi ako mapakali talaga. Pakiramdam ko kasi ang daming nagbago simula nung umamin siya sa akin. Kasalanan niya to! Kung di dahil sa kanya di sana ako naaaning ng ganito!
"Uy friend, bakit parang lagi kang tulalengs? You okay?" Tanong sa akin ni Charity sabay subo ng carbonara. Nakakainis talaga 'tong babae na 'to. Lamon ng lamon pero hindi tumataba! Samantalang ako nagtitiis sa vegetable salad para lang mapanatili ang sexy figure ko.
"Sabihin mo nga Charity, mukha ba akong okay?!"
"Chill lang friend, tinatanong lang naman kita. Ano bang problema?"
Ano nga bang problema?
Seriously hindi ko din alam. Kung iisipin mong mabuti wala naman dapat akong pake dito eh. Di naman big deal kung nakakakita ako ng lesbian couples, dumadami na kasi sila eh. Malamang marami akong makikita na tulad nila. Yun namang pagtingin ko sa mga magagandang girls, siguro kasi nagmamature na ako, marunong na ako maka-appreciate ng beauty. Saka yung pagtingin ko sa katawan ng mga babae ng di ko namamalayan, uhmm.. siguro mas naging observant lang ako. Yah, that's right! Bakit nga ba hindi ko agad yun naisip. I'm so genius talaga!
"Uy friend! By the way malapit na yung acquaintance party. Punta tayo ha?"
"Anyare? Last year sabi mo ayaw mong pumunta sa mga party chuchu na ganyan ng school kasi badudels, bakit ngayon nagbago ang isip mo?"
"Ehh kasi naman ehh! Ang daming poging first year. Baka makabingwit ako ng pogi."
"Napakalandi mo Cha! Di ako pupunta. Nakakatamad! Bahala ka dyan!" Jusko yun lang pala ang gusto. Habang tumatagal nagiging haliparot na 'tong si Charity ha!
"Sayang naman kung di ka pupunta Gab, akala ko pa naman susuportahan mo ko dito because this is my new project as the new Student council president."
Oh... my... gosh... Tama ba yung naririnig ko? O naghahallucinate na lang ako at kung anu-ano na ang naririnig ko?
Dali dali akong lumingon sa pinangagalingan ng boses at tama nga. Hindi ako namamalik mata at lalong hindi ako nababaliw dahil talagang nasa nandito ngayon ang lalaking matagal ng nagpapatibok ng puso ko.
OH MY PAPA ROMEO. HETO AKO SI JULIET MO. GAHASAIN MO NA KO <3
LOLS. LOLS lang. Pero OMG talaga! Simula noong nagpasukan ngayon ko lang ulit siya nakita kahit na sa iisang school lang kami nag-aaral. Super pogi pa din niya kahit na lalo siyang naging busy dahil siya na ang new Student Council president.
Childhood friend ko si Romeo Dela Torre at hindi ko na ikakaila dahil obvious na obvious naman na bata pa lang kami ay talagang dead na dead na ako sa kanya. Nasa kanya na kasi ang lahat! Mayaman, matalino, magaling sa sports, mabait, humble at higit sa lahat umaapaw sa kapogian! Hawig niya kaya si Zayn Malik <3
"Hey Romeo my love! It's been a while." And I showed him my most seductive smile ever. Pero kahit anong gawin ko waepek talaga sa kanya ang pagseseduce ko. Tinignan lang niya ako ng blangko pagkatapos ay kinurot ang magkabila kong pisngi.
"Kuya Romeo. Ikaw talaga Gab, mamaya marinig ka pa ni Millicent eh. Alam mo naman na selosa yun di'ba."
Tch! Kahit kailan ba hindi magbabago yung pagtingin sa akin ni Kuya Romeo? Kahit saang anggulo niya ako tignan, nakababatang kapatid lang ang tingin niya sa akin. Saka ano naman kung marinig kami ng girlfriend niya jejemon? Okay nga yun eh. WAHAHAHAHA!
"Whatever! So how are you KUYA Romeo?" Nilagyan ko talaga ng emphasis yun KUYA na hinihiling niya.
Hinawakan niya ako sa ulo at ginulo gulo ang buhok ko. My gosh, my hair!
"Di ka pa din nagbabago Gab! Ang taray taray mo pa din. Eto medyo busy pero masaya. Ikaw kumusta? May narinig akong balita sayo nung nakaraan ha." Nakangising sabi niya sabay kurot sa kanang pisngi ko.
P*ta! Hanggang sa kanya ba naman nakarating pa yun??! Ang dami talagang chismosa sa Earth! Iba talaga pag peymus eh!"Hay nako KUYA Romeo, wag mo na nga banggitin yan. Nakakahiya yung ginawa niya!"
"I think wala kang dapat ikahiya sa ginawa niya. She's brave and I admire her because of that. Biruin mo nagawa niyang magconfess sayo in front of your classmates. Gusong-gusto ka pala niya talaga."
"Wait. Kilala mo ba siya?"
"Oo naman. Si Princess. President siya ng Art club. Lagi ka nga niyang tinatanong sa akin. Sabi niya wag ko daw sasabihin sayo. Akala ko nga taga-hanga mo lang siya eh. Kaya nga laking gulat ko nung sinabi niya sa akin na she's a lesbian and she likes you. Nanghingi pa nga siya sa akin ng advice."
"Ah." Yun lang yung nasabi ko. Ang awkward naman. Haha.
"Di mo ba siya bibigyan ng chance?"
HA? Ano daw?"Ano?! KUYA, Di ako nagkakagusto sa mga kapwa ko babae no! Eww lang ha." Kadire lang? Never akong magiging lesbian no! Pare-pareho lang kaya kaming may boobs at tutut! Never na never talaga akong magkakagusto sa kapwa ko babae. Promise yan no!
BINABASA MO ANG
Our Playful Secret (girlxgirl)
Humor[Romance/Humor] ❤ "Kung iisipin mong mabuti wala naman dapat akong pake dito eh. Di naman big deal kung nakakakita ako ng lesbian couples, dumadami na kasi sila eh. Malamang marami akong makikita na tulad nila. Yun namang pagtingin ko sa mga magagan...