One of those Nights

2 0 0
                                    




Time Check: 9:30 pm

Shit late na naman ako. Call time namin 9:00 pm. Filipino nga talaga ako.

Nakatulog ako habang nanonood ng kdrama and I can still see my laptop playing probably not the episode I'm on kaya pinause ko na yun kasi baka ma-spoil pa ako. Nag-unat muna ako bago dumiretso sa banyo para mag-freshen up. Pag-labas ko ng banyo dumiretso na ako sa walk-in closet para pumili ng damit. Ughh di ko alam kung ano susuotin ko. Kung di ako nakatulog baka nakakuha pa ako ng opinyon kila Olivia at Yvonne. Ang aga pa kasi kanina ng maka-alis ako sa trabaho kaya naisip ko manood muna ng kdrama para makahabol na ako sa episodes at Friday naman din ngayon eh.

Fuck it. Kumuha na lang ako ng random na dress na bagay naman sa bar. Fitted black dress at ang aking one and only black lace up boots na Doc Martens na pinag-ipunan ko pa. Buti na lang marunong na din ako magmake-up kaya bingyan ko sarili ko ng smokey eyes. Thanks Youtube!

Kinuha ko yung phone ko malapit sa bedside table at chineck ang notif ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kinuha ko yung phone ko malapit sa bedside table at chineck ang notif ko. Ilang missed calls sa kanilang lahat lalong lalo na yung kila Olivia at Yvonne, jusko po. Binuksan ko yung group chat, puro mention ng pangalan ko at nakita kong may voice message si Olivia. Plinay ko at muntikan ko pa mabato cellphone ko kasi pinagsisigawan na niya ako kung nasan na daw ba ko at bakit late na.

I replied, "Nandyan na ba kayo lahat? Sorry nakatulog ako pero nakabihis na ako. Paalis na ako ng condo."

Hinanap ko yung susi ko ng sasakyan ng maalala ko nasa pagawaan nga pala ito. Mapapa-grab pa ako ng wala sa oras hayss. Sana may dumating kaagad.

Nasa labas na ako at inaantay na lang yung Grab nang magvibrate yung phone ko. Binuksan ko yung gc. Nagsend si Natalie ng selfie kung nasaang parte sila sa loob ng bar. Habang yung iba panay send ng "bilisan mo". Inaapura pa ako. May mga kasama naman sila, wala naman nag-aantay sakin doon. Sa BGC na naman yung gusto nila. Sawa na daw sila magbar sa Makati.

Nakarating ako doon halos mag-alas diyes na din. Pagpasok ko doon ang dami ng tao at hinanap yung pwesto nila. Di pa ako nakaka-upo pinagpapalo nila akong lahat ng babae kong kaibigan. Tinawanan ko na lang kasi deserve ko yun dahil late naman talaga ako. Makikisali sana si Kent sa palo kaso sinamaan ko na agad siyan ng tingin. 'Sige subukan mo'

Di pa ako kumakain kaya buti nagseserve ng mga meal dito kaya umorder muna ako para di naman masakit sa tyan mamaya kapag nag-order na ng drinks. Light meal lang para kasya pa sa tyan ko yung drinks.

12:00 am

Lahat sila may tama na. Mas marami sila nainom kesa sakin. Ayoko din magpakalasing ngayon kasi wala akong dalang sasakyan. Kung sakali man malasing ako sa kotse na lang ako matutulog kasi syempre bawal magdrive kapag lasing. Eh kaso wala akong dala at nagcommute lang ako, mahirap na at delikado pa. Mabuti na yung nag-iingat. At feeling ko din, hindi na nila ako mahahatid kasi salungat yung direksyon ko sa kanila. Maabala ko pa. Ako pa ata ang magiging sober dito at tulungan silang makauwi. Minata ko yung mga lalaki.

One of those NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon