COUSIN
"May pasok ba si Eris?"
Narinig ko ang tanong ni Lola kay Tito.
"Wala po yata?"
Napahikab muna ako bago ayusin ang aking sarili sa salamin. I just combed my hair using my fingers. Nagbihis na rin ako ng lose shirt and a sweat shorts.
Habang pababa ng hagdan ay narinig ko ang mga bulungan nila Lola at Tito.
"May boyfriend ba iyang si Eris?"
Napaubo si Tito sa tanong ni Lola. Sana hindi ako ibuking ni Tito!
"A-ahh hehe. Wala po Ma! Bantay-sarado sa akin yan sa school nila."
Muntik na ako mapahalakhak sa sagot ni Tito Leon. Inisang hakbang ko nalang ang dalawang baitang ng hagdan.
"Good morning lola, tito."
Nakita kong sinenyasan ako ni Tito , pinandilatan niya rin ako ng mata. Napatawa naman ako kung kaya't napatingin sa akin si Lola.
"Ang saya mo yata ngayon? Wala kang pasok?"
Nagsalin muna ako ng kape mula sa coffee maker bago naupo sa tabi ni Lola.
"Practice lang po sa cheerdance. Mga alas nuebe po."
Tumango-tango si Lola habang nagbabasa ng dyaryo. Si Tito naman ay parang hindi mapakali sa kaniyang upuan.
"May problema po ba, Tito?"
Nakita kong napailing-iling lamang siya. Nitong mga nakaraang araw, mistulang balisa si Tito Leon.
"Wala naman. A-ano, bilisan mo na diyan mag alas-otso na."
Binilisan ko ang pagkain at agad na naligo. I just wear a loose shirt, paired it with a white shorts and finished my looks with my favorite rubber shoes.
Hinayaan ko lang na nakalugay ang aking ga-bewang na buhok, at naglagay ng kaunting lipgloss sa mala rosas kong bibig.
Bababa na sana ako ng marinig ko ang isang busina ng kotse. Nang dungawin ko ang baba ay nagulat ako kung sino ang naroon. A guy was standing there, matangkad ito, halatang mayaman.
Nang maka-baba ako ay kinakausap na ito nila Lola at Tito.
"Naku Zaccheus! Ang laki mo nang bata ka!"
Nang marinig ko ang sigaw ni Lola ay agad akong tumakbo palabas ng bahay.
There, I saw Zacc smiling from ear to ear. He's still handsome, walang pinagbago.
"Thanks, Lola."
Tumakbo ako papunta kay Zacc at agad itong niyakap.
"Where have you been?! I missed you so much!"
He chuckled a bit and examined my face.
"Ang laki mo na. Parang kelan lang sipunin ka ah?"
Napasimangot ako mula sa narinig. I was a 5 year old kid when I seen him last time.
"Saan lakad mo? Ihatid na kita. Tsaka mag-bonding na rin tayo."
"Mabuti pa nga ijo, kasi itong si Leon dadalaw sa bakery niya."
"Oo nga. Para na rin makapag-pasyal kayo pareho. Ang tagal na rin noong huli kayong magkita ah."
"Tara?"
Nagpaalam muna ako kay Tito at Lola habang nakasakay naman na si Zacc sa driver's seat. Bubuksan ko na sana ang pintuan sa likod nang tumawa si Zacc.
BINABASA MO ANG
Engineer Series : Engineer Zage Castillejo
Aléatoire"Andyan ako! Andyan ako noong walang-wala ka Zage! Andyan naman ako palagi... Pero b-bakit? Bakit n-nagawa mo akong i-ipagpalit? Nakarinig ako ng bulong-bulungan sa loob ng restaurant. Habang siya naman ay nakatingin lang sa akin, blanko ang mga mat...