Pag Laya (Oneshot)

4 1 0
                                    

“Oh asan ka na naman pupunta babae ka!?”

Bungad sa kanya ng kanyang Tiyohin na siyang nag pa gulat sa babaeng bata. Balak niya kasi sanang tumakas sa bahay ng kanyang namatay na tiyahin.

“U-uhm Tiyong, gusto ko po s-sanang lumabas..m-matagal tagal na din po kasing hindi ko nasilayan ang k-kapaligiran.”

Mahinahon at may halong kaba na tugon ng nuebe anyos niyang sarili sa tanong ng kanyang Tiyohin. Natatakot na baka saktan na naman ng kanyang Tiyo.

“Anong lalabas!?  Dito ka lang!” sabay hablot sa kanyang hindi kataasang maitim na buhok. “Anong tingin mo sa akin? Ha!  Uto-uto!?” hawak parin ng tiyohin niya ang kanyang buhok, siya ay ikinaladkad patungo sa maliit na silid na sadyang ipinagawa nito para sa kawawang batang babae.

“Hinding-hindi ka na kailanman makakatakas sa tahanan na ito!” huling sabi ng Tiyohin matapos siyang bugbogin, kasunod nito ay ang pag labas nito ng silid.

Walang laban. Tanging pag tangis lamang upang mailabas ang pinaghalong pighati at pagkasuklam ang nagawa ng batang babae.

Araw-araw, sakit at hapdi mula sa mga sugat sa katawan ang kanyang natatanggap. Hindi pa din batid kung ano ang nagawang kasalanan kung bakit niya nararanasan ang mga pagpapahirap na ibinibigay sa kanya ng Tiyohin.

Limang taon ang lumipas ng kanyang pag titiis. Akala niya ay magbabago ang turing ng kanyang Tiyohin sa kanya, ngunit sino pa ba ang pinagloloko niya? Sa bawat pagkakataong nakikita at nasisilayan siya ng kanyang Tiyo ay sinasaktan siya nito.

Sa bawat pag hampas ng kanyang Tiyohin sa kanya,  sa bawat sakit at hapdi dahil sa bugbog na natatamo ay unti-unti ring lumalaki ang galit na nararamdaman niya para dito. Ang galit na ito din ang tumulak sa kanyang gumawa ng isang plano na siya namang nag paginhawa sa kanyang kalooban.

Tiempo, ito lamang ang kanyang hinihintay upang maisagawa ang planong matagal niya ng pinagtuunan at pinag-isipan.

Ng dahil sa sobrang kalasingan ng kanyang Tiyohin ay nakatulog na lamang ito sa upuang gawa sa kawayan, hindi na din nito nagawang saktan siya at ipasok sa maliit niyang silid.

Napakasaya na pagakakataon na iyon ng kanyang buhay  at lalong naramdaman ang galak sapagkat naaayon ito sa kanyang plano at pabor na pabor ito sa kanya..

Sa bawat galaw at pagkilos niya ay lalong tumataas ang lebel ng kanyang kaligayahan.

“Sa wakas ay malapit ko ng matamo ang kalayaang matagal ko nang inaasam-asam mahinang sambit ng labing-apat na taong gulang na babae sa kanyang sarili.

Ilang oras din ang kanyang hinintay ng magising ang kanyang Tiyohin na limang taon din niyang inunawa at pinagtiisan. Ngayon na nasa kamay niya na ang kalayaan ay hinding-hindi niya na ito papakawalan pa.

“A-anong-- anong kalokohan ito Babae ka? Ha!” nalilito at pagalit na sambit ng kanyang tiyohin sa kanya.

Tiyong, patawad sa aking gagawin ngunit gusto ko na pong umalis sa pamamahay na to..” mahina ngunit tiyak siyang nariring pa din ito ng kanyang Tiyo. “Akin na po ang susi ng bahay ng makaalis na po ako.” muling salita niya.

“Hahaha!  Nag papatawa kang bata ka tsk tsk. Sa tingin mo ba, kaya mo na ako ha!?” bulyaw sa kanya ng kanyang Tiyohin kasabay nito ang pag subok nitong pag-upo ng maayos sa silya.

Hindi umimik ang babae at hinahayan lang na pag masdan ang Tiyohin sa ginawa.

Tiyong, ibigay niyo na po ang susi habang may konsensya pa po ako na nararamdaman para sa inyo!”

Hindi nakinig ang Tiyohin niya sa kanya kaya't napag pasyahan niyang gamitin ang nasa plano niya.

Habang abala ang kanyang Tiyo sa pag subok na tanggalin ang mga lubid na naka pulupot dito ay siya namang hila niya sa lubid na mag aangat sa katawan ng kanyang Tiyo mula sa kinaroroonan nito.

“A-AACKKK ibaba mo ako Babae ka! W-wala kang utang na l-oob! M-matapos kit-hang pak-kainin sa pamamahay na i-to, ito pa ang igaganti mo!”

Sinubukan ng Tiyo niyang magpumiglas pa ngunit sa bawat pag piglas nito sa pagkakaangat ay siya  namang nag papahigpit pa lalo sa pagkaka pulupot ng lubid sa leeg nito.

Hindi na kayang magsalita ng kanyang Tiyohin dahil sa kapos na ang hininga nito.Ginamit niya naman ang pagkakataon na iyon upang kunin ang ang susi na matagal niya ng gustong kunin.

“I--balik mo y-an s-saakin!” muling salita ng kanyang Tiyohin.
Akala niya'y wala na itong buhay ngunit nagkakamali pala siya sa akala niya.Ayaw man niyang gawin ang orihinal na plano niya ngunit punong-puno na siya. Muling nag siklab ang galit na naipon niya sa limang taon.

Matalim niyang tinignan ang Tiyohin niyang matalim din ang tingin sa kanya. Maraming masasakit na lumabas sa bibig nito kaya't hindi na siya nakapag timpi ay hinampas niya ito ng matalim na bolo na kanina pang nasa tabi niya.

Malakas na hiyaw ang namayani sa loob ng bahay matapos maputol ang kaliwang hita nito gawa ng pag hampas ng babae. Dahil sa galit ay tila nawala sa tamang pag-iisip ang babae kung kaya't patuloy niyang pinaghahampas ang Tiyohin.

Walang patid na hiyaw, ngunit tila walang naririnig ang babae. Talsikan ng dugo at mga parte ng katawan ang makikita sa loob ng maliit na tahanan.

“Patawad Tiyo, ginalit mo kasi ako eh.. Ngayon ay makakalaya na din ako sa tahanang ito” huling sabi ng babae na may ngiti sa labi bago saksakin ang Tiyohin sa puso na siyang dahilan kung bakit tuluyang nawalan na ito ng buhay.

Pag LayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon