-CHAPTER 27-
Ericka's POV
Its been a week since that incident .Agad namin siya dinala sa clinic upang makapagpahinga . Alam kong napagod siya kakaiyak . After that day . I can feel the urge in Alexa's Presence .
Hanggat maari hindi namin hinahayaan ni Monica na mag isa lamang siya . Ramdam ko pa rin ang poot sa bawat kilos at titig nito habang matiim na nakatingin kay Andrea .
Agad nabalik ang pokus ko ng magsalita si Teacher Apollo sa harap upang mag anunsyo
"Class,February 4, na ngayon. At tuwing pebrero ay nagdadadaos tayo ng isang patimpalak ng pagandahan.Napag usapan naming ibahin at taasan ang paglimita ng mga gustong sumali upang mabigyan ng pagkakataon ang lahat . Sa klase na ito Pinipili ko si Monica,Ericka,Alice at ang dalawang bagong estudyante na sina Alexa at Andrea na magrerepresinta ng ating klase. Samantalang sa lalaki naman ay pinipili ko si Rexcell,Ice,Matt,Kevin at si Gerald. Kayong sampo ang napili ko bilang Gurong tagapayo na magrerepresenta ng ating klase sa darating na patimpalak . Hindi na tayo magkaklase basta pag uusapan niyong sampo kung paano niyo paghahandaan ang patimpalak na ito. Class Dismissed!"
Dire-diretsong litanya ni Sir . Hindi na ako magtataka kung mapipili kaming Sampo dahil tulad ng dati na magkakahiwalay pa ang seksyon namin .Kami na ang nagsisilbing mga likas na kayamanan ng Barcelona pagdating sa mga ganitong patimpalak
Buwan na ngayon ng Pebrero at nagkaroon dapat kami ng Junior at Senior Prom na dapat ay idadaos sa mismong araw ng mga puso pero inuurong ito dahil sa isang prestihiyosong patimpalak na Mr. Valentine & Ms. Valentine .
Kada taon ang pageant na to ang pinakahihintay ng lahat dahil hindi tulad ng ibang pageant na idinadaos buwan buwan...Ang pageant na to ay kinabilangan ng mga nakakaangat pagdating sa panlabas na kaanyuan .
Tatlomg taon nang hawak ni Monica ang Ms. Valentine dahil sa kakaibang karisma nito. Samantalang tatlong taon namang hawak ni Rexcell ang Mr. Valentine .Simula nang magenroll sila sa Barcelona Academy sila ang pinipili sa ganitong patimpalak na lagi nila naiuuwi ang title .
Lagi akong napipiling representative ng klase namin sa ganitomg pageant pero sumusunod lamang ang pwesto ko kay Monica.
Kahit kailan hindi ko pinagtaniman ng galit ang pagkalamang sakin ni Monica pagdating sa ganitong mga labanan . Sa totoo lang ay mas natutuwa pa ko dahil sa tagumpay na tinatamasa niya
Paglabas ni Sir Apollo ay kanya kanya nang usap usapan ang mga kaklase namin tungkol sa patimpalak na iyon
Agad kaming nag-usap kahit hindi bukal sa loob namin ay ipagpapatuloy pa din namin para sa patimpalak na ito.
-
Third Person's POV
krriiiinggggg krriiiinggggg
"Everything happen according to the plan" bungad nito sa taong sumagot ng tawag na prenteng nakaupo sa isang mamahaling sofa habang umiinom ng isang mamahaling inumin .
"It's great,But do you know the backgrounds of their families, huh?" tugon naman ng babae sa matandang lalaki na kausap nito .
"Huh ? I don't care how powerful they are . I will crashed them into piesces" muling lintanya nito habang mababakas ang disgusto sa mukha .
"Haha,You're clever but what we will do to Alice? I bet she know something " papuri nito na nasundan ng isa pang tanong na nagpapagulo sa sitwasyon
"If She spill something,Sunrays will never touch her skin" sagot naman nito habang nakangiti ng nakakaloko na nasundan ng isang halakhak na ikinatakot naman ng babaemg kausap nito sa kabilang linya.
Walang pakundangan nitong ibinaba ang tawag at tumayo sa kinauupuan nito .
Muling nahagip ng mata nito ang isang litratong nakapatong sa isang lamesita .
Agad itong lumapit at hinaplos ang pisngi ng nasa larawan na pawang nahahawakan niya ito
"Anak,Maipaghihiganti na kita . Ang lahat ng pangyayari ay nasusunod sa plano ko. Maipaghihiganti na muli kita . Kung hindi ka niya naipagtanggol pwes ako ang gagawa" lintanya nito habang nagsisimulang tumulo ang luha sa magkabilang pisngi .
Naisuntok nito ang nakayukom na kamao sa pader na kaharap lamang ng lamesita na pinagpapatungan ng litrato . Agad tumulo ang masaganana nitong dugo samantalang ang iba naman ay tumalsik sa Amerikanong suot nito .
Sa labas naman ng kwarto nito ay napadaan ang isang dalaga . Rinig na rinig na naman nito ang mga hagulgol ng amo niya
Iniisip nito na marahil ay tungkol na naman ito sa anak niya .
Ipinapatay ng sindikato ang anak niya dahil sa pagkaganid ng mga ito sa pera . Lalong nagpayaman ang amo nito upang maipaghiganti ang kanyang anak na hindi man lang ginawan ng paraan ng mga magulang nito upang maisalba
Naikwento din sa kanya na kahit sa mismong libing ay hindi ito nakita . Tanging pag iyak ng tahimik malayo sa paglilibingan ng anak niya ng araw na iyon ang pwede niyang gawin sapagkat wala dapat makaalam ng isang pagtataksil alinsunod sa utos ng nanay ng namatay niyang anak .
Isang sikreto na pilit ibinabaon sa limot na alam niyang gagamitin nito upang makapaghiganti .
Muling napabalik ito sa kanyang pokus nang marinig na magsalita sa loob ng silid ang kanyang amo
"Let's see then how those bitch with a class" crashed each other."
mga salitang nagpataas ng balahibo niya . Dahil sa takot ay dali dali itong umalis at nagtungo sa mismong kwarto nito . Kailangan niya ng pahinga para sa bagong araw . Araw ng pagpapanggap
✂-------------------------------------------------------------------------------
A/N:: Yeahh ano kayang mangyayari ? Hahahahaha kung inanalyze niyo yung mga last chapters malalaman niyo kung sino yung tinutukoy dito . Sino kaya yung lalaki ? Sino kaya yung babae? Sino ang kaibigan? This Chapter is dedicated to ate Alesana Marie .The writer of Talk back ang you're Dead and Never talk back to a gangster and etc Check her wattpad account ang gaganda ng stories niya . Lagi kong inaabangan update niya . Whahaha . Ge. Ciao . Vote•Comment
CHECK MY WATTPAD PROFILE FOR 1SHOT STORIES .
-fmijastia
BINABASA MO ANG
There's no turning back (Editing)
Roman pour AdolescentsThis is the art of sacrificing things for someone you protect to . Do you think They should continue this story or They should walk in their separate ways ? Judging without Knowing is the biggest mistake we will make . Find your answers in There'...