Bakit Masarap Pag-usapan Ang Love?

44 0 0
                                    

Bakit nga ba kapag usapang pag-ibig ay marami ang interesado? At bakit hindi nakaka-bore ang mga discussion tungkol sa love? Siguro dahil ‘love’ ang topic kung saan napakaraming nakakarelate. Ganun kasi tayo. Kapag relate na relate sa napag-uusapan, aktibo. Tango ng tango tapos may mga katagang ‘I feel you’ at ‘relate much’ pang binibitiwan.

At siyempre, kapag usapang pag-ibig na, lumalabas ang mga love guru o love advisers. Sila yung mga taong kapupulutan ng mga aral tungkol sa pag-ibig at mga bagay na kadugtong nito. Andyan sina DJ Cha-Cha, Papa Jack, Marcelo Santos lll, Ramon Bautista o yung kaibigan mong animo nahubog na ng panahon at karanasan sa buhay sa galing magbigay ng payo.

Pero aminin mo, minsan kahit alam mo na ang dapat gawin, kahit alam mo na ang solusyon, humihingi ka padin ng payo. Normal lang yan. Siguro gusto mo lang ng may kausap, may kakampi o may taong nakakarelate ika nga sayo.

What is love? Ito yung tanong na mababasa mo kapag pinasagot ka ng kaklase mo sa slumbook niya. At ang isinagot mo? Ang walang kamatayang “Love is blind” na kinopya mo lang sa unang sumagot dahil wala ka namang alam tungkol sa love , dahil grade 3 ka pa lang naman. Odiba? Bata pa lang ay exposed na tayo sa bagay na iyan.

Nagsisimula sa larong taya-taya-an, hanggang sa mag-aaminan kung sino ang crush mo sa mga kalaro, at pagkatapos ang aasarin na kayo ng mga kaklase ninyo at ipapag-pair hanggang makagraduate ng grade school. At sa high school mo naman madidiscubre ang iba’t-ibang endearment gaya ng beh, babe, baby, honey, sugarpie, cupcake, ice cream, fries, spaghetti, burger, chicken, pizza, lasagna o kung anu-ano pang pagkain na nakakagutom lang kapag naririnig mo.

Sa high school din maraming nako-confuse sa crush at love. Yung tipong paulan ka na ng paulan sakanya ng ‘I love you so much’ nun pala napopogian/nagagandahan ka lang sakanya.

Dahil bata ka pa at hindi mo pa alam ang mas malalim na kaibahan ng crush at love.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Masarap Pag-usapan Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon