Pearl harbor

28 2 0
                                    

Kakatapos ko lang panuorin yung movie na pearl harbor. It touched my heart that it hurts so much. Nasaktan ako sa ending, sa climax. Namatay si Danny.

Hindi ko maexplain kung bakit ba sobrang affected ako sa movie. Kung bakit ako naiyak ng sobra..

Ang sakit kasi na wala ka nang ibang choice kung hindi ang mamatay na lang. Sa gyera. Sa laban.

Yung gusto mo pang mabuhay para sa minamahal mo, para sa nagmamahal sayo. Pero wala nang ibang paraan pa mabuhay..

Sa gera, kung hindi ka papatay, ikaw ang papatayin. Kung hindi ka lalaban ikaw ang kawawa.

Pero bakit ba kasi may gera pa? Bakit ba may mga taong hindi madaan sa maayos na pag-uusap? Masakit kaya mawalan ng mahal sa buhay. Masakit maghintay tapos ang darating ay bangkay na lang. Hindi ba naiisip ng mga pumapatay yon? Hindi ba nila naiisip na pwedeng mangyari yon sa kapamilya nila. Na paano kapag sila na ang mawala, pano yung anak nila, asawa, kapatid, o magulang na nag-aalala para sa kanila?

Yeah. Alam ko namang sinusunod lang nila ang orders mula sa nkakataas sa kanila. Pero iyon nga, yung mga nag-uutos. Yung mga nagsisimula ng laban. Yung pinaguugatan ng patayan. Gantihan. Bakit kailangan pang mangyari iyon?

Naisip ko, ano bang dahilan ng Japan para ambushin ang America eh, nakikipag-ayos na nga ang America sa kanila. Hindi ko kasi maalala sa lesson namin yan noon eh. Dahil ba sa may world war II? That's crap. Bakit di na lang nila tinanggap ang peace offering ng America? Ego? Pride? Bullshit.

After kong panuorin yung pearl harbor, naisip ko yung Fallen 44 SAF troopers. Parang ganun eh. Sinacrifice din nila buhay nila for their country. For their home. Kahit alam nilang delikado, kahit alam nilang matataya yung buhay nila, ginawa pa rin nila ang trabaho nila. They are heroes indeed.

Hay.

Ang sakit talaga sa puso ng pearl harbor. Ramdam ko yung sakit para kila rafe at evelyn eh.

I pray for peace. World peace.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon