Stranghero
Isang Madilim...
Malamig..
Masikip na eskinita...
May isang babae akong nakita. Dinig na dinig ko ang maliliit niyang iyak. Iyak na parang isang nagdadalamhati na tao. Iyak na parang gaya ko ay may nawawala sa kaniya.
Sinubukan kong hawakan ito pero mabilis na itong nakatakbo..palayo sa akin.
"Miss!" Tawag ko dito pero parang wala siyang naririnig.
Sinundan ko ang kaniyang landas. Pero iba na siya sa aking pinanggalingan. Isa itong paraiso. Maliwanag. Maganda at Kay sarap ng simoy ng hangin.
"Asan na ba ang babae?" Bulong ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Isang tinig ang gumulat sa akin.
"Sino ka?" Tanong ko. Hindi siya yung babaeng nakita ko kanina. Pero para siyang anghel sa langit. Maganda at matangos ang kaniyang ilong.
"Hindi ba ako dapat ang magtanong niyan saiyo ginoo?" Mahinhin niyang sabi. Kay gandang pakinggan ang kaniyang boses na parang nageecho pa sa tenga ko.
"Patawad. Ngunit napadpad lamang ako dito dahil sa babaeng sinusundan ko"
"At bakit mo siya sinusundan gayung hindi mo naman siya kilala" natahimik ako. Mali ngang sinundan ko ito dahil hindi ko naman ito kilala. Pero may kung anong bagay ang humihila sa akin at nagdadala sa babaeng iyon. "Kita kong naguguluhan ka ginoo. Iniisip mo bang ang iyong kasintahan ang babaeng iyon?"
Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko alam kung iyon ang tingin ko kaya ko ito sinundan pero yung pakiramdam nung nakita ko siya ay tulad ng pakiramdam na nararamdaman ko sa tuwing nakikita kong umiiyak si Lein.
"Hindi siya ang taong iyon. Ginugulo ka lamang ng isip at puso mo dahil hanggang ngayon ay nangungulila ka parin sa kaniya hindi ba?" Tumango ako. Totoo naman ang sinabi niya. " Iba talaga magmahal ang mga tao. Gagawin ang lahat para sa minamahal. Pero hindi makakabuti ang ginagawa mo. Sinisira mo ang galaw ng utak mo at ang tibok ng puso mo dahil sa emosyonal mong damdamin. Kung naniniwala ka sa sinasabi ng iba Everythings happen for a reason manalig ka. Dahil tiyak makakamit mo yung para sa iyo.
Manalig ka...
Manalig ka...
Manalig ka...
"Miss! Wait lang..ano pong ibig niyong sabihin?" Nakangiti lang siya.
"Miss!"
"Miss!"
Napabalikwas ako ng bangon. It was a dream. Pero parang totoo e.
"Anak..what happened?" Nagaalalang tanong ni mom pagkapasok sa kwarto ko.
"Nothing mom. It was a nightmare. Ok na po ako" bakas parin ang pagaalala sa mukha niya kaya hinawakan ko ito.
"Umakyat ako dito dahil magpapasama daw si Steve mamili para sa magiging baby nila. Hindi ka ba naiinggit dahil halos lahat na sila may asawa't anak na?" Tanong niya.
"Hindi po..masaya akong makita silang masaya. And wala pa akong plano to settle down." Natatawang sabi ko.
"Sayang gusto ko pa naman magkaapo. Matanda na si mommy. I need--we need a grandchild son" malungkot na aniya.
"Soon mom. When everything is ok"
"Sige na at nagaantay si Steve sa baba" tumango ako at dumiretso sa cr.
"Bro...ikaw na lang kaya ang bumili? Ito yung listahan. May urgent kasing kailangan gawin." Bungad niya pagkababa ko.
"What? Maybe some other time nalang tayo mamili?" Suggestion ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Matchmaker and Mr. Heartbreaker
Teen FictionIsang taong naging tulay para sa mga taong naghahanap ng isang tunay na pagmamahal. Isang tao na walang ginawa kung hindi saktan at ibasura ang dapat ay nasa totoo nitong tadhana? Isang tao na walang ibang ginawa kung hindi bigyan ng kasiyahan ang...