Fell in Love at Fall

27 1 1
                                    

PROLOGUE:

I was still nine years old and it was fall nung pumunta kami sa Matsue para magbakasyon.. at the same time, sumama kami kay Dad para sa isang business trip. Bumaba kami sa isang park na may katabing ilog, ang Shinji Lake. Gusto kasi ni Dad magpahinga saglit sa lugar na yun dahil na rin sa pagkakaupo sa matagal na biyahe.

Right after naming bumaba ng kotse.. I heard a little angelic voice coming from the lake’s direction. Di ako nagpaalam sa parents ko at sinundan ang  boses na iyon. I was relaxed because of that voice..

As soon as I reached the lake, I saw a little girl.. Probably at the same age as mine.. Mahaba ang buhok nya at natatakpan ang maliit nyang mukha. She was standing right beside the lake. She is singing a Japanese Traditional song titled “Momiji”, meaning, “Autumn Colors”.

She is singing like there’s no other people around her. Her voice was like magic. It took all the fatigue and stress from my body. It feels like that voice really touched my heart.. Natulala ako nang dahil sa kantang iyon. Habang patuloy sya sa pag-awit ay lalo akong nawawala sa sarili. Ganun na lamang kaganda ang boses nya.

Bagay na bagay sa season ang kanta nya. Habang nalalaglag ang mga pulang dahon sa puno sa paligid at dumadampi sa sahig at tubig sa ilog ay madadama mo ang kagandahan ng boses ng batang babaing iyon..

Nang matapos sya ay ngumiti sya sa harap ng ilog habang ang mga kamay nya ay nasa kanyang dibdib. Nang humangin ng malakas, ang mahabang buhok nya ay naalis sa pagkakaharang sa mukha nya.. Nasulyapan ko saglit ang hitsura nya.. Mukha syang anghel.. Bagay na bagay ang mukha nya sa kanyang mala-anghel na boses..

Napaka sarap nyang titigan mula sa kinalalagyan ko.. Tila tumigil ang oras ko nung mga panahong iyon..  Bagay na bagay rin ang season sakanya..

Umalis na sya doon at tumakbo palayo nang may nakita syang lalaki na papalapit sakanya..

Tinangka ko syang habulin ngunit tinawag na ako ni Papa at pinabalik sa kotse.. Hinabol ko nalang ng tingin ang batang babae hanggang sa mawala na ito..

Nang dahil sa babaeng yun, naging makulay ang Fall ko..

Simula nang makita ko yung batang iyon, taun-taon ang pagbabalik ko sa lugar na iyon. Umaasang makikilala at makikita ko ang batang babaeng nagpatibok at nagpaantig sa puso ko nang dahil sa tinig nya.. Nakaramdam ako ng bagay na di ko pa nararamdaman noon..

Dahil sakanya.. Minahal ko ang musika.. Umaasa ako na ang musika ang magdadala sakin sa batang babaeng iyon.

Kailan ko kaya sya muling makikita?

Pero habang tumatagal ang panahon, parang panaginip na lamang iyon.. Pero gusto ko talaga syang makilala para magpasalamat at ipinakilala nya ang musika sa buhay ko..

Pero.. napaka imposible talaga dahil di ko matandaan ang hitsura nya.. 

~

The song sang by the little girl is in the media corner. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fell in Love at FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon