Jenica's POV
"Doc. please! Save him!"
Pakiusap ko sa doctor nang makarating kami sa ospital. Naupo ako sa isa sa mga upan sa tapat ng emergency room. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawang palad ko at umiyak ng umiyak.
I never thought that this is happening to us right now. Hindi ko naman ginusto to. Oo, nung nakita ko ulit siya, nakaramdam ako ng galit lalo na nang makita ko na masaya na siya, kasama si kaye at magkaka-baby na sila, pero nung nakita ko siya kanina, at ngayong naiisip ko na pwede siyang mawala sa isang iglap lang. Narealize ko na hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. At hanggang ngayon mahal na mahal ko pa'din siya.
Pero hindi na pwede.. He's married now. Pero kung kasal na nga siya, bakit niya pa'ko hahabulin? Bakit niya gustong magkabalikan kami ulit? At tsaka nakita na ng dalawang mata ko, masaya na siya at magkakaanak na sila ni kaye.
"Jenica! Anong nangyari?!"
Nakita ko si shaira na patakbong pumunta sa'kin. Agad naman niya kong niyakap.
"Shai.. Natatakot ako.."
"Shhh... Magiging okay din siya."
Naupo na kami at naghintay, magdadalawang oras na pero hindi pa'din lumalabas yung doctor. Mas lalong nadagdagan ang takot ko.
"Shai.. Hindi ko kayang mawala siya.."
Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa.
"Sa wakas.. Inamin mo na rin." Sabi niya sabay buntong ng hininga.
"Oo. Mahal na mahal ko siya pero hindi na pwede. May anak na sila ni kaye."
Nagsimula na'kong humikbi at patuloy parin ang pag-aalo sa'kin ni shaira.
"Ang hirap sa'yo, hindi ka nagtatanong.."
I look at shaira. I'm puzzled, what does she means?
"Alam mo jenica, sa totoo lang ang selfish mo. Nung umalis ka, wala kang ibang inisip kundi ang sarili mo.."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit lumalabas sa bibig niya ang mga salitang iyan? Hindi siya nakakatulong..
"Iyon ang totoo jenica, nung mga panahon na iniwan mo si kent, naitanong mo ba sa sarili mo kung ano rin kayang nararamdaman niya?"
Naiyukom ko ang mga palad ko. Naiinis ako. Kung sino pa yung mga taong akala ko nakakaintindi sa'kin, siya pa yung manghuhusga sa'kin.
"Hindi mo man lang siya tinanong jenica. Hindi mo man lang siya binigyan ng panahon makapagpaliwanag, hindi mo man lang sinubukang intindihin yung sitwasyon, hindi mo siya inintindi-----"
Agad kong pinadapo ang palad ko sa pisngi niya. Nakakagalit!
"Shaira! Sinaktan niya ko! Alam mo yun! Nung mga panahon na lugmok na lugmok ako sa sakit na ginawa niya, nandun ka. Alam mo lahat ng pinagdaanan ko simula sa umpisa! Tapos ngayon, huhusgahan mo ko na parang hindi mo kilala! HOW DARE YOU?!"
Naiyukom ko na naman ang mga palad ko nang magsalita na naman siya. Ano bang problema niya?
"Kung gusto mong magkabalikan ulit kayo, isipin mo rin ang nararamdaman niya, mag-isip ka nga! Kung talagang kasal na sila ni kaye, bakit ka pa niya hahabulin at pagtitiisan lahat ng mga masasakit na salitang sinabi mo sa kanya? Hindi niya ginagawa iyon para sa wala, ginagawa niya dahil mahal ka niya. Sana naman magising kana jenica, wag yung puro ikaw na lang! Isipin mo rin naman siya."
Tama siya. May point nga siya, but I don't need her opinion. All I need is friend. Tinalikuran ko siya at tsaka pinunasan ang mga luha ko.
"Umalis kana. Kaibigan ang kailangan ko at hindi yang mga panghuhusga mo."
BINABASA MO ANG
The Cold-hearted One
Short StoryHow can I turn everything back the way it used to be, if He became the cold-hearted one? -Jenica Louise Anderson