chapter 3

53 3 0
                                    

KEILY was in a deep sleep when she heard someone knocking on her door. Tamad syang nag mulat ng kanyang mga mata saka napahilamos.

"Who's that?" Inaantok nyang tanong.

"Keily, it's your mom. Open your door may ipapakita ako sayo." Sabi ng kanyang ina kaya napakamot sya sa ulo. Tamad syang tumayo saka binuksan ang pinto saka hinayaang pumasok ang kanyang ina. Bumalik sya sa kama saka naupo roon.

Kinuha ng kanyang ina ang isang itim na backless lace mula sa paper bag na dala ng kanyang ina. Iniabot sa kanya ito kaya nag tataka nyang kinuha iyon.

"What I'm going to do with this dress?" Tanong nya.

"Yan ang susuutin mo tonight. We want you to look presentable in front of Mr. Lewis." Masayang sabi ng kanyang ina.

"Mom, you think na magiging presentable ako sa harapan nung Mr. Lewis na yun using this backless?" Di makapaniwalang tanong nya, tumango lamang ang kanyang ina. "Mom, your so unbelievable. Hindi ko susuutin to. Mas marami pang dress ang pwede kong gamitin para lang maging presentable, but not this one." Sabi nya na nag panguso sa kanyang ina.

"Anak, please naman oh. Kahit ngayong gabi lang please!" Pag pupumilit ng kanyang ina kaya napabuntong hininga sya dahil hindi sya nito titigilan hanggang hindi sya pumapayag sa nais o gusto nito.

"Fine mom. Pero sana naman next time, wait for me to woke up. Hindi naman pala ganun kaimportante tong ipapakita mo sakin tapos kung makagising ka sakin parang napaka halaga ng ipapakita mo." Pag mamaktol nya kaya natawa ang kanyang ina.

"I'm sorry anak, sadyang excited lang ako. Kasi malay ba namin kung sya na yung papalit sa balasubas mong ex fiancée diba?" Sabi nito saka sya kinindatan kaya biglang umasim ang kanyang mukha dahil sa sinabi nito.

"Mom? Seriously?" Di makapaniwalang sabi nya. Kinurot sya nito sa kanyang pisngi bago ito tumayo saka iniwan sya sa kanyang kwarto.

Napatitig sya sa backless na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Napailing nalang sya habang pinag mamasdan iyon. Tumayo sya saka pumasok sa banyo para isukat iyon, pagkasuot nya agad nyang tinignan ang kanyang sarili sa salamin.

Bumagay ito sa kanya dahil sa kanyang maputing kutis, napangiti nalang sya dahil dun. Hinubad nya iyon saka muling isinuot ang kanyang pantulog na suot kani-kanina lamang. Bumalik sya sa kama saka nahiga. Itinabi nya sa kanyang tabi ang damit saka muling natulog.

~~~

ALAS dose na ng tanghali ng muling magising si Keily. Tumayo na sya saka inayos ang kanyang kama saka pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos nyang maligo, agad syang nag suot ng croptop na pinarisan nya ng highwaisted na denim shorts. Inayos nya ang kanyang sarili bago sya lumabas ng kanyang kwarto. Dumeretso sya sa kanilang dinning area dahil paniguradong naroon na ang kanyang mga magulang.

"Our daughter is beautiful, she's also kind. Kaya hindi imposibleng magustuhan sya ng mga Lewis." Rinig nyang sabi ng kanyang ama.

"I know hon. But we can't force her, may sarili syang puso at isip. We can't control her life. Hayaan nalang natin syang sya mismo ang makahanap ng tamang tao na makakasama nya in her whole entire life gaya ng saatin." Sagot naman ng kanyang ina kaya di nya napigilan ang kanyang sariling mapangiti.

"You're right hon." Nakangiting sagot naman ng kanyang ama kaya tumikhim sya dahilan para bumaling ang tingin ng mga ito sa kanya. Naupo sya sa upuan bago sya nag salita.

"Ang aga aga dad mom ah? Nag lalambingan nanaman kayo." Natatawang biro nya sa mga ito kaya tumawa pareho ang kanyang mga magulang.

"You should be like us in the future anak. Nag aaway man kami ng daddy mo pero hindi nagiging sapat na dahilan yun para putulin namin ang pag iibigan namin ng daddy mo." Nakangiting sabi ng kanyang ina.

HIDDEN AFFAIR (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon