"Ito 'cher Shei, paglagyan mo ng mga 'yan."
"Salamat po, 'cher Riza." Kinuha ko ang inaabot nitong eco-bag. Katatapos lang ng Christmas Party ng mga bata ngayon at kaya ako binigyan ni 'cher ng bag kasi ang dami kong nakuhang gifts mula sa mga bata!
Noong una, nag-aalangan akong tanggapin kasi alam kong bawal. Pero sabi ni teacher Riza, hindi pa naman daw ako official na teacher ng school kaya walang magiging problema. Isa pa, tuwing pasko lang daw nag-a-allow ang school ng mga ganito (gifts). May limitation pa rin syempre kasi bawal ang pera, alahas, o sobrang mahal na gamit na magmumukhang suhol kapag binigay sa teacher.
"May kasunod pa 'yan, sa Valentines," natingin ako kay teacher Riza sa sinabi nito. Nag-aayos din ito ng mga regalong nakuha niya. Sobrang dami nga kasi maski mga dati niyang estudyante, nagbigay sa kanya.
"Valentines po?"
"Oo, uulanin tayo ng chocolates at flowers! Kahit single, hindi mo madadama." Natawa ako sa sinabi nito.
"Pero akala ko po kapag pasko lang pwedeng tumanggap ng regalo?" 'yon kasi ang sabi niya.
"Oo, 'yong mga bag, damit, etc. Pero kapag Valentines naman kasi puro chocolates lang kaya walang problema."
Napatango tango ako sa sinabi nito. Pinagpatuloy namin ang pag-aayos ng mga regalong nakuha namin. Matapos 'yon, nilinis na rin namin 'yong mga natira pang kalat mula sa party kanina.
Saktong pagkatapos naming maglinis, kinatok kami ng adviser mula sa kabilang room. Pinapapunta kami sa canteen para sabay sabay kaming kumain ng mga pagkaing inihanda ng PTA para sa mga teachers, admin, at iba pang staff.
Pagkapasok namin sa may canteen, agad akong napahinto nang may mahagip ang mga mata ko. Saktong pagtitig ko rito ay siyang tingin naman niya sa direksyong kung nasaan ako.
"Shei!" isang malaking ngiti ang binalandra ni Yam habang naglalakad ito papalapit sa'kin.
"Hi," bati ko rito nang makalapit na 'to sa'kin.
"Merry Christmas!" nagulat pa ko nang yakapin ako nito, sobrang saglit lang naman at hindi rin naman gano'n kahigpit.
"Merry Christmas," bati ko rito pabalik. Napabaling ang tingin ko sa taong nakatayo sa likuran nito.
"Merry Christmas, Baro." Sinundan ko pa ng isang ngiti ang pagbati ko rito.
Tumango 'to sa'kin, "Merry Christmas." Napatingin ako sa pinggang inabot nito sa'kin. May kasama na itong kutsara't tinidor. "Let's eat."
"Salamat," muli, napangiti ako nito. Tinuro nilang dalawa kung saan ang pinaka huli nang pila para sa pagkain. Nakapila kasi para hindi magulo.
Bigla akong napalingon sa may likuran ko nang maalala ko si teacher Riza. Nakalimutan kong kasama ko nga pala siya!
BINABASA MO ANG
Girl Version of a Torpe
RomanceSeries #2 Sheila Ly Koleens is the NBSB of the group. Though she lacks 'relationship experiences', her heart is full of 'crushes'! She is a hopeless romantic and will turn a man's simple gesture into a big deal as if the other party has feelings for...