Chapter 14

18 4 2
                                    

The Girl Version of a Torpe - Chapter 14


"Clap your hands for teacher Shei!" Napangiti ako nang may kasamang marahang buntong hininga.


"Thank you, class! Thank you, teachers!" Nakangiti pa ring pasasalamat ko.


Ilang segundo lang at natigil na rin ang palakpakan. Nagsimula akong magtanggal ng mga teaching materials na nakadikit sa board. Tinulungan naman ako ng dalawa ko pang kasamang student teacher sa paglilinis ng ibang materials na nasa table. Si teacher Riza naman ang nag-asikaso sa mga bata.


Ngayong araw ang final demo namin. Ako ang panghuli sa aming tatlo. Sa awa ng Diyos, maayos ko namang nairaos 'yong demo. I think?


"Teacher Shei," napatingin ako sa may likurang bahagi ng silid. Nandoon 'yong mga nag-observe sa'min. Lahat ng preschool teacher (tatlo sila kasama si Teacher Riza), 'yong school principal, at 'yong adviser namin.


Iyong adviser pala namin ang tumawag sa'kin, tinanguan ako nito na para bang sinesenyasan akong lumapit.


"Sige na, punta ka na do'n. Kami na bahala sa materials mo. Lalagay na lang namin sa eco bag mo," tinanguan ko 'yong kaklase ko. Nagpasalamat ako at mabilis na naglakad sa may likuran.


"Kuhanin mo 'yong upuan," kinuha ko 'yong bakanteng upuan na inuupuan ni Teacher Riza kanina. Napansin kong 'yong dalawa pang adviser ng preschool ay tinulungan na si Teacher Riza sa mga bata. Pinapakain lang ng snacks. Tapos after nito ang alam ko papauwin na rin kasi special class lang sila today para sa final demo namin.


Inilagay ko 'yong upuang kinuha ko sa harapan ng school principal at adviser namin. Silang dalawa ang magbibigay ng feedbacks sa'kin.


"First of all, congratulations. Kitang kita ang mastery mo sa lesson," napangiti naman ako sa sinabi ng adviser namin.


"Thank you po," mahinang sabi ko. Sa totoo lang kinakabahan kami sa kanya kasi ilang beses na kaming nag-demo sa kanya noon mula freshmen year at talagang napaka terror. Pero kanina, talagang parang invincible lang siya habang nag-dedemo ako—kami.


"Okay, simulan muna natin sa good points. Ako muna tapos si Ma'am naman after," tinuro nito 'yong school principal namin. Matipid na ngiti lang ang sinagot ko at isang marahang tango.


Di naman super haba ng feedback. Para ngang kinolekta lang nila 'yong feedbacks ng mga teachers. May mga need to improve sa materials pero mas marami ang good points.


"Congratulations, finally done with the final demo," nakangiting pagbati ng principal sa'kin. Isang malaking ngiti ang ginanti.


"Salamat po," tumingin din ako sa adviser naming nakangiti rin sakin, "Maraming salamat po."


Matapos kong magpasalamat, tinanong ko kung pwede ko na kong mag-excuse para matulungan 'yong mga kasama ko. Tinanguan naman nila ko.

Girl Version of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon