MY WIFE ASKED ME TO DATE ANOTHER WOMAN
After 5 years of marriage, my wife asked me to take another woman out to dinner and a movie.
"Mahal kita, pero alam kong mas mahal mo siya. And I know you will be very happy to spend time with her." she said, then smile.
Tulad ng sinabi niya after kong lumabas sa office ko ay agad akong bumisita sa bahay ng babaeng una kong minahal kaysa sa asawa kong si Marideth.
"Jacob, what are you doing here?" she asked, confused.
"Can we go for a date? I'll pick you up tomorrow 5:00 PM," I responded.
Nagulat ma'y napangiti ito saka tumango. Matapos nang usapan namin ay agad na akong umuwi. Masyadong toxic sa trabaho at kailangan ko nang umuwi para makapagpahinga.
"Hon, ayos na ba?" bungad sa akin ni Marideth. Batid ko ang date ko bukas ang tinatanong nito.
Simple akong tumango. "Yes." Ngumiti ito sa narinig. Hinalikan ko ito sa pisngi saka ako dumeretso sa aming kwarto. I need to take a bath, masyado akong amoy-pawis.
Kinaumagahan ay hindi ako pumasok. Pumunta ako sa mall na malapit lamang sa village namin upang mamili ng susuotin. Kung tutuusin ay hindi na dapat ako bumili pero ang kulit-kulit ng asawa ko, kailangan daw.
"Jacob, bagay ito sa'yo, hon," ani nito sa malambing na boses.
Tinanguan ko lamang ito upang bayaran na agad namin. I still don't know why she asked me to date that woman. Hindi ko makapa ang rason. Gusto kong magtanong ngunit hindi ko magawa dahil hindi ko man sabihin kay Marideth ang katotohanang gustong-gusto ko rin makasama ang babaeng iyon. Matapos kasi ng aming kasal ng aking asawa ay iniwan ko siya, naging busy rin ako sa pagtatrabaho kungkaya't hindi ko na siya nabigyan ng maraming oras.
"Ready?" nakangiting tanong ni Marideth habang inaayos ang kwelyo ng aking bagong biling polo.
Tumango ako saka ngumiti, gwapong-gwapo sa suot. "Are you sure hindi ka sasama? Pwed-"
"I'm sure, hon. Gusto kong sumaya kayong dalawa." walang bahid ng selos o kung ano pa man ang boses niya.
Nang sumapit ang alas sinco ay hinalikan ko si Marideth sa labi saka nagpaalam. Then I drove over to pick her up. When I arrived at her place, I noticed that she's nervous too. Agad akong namangha sa kagandahang tinataglay niya. She's really a beauty. She had curled her hair and was wearing a white dress. Hapid iyon sa kaniyang katawan at sakto lamang ang haba.
"I'm so excited to spend time with you..." mahihimigan ang kaba sa kaniyang boses.
Nilingon ko siya at nginitian. Marahil sa tagal naming hindi nagsama ay naiilang na siya sa akin. Mabilis naming narating ang favorite naming restaurant. Naagaw agad namin ang atensyon ng iba, lalo na nang pinaangkla niya ang aming mga braso. Ang iba ay nagsimula nang magbulung-bulungan. Tss.
Nang maiabot sa amin ang menu ay nilingon ko agad siya. Nakayuko ito at doon ko napansing hindi nito gamit ang laging suot na eyeglass. Bumuntong-hininga ako. Tulad dati ay in-order ko ang paborito naming mga pagkain.
"How's your life with Marideth?" she said.
"Masaya," I responded.
Ngumiti naman ito saka inabot ang aking kamay. "I missed you,"
"I missed you too."
While waiting we had an agreeable conversation--- nothing extraordinary but catching up on our recent event of each other's life. Sa dami nang napag-usapan namin ay hindi na namin naabutan ang movie.
Nang maihatid ko siya sa kaniyang bahay ay may sinabi pa ito. "I'll go out with you again, pero dapat ako na ang mang-iimbita."
Nangiti naman ako. "Sure,"
Nakipagtanguan lamang kami sa isa't isa bago siya tuluyang pumasok sa kaniyang bahay. Hindi nawala ang ngiti ko hanggang sa bahay. Na-miss ko ang makasama siya.
"How's your date?" hindi ko inaasahang makikita ko sa sofa ang aking asawa sa ganitong oras.
Umupo ako sa couch, sa tabi niya. "Ang saya, hon, thankyou." malambing na sabi ko saka inihilig sa kaniyang braso ang aking ulo.
Hinaplos nito ang aking pisngi, naramdaman kong ngumiti ito. "Buti naman."
After nang dinner-date namin ay naging busy ako sa trabaho. Naging masyadong toxic ang mga araw sa company to the point hindi na ako nakakain ng dalawang beses sa isang araw at dalawa hangga't tatlong oras na lang ang tulog ko. Pero sa kabila ng ka-busy-han ay hindi nawala sa aking isip ang napag-usapan namin. Kaya ko minamadali na matapos ang mga trabaho ko para masigurado kong makakapunta ako sa next date namin.
"Hon, tatapusin ko muna 'to, mauna ka na matulog." sabi ko habang iniisa-isang basahin ang mga report.
"Alas dos na ng madaling araw, matulog ka na, Jacob!"
"Hon, kailangan kong matapos 'to para ma-sure kong makakapunta ako sa date nami-" hindi ko natapos ang sasabihin nang lumungkot ang mukha nito. "Mari-"
"It's okay, please naman, Jacob, 'wag mong patayin ang sarili mo sa trabaho. Goodnight."
Wala na akong nagawa nang talikuran ako nito. Napapabuntong-hininga kong tinapos ang lahat ng gawain. Tulad dati, isang oras lang ang naging tulog ko. Nang kinaumagahan ay dumeretso ako sa banyo upang maligo, at paglabas ko sa kusina ay nakahanda na ang breakfast.
"Marideth?"
Nakailang tawag na ako ngunit hindi ako sinasagot nito. Tinapos ko ang pagkain at maghahanda na sana sa pag-alis nang pumasok siya. Tila siya wala sa sarili.
Agad ko siyang nilapitan. "Are you okay?"
"J-Jacob..." nagsituluan ang mga luha niya. Nanginginig ang mga kamay niyang iniabot sa akin ang isang sobre.
Tila ako pinagsakluban ng langit at lupa nang mabasa ang nilalaman no'n. S-She's gone... Inatake siya sa puso.
May isa pang sulat ang hindi ko nababasa. Nanghihina ma'y pinilit ko pa rin itong basahin.
'Dear, Jacob.
I know kapag nakarating ito sayo wala na ako. May two invitations dito, isa para sa'yo at isa para sa asawa mo. I'm sorry kung hindi ko natupad ang promise kong tayong dalawa ulit ang magde-date. I love you, son.'
Tumulo ng tumulo ang luha ko. My mom is gone...
"I-I'm sorry, hon, but ayaw niyang ipasabing may t-taning na ang b-buhay niya." ani ni Marideth saka ako niyakap.
My wife asked me to go out and spend time with my mother kasi alam na pala nilang mawawala na siya. And I'm here, nagsisisi dahil sa huling sandaling kasama ko siya hindi ko man lang nasabing mahal ko siya. Damn it!
My m-mother...s-she's gone.
---
Spend time with your family, friends, or love of your life dahil hindi natin alam kung kailan sila kukunin sa atin ng nasa itaas.
---
Wattpad: @XianelWrites
YOU ARE READING
One Shot Stories (COMPILATION)
General FictionMy one shot stories are here. Highest Ranks: randomgenres: #6 oneshotstories: #108