Napapreno ako ng wala sa oras dahil sa mga letseng humarang sa dinadaanan ko. Nakangise ang mga ito at may dala pang mga armas. Mukhang makapagexerciseako nito ah.
"Mga Kuya, anong kailangan niyo?" Nakangite kong ani. I need to please them.
"Ikaw binibini. Ang ganda mo naman." Lumapit sa akin ang nagsalita at hinaplos ang kamay kong may hawak na renda. Parang tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa pinaggagawa niya. Gusto ko man siyang sipain pero nag-aalangan akong gawin iyon. Marami sila samantalang isa lamang ako at pagod pa ako sa biyahe.
"Heheh." Nagtitimpi kong tawa bago hinawi ng marahan ang kamay niyang nakahawak parin sa akin.
"Maari po ba akong makadaan mga Ginoo?" Magalang kong sagot. Hold your "maldita" attitude Natasha. Your life is already six feet below.
"HAHAHAHAHA" Malakas nilang tawa. Napatiim bagang ako dahil sa reaksiyon nila ngunit kalauna'y kinalma ko ang sarili sapagkat mag-isa lamang ako.
"Nagbibiro ka ata binibini."
"HAAHAHAHA sinong padadaanin?" Tanong noong mukhang hippopotamus na lider nilang humaplos sa aki. Malawak ang mga kamay nitong ibunuka at humarap sa mga kasama niya na sila inaasar ako.
"Siya daw HAHAHAHA."
"Binibining maganda, wala ka nang kawala. Masasarapan ka naman pagdating natin sa kampo bago ka namin ibenta.HAHAHAHA" Hayop to ah! Ayoko nang magtimpi!
"Anong sabi mo?!" Malakas kong sigaw at kaagad na bumaba sa kabayo. Kaagad ko siyang nilapitan at kwinetyuhan. Tinawanan lang ako ng mga kasama niya. Go lang.
"HAHAHA matapang pare!"
"Ako ang mauuna diyan mamaya!"
"HHAHAHAHA"
Kaagad kong sinapak ang lalaking nagsalita na siya raw ang mauuna sa akin. As if! Mukha naman siyang baboy! Matalim ko siyang tiningnan at sinipa sa tiyan. Napahiga ito samantalang ang mga kasama naman niya ay nakatayo lang at tila Hindi pa maiproseso ang ginawa ko sa kasamahan nila.
"Pinuno, sinipa niya ako!" Papaiyak niyang sigaw habang nakaduro sa akin. Kaagad ko siyang sinapak ulit sa mukha ng malakas. Boom! KO!
Napayuko ako kaagad dahil sa paparating na sapak na nanggagaling sa likod ko. Sinipa ko siya patalikod. Tumalsik siya sa mga kasamahan niya at kaagad na nawalan ng malay. Sumugod naman sa akin ang lima pang natitira. Hinawakan ko sa magkabilang braso ang dalawang nauunang sumugod sa akin at ibinalibag sila sa lupa. Samantala, matapos ko silang ibalibag sinipa ko naman ang dalawa pa nilang kasama. Tumalsik ang mga ito ngunit nakatayo din naman kaagad. Sabay na sumugod sa akin ang dalawang ibinalibag ko at ang isa pa nilang kasama. Suntok at sipa ang pinakawalan ko sa magkabilang direction. Minsan ay natatamaan ako ngunit iniinda ko na lamang iyon.
Kaagad kong pinatid ang dalawa at magkabilaan silang sinipa sa tiyan habang papatumaba sila. Sinapak ko naman ang isa nilang kasama sa mukha na ikinatulog nito.
'Huta! Ang titigas ng mga bungo nila!'
Napalaki ang mga mata ko nang makita kong papalapit na ang dalawang sinipa ko kanina at may mga hawak silang armas. Napapikt na lamang ako. Maybe dito na naman ako magtatapos. Lord, not now.
Napamulat ako nang mga mata nang marinig ko ang mga daing nila. May nakatusok na shuriken sa magkabila nilang braso na may hawak na armas. Napatingin ako sa kanan dahil doon galing ang patalim. Doon ko nakita ang matanda ngunit makikitaan mo parin ang lakas niya dahil sa pangangatawan nito.
"Nanggugulo na naman kayo. Umalis kayo sa harapan ko bago ko gilitan ang mga leeg niyo." Ani niya.
Kaagad namang tumayo ang dalawa pang sinipa ko sa tiyan kanina at inalalayan ang mga kasamahan nilang tulog na tumayo at umalis sa lugar na ito. Hinarap ko naman ang matanda at nagpasalamat sa pagtulong niya.
"Sumama ka sa akin." Saad niya bago tumalikod at magsimulang maglakad.
SINUNDAN ko ang matanda dahil sa hindi ko malaman na dahilan. There's something with him kung bakit hindi ako nakararamdam ng panganib.
Matapos ang mahabang lakaran nakarating narin kami sa isang malapad at mataas na bato na nababalutan ng mga halaman na bago lang sa paningin ko. Mayroon din naman mga baging doon. Hinawi niya ang mga halaman na iyon at bumungad sa amin ang isang makipot na daan. Sinusundan ko lang siya at hindi na nagbalak na magtanong.
Nanlaki ang mata ko sa natunghayan matapos naming makalabas saugar na iyon. Nasilaw pa ako sa liwanag ng araw. Bumungad sa akin ang napakalawak na taniman ng mga bulaklak na kakaiba sa paningin ko. Ang gaganda nilang tingnan. Nakaayos ang mga ito batay sa uri at kulay nila. May mga paru-paru pang masayang nagliliparan at dumadapo sa mga bulaklak. Napakapresko ng hangin at masarap sa pakiramdam ang himuyak ng mga hitik na hitik sa kulay na mga bulaklak.
Palinga-linga ako habang sinusundan ang estranghero. Lalo pang nadagdagan ang pagkamangha ko nang makita ko ang malawak na taniman ng mga cherry blossom at plum blossom na hitik din sa kulay. Sa gitna nito ang hindi gaano kalakihang bahay tulad ng mga mansion. Sakto lamang ito. Hindi malaki ngunit hindi rin naman maliit.
Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko ang mahabang talon na napapalibutan ng matatas na bato at mga ponies. Mala-kristal ang kinang ng tubig sa tuwing natatamaan ng haring-araw. May mga kung anong kumikinang pa sa likod ng tubig.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Malamig sa loob dahil sa pumapasok na sariwang hangin. Naaalala ko tuloy ang probinsiya ng mga magulang ko. Umupo ako sa silya gaya ng sabi niya. He offered a tea which I enthusiastically accepted. It tastes good.
"Sire, sino po kayo?"
"Hindi mo na ba ako nakikilala, iha?"
"Hindi po. Sino ka po?" Kunot-noo kong ani.
"Marahil hindi mo na ako naaalala sapagkat maliit ka pa lamang noong huli tayong nagkita. Ako ang maestro ng ina mo. Dito din siya nagmula. Nakalulungkot nga lang wala na siya at di na muling nakabalik pa dito." Napabuntong hininga siya matapos sabihin iyon. Napatango nalang ako bilang tugon.
"Paano po ninyo nalaman na andoon ako." Tanong ko matapos maalala ang biglaan niyang pagsulpot.
"Matagal na kitang sinusubaybayan kaya ng hiling ng ina mo noong humihinga pa siya. Matagal ding nakahiga sa higaan ang ina mo dahil sa sakit niya."
"Sakit? Anong sakit ng ina ko?"
"Alam kong pagod ka sa biyahe. Ito ang magiging kwarto mo mula ngayon. Magpahinga ka na." Alam kong may alam siya sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng ina ni Serene at pilit niya iyong iniiwasan. I need to find the truth. She's not my mom but since I'm inside Serene's body-the reason why I'm obliged to it. I owe her this second chance. If she didn't brought up Serene then I am already not existed.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasíaTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...