Jeepney

56 5 2
                                    

Sabi ng iba, ang buhay daw ay hindi karera. Hindi mo kailangan makipag-unahan. You can do it on your own pace, kumbaga. Hindi mo kailangang magmadali. Mas magandang matagal kung sigurado kesa minadali pero dehado. Kasi sa huli, finish line lang din ang patutunguhan mo.

Pero iba ang paniniwala ko. Para sa akin, ito ay parang pagsakay ng jeep sa pilahan. Kung hindi ka magmamaaga at magt-tyagang pumila ay mapag-iiwanan ka. Kung babagal-bagal, baka maunahan ka ng iba para sa pwestong dapat ay nasa iyo.

Kung may opportunity, sunggap agad! Walang patumpiktumpik. Kung may gusto ka, ikaw agad ang gumawa ng paraan para makuha mo. Kung maiwan ka ng jeep, edi habulin mo---wait, speaking of jeep. WTF!

"Manong, sandali!" agad akong tumakbo ng mapansing umaandar na ang jeep "Bonifacio po ba?" hinihingal kong tanong.

"Opo ma'am, isa na lang. Oh diyan sa kanan paayos na lang po. Kasya pa isa diyan." ani manong.

Napangiwi ako ng makita ang espasyo na sinasabi niya. Bag ko na lang ata kakasya do'n e! Wala naman akong magagawa dahil kung mag-hihintay pa ako ng panibagong jeep ay tiyak na mahuhuli na ako.

Inayos ko muna ang bag ko saka inalis ang t-square at canister na nakasabit sa kaliwang balikat bago tumungtong sa jeep.

"Aray ko, pota!" kung sinuswerte ka nga naman. Sumabit pa t-square ko sa tapakan ng jeep. Buti na lang at hindi malakas ang pagkakasabi ko.

Paano ba naman, enough lang pala ang 24 inches sa drawing table at paper, 36 pa binili ko. Sigurista e. 'Yan tuloy ako ang nahihirapan.

Umupo na ako sa cute na espasyong naroon. I put my bag on my lap so that I could fit myself to the space while hugging it with my right hand and holding the t-square and canister on the other.

Imagine the struggle, sis!

Bumaba ako sa gate 4 dahil saktong Otto Hahn na pagpasok, building for Engineering and Architecture. While walking on the hallway, my eyes widened and my heart is racing rapidly as I saw the man entering the building.

That clean cut hair, rounded glasses settling on the bridge of his pointed nose making him more handsome and intelligent, defined jaw matching his body that is toned enough to make him look mature. Kahit malayo ay alam ko kung sino 'yon.

I stopped for a while and acted like I am looking for something in my bag para hindi mahalatang hinihintay ko siya. Nang akmang malalampasan na niya ako ay naglakad na rin ako. Then, tada! Sabay na kami.

He noticed that someone is beside him kaya't nag-iwas ako ang tingin at nagkunwaring abala sa phone. May gap naman kami 'no! Medyo malayo, mga 20 inches.

"Remiary! Saan ka?" si Jen na nasa tapat ng room namin.

Napapikit ako ng mariin ng mapansing lumagpas na pala ako sa room namin. Hindi ko man lang napansin dahil sa kasabay ko. "Bobo" bulong ko sa sarili ko.

Agad akong napatingin kay Aldryx na ngayon ay kunot noong nakatingin sa akin.

"hehe, lumagpas" agad akong pumihit at pinanlakihan si Jen ng mga mata bago tumakbo papasok sa room. Hindi man lang ako pasimpleng tinawag.

Tamad akong naglalakad papuntang lower session para doon mag-abang ng jeep. Wala na akong choice dahil sa tapat ng campus gate ay puno na agad ang mga dumadaan. Ayaw ko pa naman dito dahil medyo malayo ang lalakarin.

Agad nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang nasa dulong bahagi ng jeep. Mukhang hindi naman niya ako nakita dahil naka-earphones ito at nakatuon ang atensyon sa phone.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Away By A Heartbeat (One Shot)Where stories live. Discover now