(A/N: Sobrang badtrip po ako ngayon. Huhu! Medyo badtrip sa school kaya napagisipan kong maglabas ng sama nang loob sa Watty. Joke! UD ako ngayon. Badtrip ako eh! -__-#)
Dara's POV
"Hooo. Ang init naman!" sabi ko habang ginagamit ang kaliwang kamay ko pampaypay sa mukha ko.
"Mainit ba? Maayos naman 'tong aircon ah." sabi nya habang tinatapat nya yung kamay nya na HAWAK ANG KAMAY KO sa tapat nang aircon.
Ah ewan! Kanina pa sya ganyan. Ayaw man lang bitawan yung kamay ko. Pawis na pawis na nga ata e.
Nandito kami ngayon sa kotse nya. Ihahatid nya na kasi ako pabalik sa condo namin. Kung tatanungen nyo ako sa nangyari kanina. Ay nako! Daig pa namin si Romeo - Juliet at Jack and Rose.
Hinawakan ko yung pisngi ko. Namumula na naman kasi ako habang inaalala yung mga nangyari kanina.
"Mukha ngang mainit. Namumula ka e!" panunukso nya sakin. Halata namang nangaasar lang sya.
Inirapan ko lang sya. Masama na bang kiligin ngayon? Kalma nga Dara.
"Babbit." tawag nya sakin. Ay nako! Ayan na naman. Namumula na naman ako!
"B-bakit Jiyong?" pautal utal kong sagot.
Sinamaan nya ako nang tingin. Problema nya?
"Bakit?" naguguluhan kong sagot.
"Ewan." tas binitawan nya na yung kamay ko. Hay salamat! Makakahinga na din 'tong palad ko. Ano bang problema nya?
"Uyy, problema mo?" tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo nya at nakatingin lang sa daan.
"Tss." Ayan na naman sya sa Tss nya. Para syang ahas.
"Uyy, ano ba yun?" tanong ko ulit. Hindi pa din sya nasagot at nakatingin lang sa daan.
"Wala." Tas sobrang kunot na nang noo nya. Para na nga syang dragon e. As in! Kaya pala YONG ang binigay sa kanyang pangalan. Haha!
"Tss. Tinawanan mo pa ko." ang higpit nang hawak nya sa manibela. Hala! Galit talaga sya.
"Ano ba kasi yun?" paulit ulit kong tanong na ni hindi man lang nya mabigyan nang magandang sagot.
"Wala." Ah bahala sya! Ayaw nya naman sabihin bakit. Bahala sya!
"Bahala ka." sabi ko tas tumingin na lang ako sa labas.
Habang nakatingin ako sa bintana ay nakikita ko ang shadow nya at nakatingin sya sakin. Bahala sya! Tutal ayaw nya naman sabihin bakit.
"Babbit." tawag nya. Hindi ko sya nilingon at nakatitig pa din ako sa labas. Sabi ko na nga ba di ako matitiis nento.
"Uyy Babbit." this time kinalabit nya na ako.
"Ano yun?" seryoso kong tanong sa kanya at nilingon sya.
"Galit ka ba?" tanong nya.
"Hindi ako galit. Mag drive ka na lang." seryoso kong sabi sa kanya. Hindi talaga ako galit. Galit galitan lang. Hoho!
"Uyy Babbit." pangungulit nya ulit.
"Bakit ba Jiyong?" tanong ko.
Nakita kong napasimangot sya. Ano ba talagang problema nang lalaking 'to?
"Galit ka ba?" tanong nya.
"Hindi." matipid kong sagot.
"Galit ka eh." pangungulit nya.

BINABASA MO ANG
Relationship Status: HIDDEN (DARAGON)
FanfictionHanggang kelan kaya matatago ni Dara at GD ang relasyon nila? What if when its already over until they decided to announce their relationship to the world. Would they dare sacrifice while its still early or just let it be hidden. And when she rea...