1
I stared at him.
This is it! Ito na talaga. Paano ba to gagawin?
Ilang ulit ko nang inisip yung mga sasabihin ko. Mga one month din ata yung preparations ko. Syempre, malaking hakbang to sa buhay ko.After nito, pwedeng mabago na ang lahat.
"Huy, natatalo ka na!"
Puna nya pero nakatitig pa din sya sa monitor.Agad kong binitawan yung joystick.
"Ayus! Libre na lunch ko bukas."
Bulalas nya kasabay ng paglabas ng malaking K.O sa screen at pagsayaw ng character na pinili nya para sa laban."Calyx.."
Napalunok ako nang bigla syang lumingon sakin.
Omg! Paano ba to?Parang nagkaproblema yung system ng utak ko. Ang daming words na nagkahalo halo. Dahil sa kaba? Sa takot?
"Huy, Liz ano ba yun? Natameme ka? Natalo ka lang eh. Dont worry, student meal lang ako bukas."Natatawa nyang sabi.
"Ahh.. Hindi yun."
Nagfocus na lang ako sa screen. Syet! Anong sasabihen?!
Huminga muna ako ng malalim.
"Ahh.. Ano.. May tanong lang ako."
Hindi sya umimik pero ramdam kong lumapit sya ng kaunti sakin.
"Eherm.. Kase di ba.. Uhh.. Ano.. Matagal na tayong friends.""Oh tapos?"
Walang gana nyang sabi sabay kain ng popcorn.
"Ehh.. Kase.. Curious lang ako... Kung.. Kung..."
"Kung? Wag mo ngang binibitin! Alas otso na. Mapapagalitan na ko samin.'Akmang tatayo na sya para umalis kaya pinigilan ko na. Aba! Di pa ko tapos.
"Wait.. Eto na.. Ahh... Kase.. Gusto ko lang itanong.. Kung.. Kahit kelan ba o minsan man lang.. Nasagi sa isip mo na.."
"Na?"
Inip nyang tanong."Na.. Malay mo may gusto ka sakin?"
At namayani ang katahimikan. Walang makapagreact. Nakatingin lang kami sa isat isa.
Syet! Panu na?"Ahh ano--"
Magsasalita na sana ko nang tumunog yung cp nya.
Tinignan nya yun at napangiti sya. May nagtext siguro ng joke."Uwi na ko."
Nakangiti nyang sabi."Ha? Ahh.. Ok.. Uhmm.. Yung sinabi ko, di ibig sabihin nun na gusto kita or something ahh.."
I faked a laugh. Sa totoo nyan, naiiyak na ko.
"Alam ko. Timang!"
At humagalpak sya sa kakatawa.
Wtf! Yun na yun? Halos sabihin ko na lahat ng feelings ko yun na yun?
That night, di ako natulog. Di ako makatulog!Ok lang yan, Liz. Parang nagjoke ka lang naman eh. Safe ka dun.
Pero may parte pa rin sa utak ko ang nagsasabing sana di na ko nagtanong.
Kung bakit ba kasi di nalang ako nakuntento sa kung anong meron.That night, di ako nakatulog dahil sa mga calculations ko at conclusions. I know, kaartehan na big deal talaga sakin to. He's my first love. My first guy friend. My first bestfriend.
Ok lang. Ok lang yun dahil may next time pa.
I never regretted what happened. But as far as my calculations are concerned, tama nga ako. This will definitely change everything.
***